Christian's POV
Tumayo si Ate Shy at binuksan ang Tv.
"Oh my ghad!"
Nanlaki ang mga mata namin sa nakita. Kumalat na ang outbreak. Sina mama, kamusta na kaya.
Dapat na siguro kaming kumilos. Hindi lang buhay namin ang nakasalalay dito,
kalat na ang epidemya.
"Kailangan na siguro nating bumalik sa maynila." pagbasag ko ng katahimikan.
"Tama si Christian, kailangan tayo ng pamilya natin."pag sang angyon ni Thea.
"Pero paano? Masyadong delikado ang daan." ani Anne.
"Wag na tayong mag aksaya ng oras."tumayo si Francis at nag.ayos
Nag handa kami isa isa. May dalawang van sina Tristan at yun daw ang gagamitin namin.
Kinabahan ako bigla. Sana maka alis kami ng maayos. Alam ko tutulongan niya kami. Alam kong andyan siya.
"Lord, ikaw na bahala sa'min."sabi ko sa sarili ko.
————
Nikko's POV"Christian! Tara na!"tama ba namang tumunganga?
Maingat kaming pinuntahan ang sasakya.
Nasa kabila sina Francis, kasama sina Shy , Thea , Tristan , at si tita.
Kasama ko naman sina Christian at Anne. Nauna kami sa kanila. Hindi ko inakalang marunong magmaneho si Thea.
"Nikko!! tingnan mo sa banda ron!"
Nanlambot ako sa nakita sa tinuro ni Christian. May halimaw sa kabilang kalsada, napaka pamilyar. Sa unahan may bata, paikaw ikang maglakad.
Hindi ito ang oras para panghinaan ng loob. Pinaandar ko na ang sasakyan.
"Nikko, di ba si Ace yun."mahinang sabi ni Christian.
"....nakalmot nun si Jv ng halimaw, binuhat siya ni Ace papuntang stetcher, tinalian niya yung parting nakalmot ng halimaw kay Jv, bago niya pa matapos itali ang benda, kinagat na siya ni Jv. Tama ang sabi ni Tristan, kapag nakalmot ka, katapusan mo na. Natatakot ako Nikko."dagdag ni Christian. Nagsimulang lumaas ang kanyang mga luha.
Tinapik ko na lang ang balikat niya.
"Makaka ligtas din tayo sa epidemyang to, tiwala lang Christian."
"Hindi ngayon ang oras para panghinaan ng loob, naghihintay ang mga pamilya natin. Daig niyo ang babae kung makapag emote."kalamang sabi ni Anne. Tch!
Nasa kalagitnaan kami ng daan ng isa isang magsilabasan ang mga halimaw.
"Nasan na ba tayo?"tanong ko kay Christian.
"Parang sa Talisay."tumango lang ako sa kanya.
Malayo pa. Lubak.lubak ang daan. Maalikabok.
"May humahabol satin! Bilisan mo ang pagmamaneho!"sigaw ni Anne.
Bahala na. Pinaharurot ko ang sasakyan.
Tiningnan ko sa side mirror sina Tristan.
"Nikko bat ka huminto!?"
"Christian nakita mo bang nakasunod kanina satin."
"Hindi. A-anong ibig mong sabihin?"
"TARA NA!! MAGPAPAKAMATAY BA KAYO? ANDAMING SUMUSUNOD NA HALIMAW OH!!"wala na akong nagawa kundi paandarin ang sasakyan.
Siguro sa kabila sila dumaan. Oo yun nga. Alam ko maayos lang sila, andun si Francis.
Dumadami na ang mga halimaw! Bahala na kung san kami dadalhin!
—————
(A/N : Pati ako naguguluhan.. hihi joke lang! Oh ayan na! Keep reading! The final stage is coming.. vote vote vote mga pards!!!! thank u!!!)

KAMU SEDANG MEMBACA
The Zombie Tsunami
HororNa iisip mo ba na paano kung magkatoo lahat ng napapanood mong HORROR movies? Paano mo ba haharapin ang mga circumstances? Paano kung magkakaroon ng zombie tsunami? Lahat ng yan ay nag.uumpisa sa "Paano kung at Bakit"