Chapter 4

27 8 0
                                    

"Sa Mcdo na lang tayo kumain, Elle. Sabihin mo kay Ynna"

Pag-aya sa akin ni Selene. Tapos na ang Christmas Vacation namin kaya back to school na. Selene is one of my bestfriend. We're both only child kaya madalas niya akong maintindihan sa mga pinagdadaanan ko. 'Tukayo' ang tawagan namin minsan because her first name is Blaire too.

Kasabay ko lagi mag lunch sila Ynna and Selene. Ynna is one of my bestfriend too. Kapag kasama namin siya, feeling namin may clown kami. Umuuwi naman sila Ally at Jane kapag lunch time.  Sila 'yung dalawa pa naming barkada, dahil malapit lang ang bahay nila sa school. While Martha, kumakain siya sa Tito niya. Martha is like my sister, siya ang tumatayong ate ko dahil mas matanda siya sa akin. She's close to my family. Gustong gusto siya ni Mama para sa akin because she's kind.

"Ano ba naman 'yan, nag bagong taon na e hindi ka pa rin marunong umorder ng pagkain!" Pagbibiro ko kay Ynna habang sinasabi niya yung order niya sa akin. Nahihiya siya mag order sa counter, baka daw ano ang masabi niya. Buong year yata ay kami lang dalawa ni Selene ang nag oorder. "Shh, baka kase 'pag tinanong ako nung cashier kung dine in or take out baka masagot ko both." She joked. Tawang tawa naman kami ni Selene dahil namiss namin 'tong moment na 'to. Matagal rin kaming hindi nagkita e. Habang nag oorder kami ay humanap na si Ynna ng mauupuan namin. Nag order kami kung ano 'yung kinakain namin dati.

"So ba't ka naghost?" Muntik na akong mabulunan nang tanungin ako ni Ynna. "I don't know. Well, hayaan mo na. Hindi rin naman ako seryoso do'n." I tell them honestly nang tinatanong nila 'yung nakakausap ko nung bakasyon. He was our elementary classmate. Kaya kilala siya ni Ynna. Habang si Selene, tamang pakikinig lang dahil hindi niya ito kilala. Kaagad kaming natapos sa kinakain namin nang hindi namin namamalayan dahil sa dami naming kwento. We went back in school to prepare for our first subject in the afternoon.

Pagbalik namin sa classroom, nando'n na 'yung tatlo pa naming barkada. Magkakatabi na sila kaya lumapit na rin kami. "Alam niyo 'tong si Ynna hindi pa rin marunong umorder! Hahaha." Sinabunot ako ni Ynna nang sinabi ko 'yon sa mga barkada ko. "Alam niyo ba si Elle naghost na naman. Puro multo nakakalandian neto! Hahaha." Tawang tawa naman mga barkada ko nang gantihan ako ni Ynna. Habang nagtatawanan kami, napansin ko si Martha. Her eyes looks so sad. Mukhang may problema siya. I'll ask her later kapag kami na lang dalawa ang magkasama.

"Okay class, go back to your proper places." Dali dali kaming bumalik sa pwesto namin nang dumating na ang teacher namin. Katabi ko sila Selene at Ynna sa may bandang gitna habang nasa likuran naman namin si Martha. 'Yung dalawa nasa harapan. Our teacher quickly announced the performance task that he want us to do. He also divide us into 2 groups. Ka-group ko sila Ally at Selene.

Kaagad naman natapos 'yon at sinundan pa ng ibang subjects. "Isaw tayo?" Pag-aya ni Ally sa amin. 'Yun na ang nakasanayan namin na bago kami umuwi ay kakain muna kami. As ussual, nauna nang umuwi si Ynna. Kaming lima na lang ang natira. Pumunta na kami sa kanto kung saan may natitinda ng isaw. "Uy Elle, taga ibang school oh." Agad akong tumalikod nang sabihin ni Ally 'yon. Baka makita ako nung isa pang nang-ghost sa akin. Bakit ako 'yung kailangan mahiya? Wala naman akong ginawang masama! Natawa naman ang mga siraulo kong barkada nang makita nila kung gaano ako nataranta. Mabilis naming inubos ang kinakain namin para makauwi na ng maaga. Tulad ng dati, kasabay kong umuuwi si Ally kahit magka layo ang bahay namin. "Bye, ingat ka." Sabi sa akin ni Ally nang bumaba na siya sa harap ng bahay nila.

"Oh, musta?" Tanong agad sa akin ni Mama nung pagbuksan niya ako ng pinto. "Okay lang, nag isaw kami kaya late ako nakauwi." Nagbihis na ako pagkatapos ko siyang sagutin sa tanong niya. "Ma, can I go to Jeiden later? After we ate dinner?" I need to spend time with Jeiden dahil babalik na sila sa Leyte. "Okay, dalawang gabi mo na lang siya makakasama." Pinayagan naman ako ni Mama dahil alam niyang mamimiss ko si Jeiden. Matagal pa bago kami magkikita ulit. Gaya ng sabi ko, pumunta nga ako sa bahay nila Jeiden. Nasa likod lang naman ng bahay namin ang sakanila. She hugged me tight and she told me that she will miss me. I wanna cry pero hindi ngayon, baka akala niya anong nangyari sa akin. "Alam ba ni ate Martha na aalis na ako?" Oh right, I need to tell Martha pala na aalis na si Jeiden. I also want to ask her if there's a problem. Habang tinatype ko ang sasabihin ko ay naunahan niya ako.

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon