Chapter 1

804 30 8
                                    

Nikko's POV:

Nagkakasiyahan kaming lahat. Andaming bisita. Kaarawan kasi ngayon ng mommy ni Tristan, as always imbitado kami ni Christian. Mitikulosa ang mommy niya kaya sa Tagaytgay ang celebration. Malaki naman ang mansion nila dito, katapat ng kanilang bahay ay isang malaking hospital. Magkakabarkada kaming tatlo since first year highschool.

Naisipan ni Tristan na dito na lang kami sa kwarto niya kasi nakakabanas daw ang mga  bisita.

Mag momovie marathon daw kami! takte! Kabaklaan!

"Tristan, bat halos tungkol sa zombie lahat ng tape mo?"tanong sa kanya ni Christian

Ngayon ko lang din napansin. Ano to? collection purposes lang? Ganun? Tss.

"Pare, naniniwala ba kayo sa zombies?"out of the blue niyang tanong. Nagkatinginan kami ni Christian.

"Parang hindi naman sila nag.eexist eh! Kathang isip lang yan brad!!!" sagot sa kanya ni Christian

"Eh, ikaw Nikko?"

"H-ha? ahhh... ehhh.. hindi masyado. Pero sabi ng tito ko nag.eexist daw sila........"

na.upo ako sa kama at pinagpatuloy ang pagkukwento......

".... nagkaroon daw ng epidimya, dati which is 1decade ago. Lima lang silang survivors maliban sa mga taong nadala sa Palawan, doon daw kasi inivacuate ang hindi na infect ng virus.. Anak ng isang tanyag na scientist si tito at laking states. Marami daw ang nasawi. Pati daw ang matatalik niyang kaibigan."

"So, paano nila nalagpasan ang outbreak?" seryosong tanong ni Tristan.

"I don't know. Di nakwento sakin ni tito. Pero hindi pa nila nasisiguradong tapos na talaga." tugon ko sa kanila

"Bat napaka interesado mo sa mga bagay bagay na yan? Tristan?"

"Christian, Nikko, kasi....."

tumigil muna siya at umayos sa pagkaka.upo

".....satin satin lang to ha. Kasi parang may naririnig akong ungol jan sa hospital sa tapat ng bahay namin. Inisip kong nag.aalaga sila ng zombie at pinag.iiksperimentohan.. kagaya ng mga napapanood ko sa movie, at patuloy na hinahanapan ng cure..." seryoso niyang sabi

*PAK*

"ARAY CHRISTIAN HA! BAT KA NAMBABATOK? SERYOSO AKO DITO EH!" bulalas niya! at ayun riot na sa lood.

Parang mga ewan talaga tong dalawang to!

"AAAAAAAAAAAHHHHHH"

napatigil silang dalawa at nagkatinginan kaming tatlo dahil may sumigaw sa labas.

"Ano yun?" ani Tristan

"Ewan. Tara! tignan natin! DALI!" sabi ko at agad naman kaming nagmadaling bumaba.

-------

nanlaki ang aming mga mata sa hindi inaasahang makita.

Nagtatakbohan na ang mga bisita palabas ng mansion. Nakita namin ang isang babaeng nakahiga sa kalsada at kinakain ang kanyang laman loob.

"T-totoo b-ba to?" pagkamanghang tanong ni Tristan na may halong takot.

Hindi ko alam kong anong gagawin. Napako ang aming mga paa sa nakita. Ang dating halimaw na pinapanood lang namin sa telebisyon ay nagkatotoo at actual naming nakikita. Tama nga si tito. Hindi pa kompirmado na wala na talagang outbreak.

Nakita namin na natapos ng kainin ng halimaw ang babae. Napaatras kami kasi naglakad ang halimaw sa kung saan ang aming kinaroroonan. Bago pa kami nakapasok muli sa mansion ay nakita kong tumayo ang babaeng nalapa ng halimaw. Kulay grey na ang mga mata at bukas ang tyan. Nasusuka ako sa nakita.

"Tara na sa loob! At sarhan niyo na rin ang gate!" ani ko! at ginawa naman nilang dalawa. Safe naman ata itong kinaroroonan namin kasi mataas naman ang bakod.

--------
Tristan's POV:

Nasa stage of shock pa rin ako sa nakita ko kanina.

Hindi ko inakala ang nangyayari.

"DAPAT TALAGA NIREPORT YANG HOSPITAL NA YAN EH!!! TANG*NA!!! MGA WALANG HIYA! HIPUKRITO!! AKALA NILA YAYAMAN SILA SA PAG AALAGA NG HALIMAW!? TAMA AKO SA NAKITA KO EH!!!! BAT BA HINDI NILA TAYO PINANINIWALAAN!?"

nakabalik lang ako sa realidad sa pag sigaw ni daddy.

"Ano ka ba Robert! huminahon ka nga muna! wala na tayong magagawa at wala na rin tayong karapatang magsisihan pa!!! Nangyari na ang hindi inaasahan!" sabi ni mommy kay daddy.

Tama si daddy,.. sana ako na lang ang maglakas loob na magsumbong nun pa! Pero bata palang ako nun nung nakita namin ang mga inaalagaan nilang halimaw.

*flashback*

Bakasyon noon at pumunta kami dito sa Tagaytay, may rest house kasi kami dito.

Mga pitong taon ako nun ng inatake ng hika si mommy pagkadating namin sa mansion. Total may hospital naman sa tapat samin. Hindi hastle ang paghatid kay mommy.

Pagkapasok ko pa lang, ay tumindig na ang balahibo ko. Hindi ko na lang yun pinansin kasi ganun din ang nararamdaman ko sa tuwing naiihi ako.

Nasa private ward si mommy.

Nainip ako sa loob at lumabas para aliwin ang sarili. May mga bata sa labas, pero sabi ni daddy wag daw malikot at baka mapahamak.

Bago pa man ako makalabas, may narinig akong ungol. Sigurado naman ako na hindi ako gutom kasi kumain naman na ako.

Parang sa ibaba nanggagaling. May nakita akong hagdan pababa sa parang isang laboratory. May nakalagay sa pinto na isang sign or board.

"For authorized person only"

Yan ang nakalagay. Pero hindi ko yun pinansin out of my curiosity.

Pinihit ko ang doornob ang binuksan ng kaunti.

Sinilip ko ng palihim ang nasa loob.

*RRAAAAAAWRRRR*
O____O

Nanlaki ang mata ko sa nakita at sinarhan ang pinto at tumakbo sa kung saan ang ward ni mommy.

"Z-zombie???" tanong ko sa sarili ko.

Aligagang-aligaga ako hanggang sa makatulog sa couch na nasa room ni mommy.

*end of flashback*

(A/N: Grabii. kinakabahan ako sa unang chapter. Sana magustuhan niyo! amateur pa lang po kasi ako! Vote and comment po ah! aasahan ko yan! arigatou! ^_____^)

The Zombie TsunamiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon