Nikko's POV
Nasa baba na silang lahat.
*BBOOOOMMMM*
Isang malakas na pagsabog ang yumanig na siyang dahilan ng aking pagkalaglag sa hagdan.
"NIKKO!!!"sigaw ni Christian at Tristan
Napatakbo si Christian at inalalayan ako sa pagtayo.
"Okay ka lang? Walang masakit?"pag aalala niya.
"Okay lang ako...Salamat."
Naupo na ako sa couch habang sina Ate Shy, Thea at Anne ay abalang tumitingin sa labas.
Sina Jane naman ay nasa kusina kausap si Ruth.
Patuloy pa rin ang pagsabog sa labas. Wasak na ang ibang establisyemento at mga sasakyang natatamaan ng pagsabog.
Usok at alikabok ang bumalot sa buong paligid.
"Ano bang nangyayari?"Tanong ko kay Christian.
"Inopen ni Ate Shyang tv at nanood ng balita. Rinig ko naman mula sa kusina...."
"Oh? bat nasa kusina ka?"pagputol ko sa kanya.
"....patapusin mo muna ako pwede?"
"Okay, go on."
"......naghahanda kami nun ni Ruth ng makakakain ng biglang may sumabog sa labas. Sabi dun sa balita, utos ng pangulo na bombahin ang bawat kalsadang makikitaan ng mga halimaw nang sa ganun daw ay mabawas.bawasan ang pagkalat ng virus. May mga sundalong napapadaan sa labas ng bahay, sabi nila na mas mabuting huwag daw tayong lalabas. Binalita din na gumagawa na ng cure ang mga tanyag na scientist sa Pilipinas na tinutulongan din ng America."
Tumango na lang ako.
Naalala ko ang panaginip ko kagabi. Posible kayang nandun pa sa bahay yung cure na iniwan ni Tito?
Dapat magmadali ako, baka tuluyang mawasak ang bahay. Pero sina mama? Kamusta na kaya sila?
Biglang nagsalita si Christian.
"....nakalimutan ko palang sabihin, naevacuate na ang ibang survivor, pati na rin sina mama at mga magulang mo. Ligtas na sila. Hindi na namin naalam kung saang lugar kasi tuluyan ng nawala ang signal ng TV."
Mabuti naman kung ganun. Dapat na akong kumilos.
"Christian, samahan mo ko. Pupunta tayo ng bahay."
Tumango lang siya.
"Nikko masyadong delikado sa labas. Baka kung mapano kayo."pag.aalalang sabi ni Ate Shy.
"Wag po kayong mag.alala Ate, mag.iingat po kami."
".....Tristan, mas mabuting dumito ka na lang para naman may lalaking magbabantay dito."
"Sige." ani niya.
"Sasama ako!"biglang nagsalita si Anne.
Hindi na ako nakasagot. Wala na rin naman akong magagawa. Antigas ng ulo nitong babaeng to.
"....kayong apat!"tugon ko kina Hime. "alam kong maalam kayo makipaglaban dahil sa anime inspired kayo! Tumulong kayo sa pagbabantay at siguraduhin niyong walang makakapasok na halimaw. Ayokong mabawasan tayo."
"Hai!!! wakarimashita, sensei!"sabay.sabay nilang tugon. May pa.salute salute pa.
[a/n : Hai!!! wakarimashita, sensei= Yes!!! I understtood, master]
" Sorewa ii desu ne"sagot ko sa kanila. Half japanese ako kaya maalam ako maghapon!
[a/n : sorewa ii desu ne=That's good]
"A-anatawa nihongo wo hanashimasu ka?"tanong ni Hime.
"Oo, japanese Papa ko! Aalis na kami."
Lalabas na san kami...
"Christian!!! bumalik ka ha."agad na niyakap ni Ruth si Christian. Official na pala tong dalawang to! Wala man lang akong alam. Tch.
"Oo naman! babalik ako. Magpapakasal pa tayo di ba?"hinalikan ni Christian ang noo ni Ruth.
"Tama na yan Christian, Tara na"
Lumabas na kami ng bahay. Ginamit ang kotse nila Ate Shy at tuluyan ng lumabas ng gate.
itutuloy............
YOU ARE READING
The Zombie Tsunami
HorrorNa iisip mo ba na paano kung magkatoo lahat ng napapanood mong HORROR movies? Paano mo ba haharapin ang mga circumstances? Paano kung magkakaroon ng zombie tsunami? Lahat ng yan ay nag.uumpisa sa "Paano kung at Bakit"