Lorence POVTirik na tirik ang araw at tagaktak na ang pawis ko habang nandidito pa rin kami sa quadrangle at yumayakap sa sandamakmak na kababaihan. Kanina pa ako naiirita, pero kapag nakikita ko ang kaniyang mga ngiti ay ginaganahan akong tulungan sila sa pagbebenta. Kahit pa dumidikit ang mga pabango ng mga babae sa akin ay hindi na ako nagrekreklamo, kahit pa ayon ang pinaka-ayoko, pero kung para sa kaniya ay handa akong isakripisyo ang lahat.
“Okay, girls! Sorry, out of stock na! Kailangan na rin magpahinga ng mga boys at sobrang init. May laro pa sila mamaya, support na lang natin, okay?” anunsyo ni Mavis, kaya napangiti ako nang umalis na ang mga babaeng pabalik-balik lamang sa linya.
“Wala na ba talaga, ate Mavis?” tanong ng isang batang estudyante rito.
“Yes,” tugon niya.
“Aww sayang.” Umalis na ito sa puwesto namin kaya nagkaroon na ako ng chance uminom at magpahinga. Pero syempre, hindi pa rin maiiwasan ang pagpapapansin sa kaniya.
I love teasing her.
“Ang hot ko! Boss Mavis, can you give me that towel? I’m sweating you know?” Taas ang isang kilay na tumingin lang ito sa akin, ngunit kinuha pa rin niya ang towel at binato sa aking mukha.
Hindi ko pinansin ang pagtataray nito, so I continue wiping my sweat while looking at this girl.
“Sige, tingnan mo ’ko nang ganiyan para mamaya pag-uwi mo ay hindi ka na makakita.” I immediately looked away from her. Ngunit naka-isip ako ng isang pilyong ideya kaya nakangising nilingon ko ulit ito.
“As if I’m really looking at you?" palusot ko rito, dahilan upang kumunot ang kaniyang noo at bumungisngis.
“Kitang-kita ng dalawa kong mata, Lorence. Sa akin ka nakatingin. Sa akin!” sigaw niya, kaya humalakhak ako’t umiling.
She started to get annoyed at me.
“No, I’m not looking at you.” Padabog na pinagkrus nito ang kamay at kunot noong nilapitan ako.
“Huwag ka ngang patawa! Kung hindi ako, e ’di sino? Ha?” she said, sarcastically.
“Sa tubig.” Kitang-kita ko ang paglaglag ng panga niya at paglaki ng mga mata nito. Nang tumingin ito sa likod niya ay ‘agad akong lumapit doon upang kuhain ang bote na may tubig. Ngunit parehas kaming natigilan nang maglapat ang katawan namin, kaya ’agad akong lumayo.
“I’m sorry,” sambit ko. Nang lumingon ito ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa titig niya.
“Sa susunod kasi, sinasabi mo ’yong gusto mo. Hindi ’yong nagpapakita ka ng motibo. Nagmumukha kang paasa,” wika niya, sabay tinalukuran ako. Nakatitig lang ako sa likod nito at pilit iniintindi ang mga sinabi niya.
“Tara na, madami nang estudyante ang nagkukumpulan sa gym,” sambit nito sa mga kaibigan niya. Aalis na sana ito nang bigla siyang tumingin sa akin.
“Good luck sa laro niyo,” anito. Tinanguan ko lang ito at sinulyapan ang pag-alis nila. Nang masigurong wala na talaga sila ay unti-unti akong ngumiti.
Sa buong buhay ko na pagbabahol sa kaniya, ngayon lang niya akong sinabihan ng gano’n.
“Hoy!” Nagbalik ako sa realidad nang sigawan ako sa tainga ni Froilan. I gave him a steadily and intently look, kaya binatukan ako nito.
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL POPULAR
Teen FictionA private school for popular students known as Crystal Light International School (CLIS) does exist in the world where education only runs through money as well as talent and popularity. Money is crucial, so does the number of likes. An unforeseen b...