Chapter 21

163 8 1
                                    

Anne's POV

"Matagal pa ba yan? Ang kukupad niyo namang kumilos eh!"eh kasi naman magtatatlong oras na din kaming andito.

"Mapalapit na! Wait lang. 5 more minutes."sigaw ni Christian.

Sumilip ako sa bintana para tingnan ang nangyayari sa labas.

Ganun pa rin. Kaso nga lang eh dumadami ang mga zombie.

"Tara na!"aya ni Nikko.

Nakita kong may daladala siyang suitcase.

Maya.maya may itinurok sila sa kanilang braso. "T-teka? Ano yang tinurok niyo?"

"Cure. May iniwan kasi si tito dito niyan sa lab at naiwanan niya din yung formula... ayun, gumawa kami ng iilan. Pero ipapaubaya din natin sa eksperto tong sample."tugon ni Nikko sabay turok ng cure daw sa braso ko.

"Effective ba to?"tanong ko.

"Maghihintay muna tayo ng 3mins. bago umepekto."sambit ni Christian.

Natapos ang tatlong minuto ay napagkasundoan naming lumabas na ng bahay.

Napa.atras pa ako kasi andaming zombie sa labas. Pero parang may mali? Sila ata ang natakot?

Kasi nung humakbang si Nikko pa.abante, nagsitakbohan ang mga zombies. Naging kabaliktaran ang nangyari.

"Mabuti na lang at iniwanan ka ng tito mo ng sample."

"Oo nga eh. Kasi sabi niya baka sakali daw maulit muli ang outbreak. Aag there it goes, nangyari nga ulit"sagot sakin ni Nikko.

"Hoy! gong gong! Tama na yan! Magkaka.heart.attack na yang zombies kakasindak mo sa kanila."sita ko kay Christian.

Tama bang takutin at habulin ang mga halimaw?

"Hihi. Eh ang saya nila tingnan eh. Para bang ako ang nagmukhang zombie. Hahaha"

"Tuwang tuwa ka pa nyan eh nuh? May expiration din yan Christian.. Tinest lang natin kong successful ba.."sabi ni Nikko.

Matapos ang bangayan ay sumakay na kami at humarurot pabalik.

————
Thea's POV

"Ate Shy, wala pa po ba sila?"tanong ko kay Ate na nag aabang sa may bintana.

"Wala pa nga eh. Magtatatlong oras na din. Pati sina Tristan wala pa, nag.aalala na ako sa kanila."

Umupo na lang ako sa sofa wari ba'y nakikiramdaman sa nangyayari.

*BOOOOMMMM*

Isang nakaka binging pagsabog ang bumasag ng katahimikan.

Tumilapon si Ate Shy mula sa bintana.

"Ate, okay ka lang!?"agad ko siyang nilapitan.

Tiningnan ko ang bakas ng pagsabog. Napuruhan ang pintuan at ang bintana.

Hindi ba nila alam na may tao sa loob?

"Dapat na tayong umalis bago pa tuluyang mapasok ng mga halimaw ang bahay."sabi ni Jane.

Siguro nga kailangan na naming umalis. Isa isa na ding nagsilapitan ang mga halimaw.

"Dito tayo sa likod dumaan."suhistyon ni Ruth.

Dahan.dahang binuksan ni Ruth ang pintuan ang tiningnan kung may halimaw.

Wala namang halimaw kaya lumabas na kami.

Akay.akay ko si Ate Shy kasi nagka.fracture ang kaliwang binti niya.

Ng makalabas kami ng tuluyan ay pina.upo ko muna si Ate Shy sa malaking puno sa may bakuran.

*BBOOOOMMMMM*

"ERICA!!!! HANNAH!!!!!"sigaw ko sa dalawa. Tumilapon sila matapos yumanig ang pagsabog 10meters malapit samin.

Nakahandusay si Erica at tumilapon palabas si Hannah.

May papalapit na halimaw kay Hannah.

"Hannah!!!!"sigaw ni Jane sabay nilapitan ang kaibigan.

*RRRAAAAWWWWRRR*

to be continued.........

The Zombie TsunamiWhere stories live. Discover now