Nikko's POV
Umupo na kami ni Christian sa tabi nila. Nag Truth or Dare daw sila. Tch.
"Okay! may bago tayong panauhin!!! Tatanungin ko na si Christian... TRUTH or DARE.."tugon ni Ate Shy.
"Truth...."derichong sagot ni Christian
"May gusto ka ba sa kapatid ko?"
Nagitla naman si Christian sa tanong ni Ate Shy.
"H-huh? A-ahhh.... uhmm.."si Christian
"YES or NO lang!!!"pagmamaktol ni Jane. Nakita ko ring nakayuko si Ruth.
"Y-yes!"kinakabahang sagot ni Christian.
"Ayieeeeee..."biglang naghiyawan ang lahat. Haha sabi na nga eh!
"Okay, ikaw naman Nikko.... TRUTH or DARE?"napa.isip tuloy ako.
"Truth."sagot ko kay Ate Shy.
"Okay,.. ahem ahem, may gusto kaba kay Anne.?"
DUB.DUB.DUB.DUB
Takte!! Ano yun? Bat bumilis bigla ang tibok ng puso ko? Bumalot ang katahimikan sa buong kwarto, ewan ko pero parang namute ako...
"O-oo"
*rriiiingggg*
Kasabay ng sagot ko ang biglang pagtunog ng alarm. Bwesit! Tagaktak tuloy ang pawis ko! Save by the bell!! Hahaha sana hindi nila narinig.
***
"Pa! ano po bang nangyari? Bat tumunog ang alarm."tanong ko kay papa.
May tinuro siya sa monitor.
"Paano sila naka pasok?"tanong ko ulit kay papa. Nakita ko kasi sa kuha ng CCTV sa labas, sora na ang bakod. Di ba may kuryente naman yun?
"....di ba may kuryente naman yun?"dagdag ko pa.
"Nagkaroon ng pagsabog kanina sa labas, natamaan ang cable na connected sa main switch ng kuryente kaya nawalan ng kuryente ang bakod.."sabi ni Yuri.
"Paano na po ngayon yan? May posibilidad po bang makakapasok din ang mga zombie sa lab?"tanong ni Ate Shy.
"We're fixing everything na hindi masisira ng mga halimaw ang pintuan...Mas lalo silang lumalakas.. I'am not sure pero parang may nagcocontrol at nagbibigay ng lakas sa kanila."seryosong tugon ni PeeJay. Tumutulong silang tatlo sa control area. Maalam pala sila sa mga gantong bagay. Ang angas nga eh. College na din kasi sila.
"You mean?"singit ni Anne.
"We're not sure. We'll find it out.'sagot ni JR.
Matapos sabihin yun ni JR ay na.isipan na naming balikan sina Tristan sa kwarto.
Huli ako sa grupo na naglalakad. Napahinto ako ng may narinig akong nag.uusapan sa isanh kwarto.
Sumilip ako total nakabukas naman ng bahagya ang pinto.
Nakita ko ang tatlong doctor. Sila yung mga kaibigan ni tito at papa.
"Ano? natapos mo na ba yung pinapagawa ko sayo kagabi?"sabi nung matangkad
"Oo, habang tulog silang lahat kagabi, inispray ko na yung binigay mong medicine sakin para lumakas ang mga halimaw.."sabi nung babae.
WHAT!?? Sila? Sila ang may kagagawan kung bakit nakapasok ang mga halimaw? Pero bakit?? Bat nila trinaydor si tito?
Bumalik ako sa pakikinig, hindi naman ata nila nahahalata na andito ako.
"Buti na lang magkakampi tayo, simula pa nung na.detained tayo dito sa Pilipinas naging alalay na lang tayo ng Miles na yun!! At siya na ang umangat, dagdag mo pa ang Enrique na yan! Masyadong mapapel!"sabi nung isang lalaki na naka.nerdy glass.
Para yun lang? Dahil sa matinding inggit nila kina tito at papa? Pinapatunayan lang nila na talunan sila.
"Bumukas na bukas din ay aalis na tayo dito, at tayo ang magpapalaganap ng cure para sisikat tayo at titingalain.."sabi nung matangkad at sabay silang magtawanan.
"Psst! Nikko!? Ginagawa mo jan?"
Bwesit! Bat andito tong lokong to?
"Bat andito ka Tristan!?"
"Napansin ko kasing hindi ka pa bumanalik, so lumabas ako at andito ka lang pala.."
Tiningnan ko muli ang loob. Sh*t! Nakatingin sila dito.
Hinila ko na si Tristan at tumakbo na pabalik ng kwarto.
Alam kong mapanganib na kami kapag nanatili pa kami rito. Dapat ko ng sabihin kina papa ang tungkol sa plano nila.
Dapat maunahan namin sila sa cure. Dapat magamit yun sa mabuting pamamaraan.
Bukas na bukas.
Bat ba kasi may mga kontabida pa?! Kaya wala tuloy happy ending eh! Aistt!! Naloko na!

YOU ARE READING
The Zombie Tsunami
HorrorNa iisip mo ba na paano kung magkatoo lahat ng napapanood mong HORROR movies? Paano mo ba haharapin ang mga circumstances? Paano kung magkakaroon ng zombie tsunami? Lahat ng yan ay nag.uumpisa sa "Paano kung at Bakit"