Tristan's POV
"Nakuha mo na?"
"Opo ate eto na."
"Tara na."si Hime
***
"Whoa ! andami."sabi ni Jane
"Bat ba hindi sila nababawasan?"tanong ni Hime. Nakapout pa siya, haha. kyut niya tignan! Maasar nga.
"Halika, tanungin natin."sabi ko
"HA.HA.HA andami kong tawa oh! Nagjojoke ka?"
bwesit! Ako pa ata ang naasar!!!
"Papalapit na sila, maghanda na kayo!"utos ni Ate Shy. Ganito ba talaga kapag bida? Ginigipit? Huhu kawawa naman kami! XD
*Bang!*
Patuloy ang pagbaril ni ate Shy sa mga halimaw. Maski ako hanga sa kanya. Ang angas niya kaya, at first sight aakalain mong di makabasag pinggan, pero ang totoo pati bungo kayang basagin! Cool!
Patuloy na rin kami sa pagtataga sa ulo ng mga halimaw.
*RRAAAAWWR*
*SWWIIIIIISSH*
"Ampapangit niyo!"sigaw ko sa mga halimaw.
"Wala namang pinagkaiba sa itchura mo eh!"bwesit na babaeng to ah! Nakakadalawa na!
Lumapit ako ng bahagya sa kanya. Isang inch na lang ang layo ko sa mukha niya. "Ako lang ata ang hybrid na halimaw, na rare lang makita ang ganito kagwapo sa lahi namin."ramdam ko ang hininga niya!
*RRAAAAWWR!*
"TRISTAN SA LIKOD MO!!"
*SWWIIISSSHH*
Tinaga niya ang halimaw sa likuran ko! Magkayakap tuloy kami. Parang nag.slow motion ang lahat. Ramdam ko ang pintig ng puso niya. Iwan ko pero bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit pabalik.
(Now Playing: A Thousand Years)
"Nakz! Nanlalaway na ang mga zombie sa tamis oh! Save niyo na lang yan paglabas..."napa.alis tuloy kaming dalawa sa pagkakayakap."...for now, maghiwa.hiwalay muna tayo para mahati ang atensyon ng mga halimaw. Kapagka kasi dumito lang tayong apat, baka sabay sabay tayong matsugi. Makita na lang tayo dun sa lab kung saan sila Nikko. Ikaw ang sasama sakin Jane."dagdag ni Ate Shy.
"Sige po! Tara na!"
————
Nikko's POV
"Tapos na kami! Tara na!"nilagay ko na sa lalagyan yung naformulate kong cure pati na rin yung nireverse ng mga doctor. May paggagamitan din to, in case!
"Paano tayo makakalabas niya!?"nginuso ni Yuri ang nasa labas. Taena! Pinapaligiran kami ng sandamakmak na halimaw.
Nilibot ko ang paningin ko sa lab, tumingala sa kisame. BINGO! May isang butas sa kisame.
"Christian tulungan mo ko dito!"hinila naman ang lamesa at nilagay sa tapat ng butas sa may kisame. Pinatungan namin ng isa pang lamesa at isang upuan. Sakto lang naman para maabot ang kisame.
"Anne, Thea! mauna nakayong umakyat! Ai hindi pala! Yuri unahan mo kasi ikaw ang nakaka.alam kung saan tutungo!"utos ko
"Sige!"
Ng nakaakyat na silang tatlo,inalalayan namin ni Christian sina JR at PeeJay na maka.akyat. "Mauna kana Christian."
"San ka pupunta?"pagtataka niyang tanong.
"Basta!! Mauna kana!"
"S-sige. Sabi mo eh"dahan dahan na siyang umakyat.
San na kasi dito yun? Hinanap ko kung san dito pipindutin para tumunog yung alarm!
*ccrraaaaack*
"NIKKO HALIKA NA!!!! MABABASAG NA ANG PINTO!!!"sigaw na Christian. Tch!
"Ano bang hinahanap mo jan?"
"Yung pindotan ng alarm!"sagot ko kay Yuri.
"Tangi! Anlaki niyang bilog oh! Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong magbasa?"pamimilosopo ni Yuri. —_—
[⚠ CAUTION: For Alarm purposes]
Nanliliit tuloy ako! Bat hindi ko kasi to napansin? Napahiya pa tuloy ako!
*RRIIIIINNNGGGG*
*CCRAAAASSSHH*
Kasabay ng pagtunog ng alarm ang pagkawasak ng pinto ng lab!
Isa isa ng nagsipasukan ang mga halimaw! Syempre, nakaakyat na ako nun! Magpapakamatay ako? Ganun? Tch!
"Tara na!"utos ko sa kanila, at mahinahon kaming gumapang.
———
(A/N : Hehehehe sarreeh late UD! 3Chapters to go na lang kasi, ending na ! Kaya ayoko magUD kasi ayoko pang matapos! :( Sana kapag natapos tong istoryang ito ay hindi kayo titigil sa pagtangkilik ng mga gawa ko! ^______^ Wag kayong mag.alala, may up coming story ako na tiyak ay ikakatuwa niyo! HeheheKeep voting and leave a comment! Hit this ——> ☆ THANK YOU)
YOU ARE READING
The Zombie Tsunami
HorrorNa iisip mo ba na paano kung magkatoo lahat ng napapanood mong HORROR movies? Paano mo ba haharapin ang mga circumstances? Paano kung magkakaroon ng zombie tsunami? Lahat ng yan ay nag.uumpisa sa "Paano kung at Bakit"