Chapter 7

244 11 0
                                    

Nikko's POV:

Tinignan naming mabuti ang mga ward. Nagbabakasakaling may nakaligtas.

Hindi ako nawawalan ng pag asa. May nakita akong babae kanina na nakikipaglaban sa mga halimaw.

"Mukhang nahuli na tayo ng dating Nikko."

"Wag ka lang mawalan ng pag.asa" sabi ko sabay tapik sa kanyang balikat.

Pagod na rin kami kakaturture ng mga halimaw. May nakita akong upuan at naupo muna kami.

Paubos na rin ang bala niya. Nasandal ako sa pader at tumingala sa kisame.

"Sana maging normal na ang lahat."

"Maayos din to, Nikko. Tiwala lang. Sigurado akong  may cure ang lahat ng to..."

CURE. CURE. CURE.

Paulit.ulit na lumalabas sa isipan ko ang salitang yun.

Hindi ko lang matanto, pero narinig ko na ang salitang yun dati pa.

Wag na nga lang problemahin. Problema pa namin kung paano makakalabas dito.

Tumayo ako at tinungo ang bintana para sulyapan ang labas. "Ohh God!"

"Ano yu------TANG*NA!!!!"napamura si Francis sa tanawin.

Nakakatakot. Kitang kita namin ang kalsada. Parang mga lasing na palakad.lakad. Andami nila. Parang tsunami! isang zombie tsunami. Nakakapanindig balahibo ang mga ungol nila.

"Aaaaahhh! TULONGG!!!!"

Nagkatinginan kami ni Francis.

"Tara! tingnan natin!"

Tinakbo namin ang isang ward kung saan nagmula ang sigaw.

Naabotan namin sa loob ang isang babae. Papalapit na sa kanya ang halimaw!

"Francis!!!..."

"Alam ko...."

*RRRAAAWWRR*

*BANG!*

"Miss okay ka lang? Infected ka ba? o nakalmot ?"tanong ko. hindi muna namin siya nilapitan. Mahirap na at di tayo nakakasiguro.

"O-okay l-lang ako... W-wala akong k-kalmot."nanginginig niyang sabi

Minabuti na namin siya lapitan at lapatan ng paunang lunas. Nagdala kasi ako nun sa back.pack ko. In case of emergency.

Inalalayan siya ni Francis tumayo. "Kaya mo ba?"

"Oo, kaya ko pa. Hindi naman masyadong malala to."

"Tara na! kailangan nating mag madali."

Tama lang ang timing ng maabutan namin pababa sina Tristan at Christian.

Teka, bat kulang sila? Nasan yung magpinsan?

"Nikko!.."

"Tristan! teka, bat kulang kayo? Nasan sina Ace?"tanong ko.

Nakita kong napayuko si Tristan. At tumingin naman sa ibang direksyon si Christian.

Kinakabahan ako sa malalaman ko.

"Wala na sila Nikko...."mahinang tugon ni Tristan.

Napa close fist ako. Nabawasan na naman kami. Kung hindi ko na lang sana sila sinaman.

"Tara na! Dapat na tayong magmadali! Parami sila ng parami..."ani Francis

Bumaba na kami ng second floor. Papalabas na sana kami ng maraming halimaw sa labas.

"Andami na nila!"bulalas ni Christian

"Paano tayo makakalabas niyan?"

"Wala na tayong ibang magagawa kundi ang lumaban.."sabi nung babae. Teka, san niya naman nakuha ang lagaring hawak niya?

"Whoa! angas mo naman! Can I get your numbe-----ARAYYY!!! Ang hihilig niyo mambatok"

"Walang ng oras para jan Tristan!"puna ni Francis.

Hinanda na namin ang sarili. Hindi ko alam kung paano namin malalagpasan to. Napakarami nila.

"Magtatapon ako ng granada palayo, gagawa yun ng ingay at pupuntahan yun ng mga zombie. Yun yung oras na lalabas tayo." masasabi kong matalino din tong si Francis.

Sumandal kami sa pader malapit sa may pinto para magtago. Naghahanap kami ng tamang tyempo.

"....okay, pagbilang ko ng tatlo. takbo na agad.. Isa..........dalawa........TATLO!!!!!"

Hinagis na ni Francis ang granada. Umingay ito pagkabagsak sa semento at agad na pinag kumpolan ng mga halimaw.

*BOOOOMMMMM*

"May mga humahabol pa rin satin!"

tugon ni Anne

Siya yung babae kanina sa ospital. Mahihirapan kami papasok ng mansion. May mga nag.aabang na halimaw.

"Nikko pano na?"

"Ako ng bahala....." binaril isa isa ni Francis ang mga halimaw.

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

to be continued.........

The Zombie TsunamiOnde histórias criam vida. Descubra agora