Bricelle POV
Dapit hapon na nang matapos kami sa paglilibot ng lugar na ito. Kasabay no'n ay ang sunod-sunod na pagdumog ng mga tao sa amin sa bawat puwesto na aming mapupuntahan. Ang mas napuruhan sa gitgitan kanina ay si Froilan at iyong tatlo, dahil panay kababaihan ang lumapit sa kaniya. Mayroon din namang lumapit sa amin at sa akin na hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala.
Kasalukuyang nandidito kami sa food court at hinihintay ang aming in-order na pagkain. Sa pagkakaalam ko ay hindi rin kami nakakain ng tanghalin, halos lahat na rin siguro ng rides ay nasakyan namin. Kung kaya't napagdesisyunan naming tumigil muna rito.
"Nag-enjoy ba kayo?" tanong ni Froilan habang malawak na nakangiti at nakaupo sa aking gilid.
"Oo naman! Salamat pala sa libre!" sagot sa kaniya ni Lorence, dahilan upang humalakhak ang lahat.
"Anong libre? I used your account, Ler's account and Russell's account. Hindi naman ako papayag na gagastos ako ng malaki para sa inyo 'no," paliwanag ni Froilan. Tila may dumaang anghel sa table namin dahil sa sinabing iyon ni Froilan.
"You... used our accounts!?" bulyaw ng tatlo kay Froilan na ngayo'y humahalakhak na.
"Pero papaano, Froilan?" Lumingon sila sa akin nang magtanong ko, pagkatapos ay sinulyapan nilang muli si Froilan na ngayo'y nakakurba ang labi.
"It's because of your parents, basic!" Humalakhak ito nang walang humpay kaya hindi niya namalayang nakalapit na ang tatlo sa kaniya. Ngayon ay kinokotongan nila ang halimaw.
Ang lakas talaga ng tama nito.
"Signora, malapit nang magdilim. Bakit tayo ay nananatili pa rin sa lugar na ito?" Napalingon ako kay Conor na nasa aking kanan lang pala.
Sa sobrang tahimik niya ay hindi ko namalayang kasama nga pala namin siya.
"Bakit? May binilin ba si papa na huwag kaming magpapagabi? Kasama ko naman si ate ah?" balik na tanong ko sa kaniya.
"It's not that, signora. Masiyadong delikado para sa iyo kung magpapagabi tayo rito." Kumunot ang aking noo nang lingunin niya si ate, ngunit nang tingnan ko naman siya ay nakikipag-kuwentuhan ito kay Tayler.
Bakit ba lagi silang nababahala tuwing lumalabas ako?
"Don't force her to go home. Saka marami kaming kasama niya, kaya huwag kang mag-alala. Ano pa palang ginagawa mo rito?" mungkahi ni Froilan.
Ngayon ay nasa amin na ang atensyon ng lahat. Nararamdaman ko rin ang matinding tensyon sa dalawa nang magtama ang paningin nila, tila ba sumikip ang napakalaking lugar na ito dahil sa kanila.
"I am her body guard. Mabuti nang handa, kaysa sa pabaya," pag-tugon ni Conor. Kaagad akong napalingon sa kaniya at nilakihan siya ng mata, ngunit nginisian niya lamang ako.
Engot! Mag-liliyab ang halimaw sa ginagawa mo!
"So anong pinapalabas mo rito? That we're negligent about her safety? Is that what you mean?" Napabuntong hininga na lamang ako nang tumayo si Froilan at umikot papunta sa aking kanan upang kuwelyuhan si Conor.
Hindi naglabas ng salita si Conor at nanatiling tahimik habang nilalabanan ang titig ni Froilan nang walang ekspresyon ang mukha. Nagsisimula na rin ang iba't ibang bulungan ng mga tao, kaya walang buhay na sinulyapan ko si Quinn.
Nang magtama ang paningin namin ay nakuha niya naman kaagad ang ibig kong sabihin. Tumayo ito at dumako sa dalawa. Nang makalapit siya ay hindi ko inaasahan ang ginawa nito... lahat kami ay hindi makapaniwala.
"Titigil kayo o parehas kong puputulin ang tainga niyo?" may awtoridad na pag-wika nito habang pinipingot ang tainga ng dalawa.
Iba't ibang daing naman ang aming naririnig mula sa bunganga ng dalawa, kaya nang mapagtanto ni Quinn na tumigil na ang dalawa ay binitawan niya iyon at bumalik ulit sa kaniyang puwesto. Habang ang dalawa naman ay magkatabi ngayon sa upuan at parehas hawak ang kanilang tainga na ngayo'y namumula na.
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL POPULAR
Roman pour AdolescentsA private school for popular students known as Crystal Light International School (CLIS) does exist in the world where education only runs through money as well as talent and popularity. Money is crucial, so does the number of likes. An unforeseen b...