Epilogue

15 4 0
                                    

"Look who's in front of us."

Mabilis akong nagpanggap na tulog nang makita kong kausap ni Mama si Elle. She's one of the cabin crews, huh? Sa dinami dami ng pwedeng makita, bakit si Elle pa? Hindi naman sa ayaw ko siya makita, nahihiya lang ako dahil hindi ko man lang siya magawang pansinin.

"Co-" ang epal naman ng tumawag sa kanya! Icocongrats na sana ako ni Elle, e! Istorbo!

While she's talking with someone on phone, pinag mamasdan ko siya. Madaming nagbago sa kanya. She looked professional now and parang nangangagat kapag kinausap mo. I'm controlling my self to fall in love with her dahil nga bawal. Bawat makita ko siya, hindi ko mapigilan, e. May powers yata 'tong babaeng 'to!

"Bakit ka ba sumusunod sa akin?" Masungit talaga, since day 1!

"Ayaw kitang mawala sa paningin ko." Tinakpan ko ang bibig ko sa sinabi ko. Bakit ba lumabas sa bunganga ko iyong salitang sinabi ko sa kanya!? Baka akala niya binabanatan ko siya! Nagdahilan na lang tuloy ako na hindi ko alam ang lugar na ito. Gusto ko lang naman kasi siyang maka bonding, e.

Awit, may kausap na iba! Imbes na maging masaya ako dahil pumasyal kami dito sa Disneyland ay nainis lang ako sa nakita ko. Elle is talking to someone else. Sabagay, ano namang karapatan ko.

"Water?" Naramdaman kong nainis siya dahil inakbayan ko siya kaninang nagpicture kami. "Inom ka... alam kong napagod ka kaninang nakikipag laro ka sa mga bata. Ay hindi ako sure kung sa mga bata nga ba." I joked pero sineryoso niya at tumalikod na kasama si Martha.

Since nakita ko ulit si Elle, I always act weird. Alam ko namang hindi na kami pwedeng magka gusto sa isa't isa. I even posted our picture earlier. Wala namang kontra si Mama sa mga ginagawa ko.

She's doing everything just to avoid me pero nagkita na naman kami sa mall, tinanong ba naman ako kung magandang regalo iyon para sa jowa niya! Isasuggest ko sana na regaluhan niya ng bomba, e. I even saw her hugging a guy nang makauwi na kami sa Pilipinas. Familiar 'yung guy kahit nakatalikod siya. Buti na lang ay hinila ako ni Mama papasok sa taxi. " Huwag ka nang magselos, 'nak, ikaw ang unang nagpakita ng ganyan kay Elle, remember?"

I still remember noong nakipag deal ako kay Brenda. Hindi alam ni Elle na hanggang ngayon, pinag sisisihan ko pa rin ang mga nagawa ko sa kanya.

"Hoy Marco, ipakilala mo naman si Elle sa mga bisita mo! Ba't hindi mo ipagmayabang na may girlfriend kang maganda!" Really? Jowa ni Elle si Marco? At talagang sa harapan ko pa sila umupo, huh? Naglalampungan pa nga! Nag lakas loob akong itanong kung kaano ano ba talaga siya ni Marco. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang sinabi ni Marco na mag bestfriend lang sila. Napahiya naman 'tong si Elle na pinagseselos ako.

Marco is one of my officemates and he's kind. Naging mag kaibigan na rin kami sa tagal naming mag kasama sa iisang kumpanya. Siya pala 'yung bestfriend ni Elle since highschool, huh? Katrabaho ko pa iyong pinagselosan ko dati sa kanya, small world!

"Baka naman malusaw ako nyan." I joked dahil napansin kong pinagmasdan niya ako nang i-play ko 'yung theme song namin before. Hanggang ngayon, wala akong ideya kung bakit ito ang napili niyang kanta para sa aming dalawa. I don't know if what she feel right now while hearing that song again. Gusto ko lang naman ibalik iyong alaalang mayroon kami dati. Susulitin ko na habang kasama ko siya.

Honestly, may alam talaga akong shortcut na daan papunta sa condo niya at buti na lang hindi niya alam iyon dahil hindi siya kumontra sa dinadaanan namin ngayon. Ang cute niyang magreact dahil bawat kanta sa playlist ko ay parang nakakapag paalala sa alaala namin noon. 

She wanted me to stop those songs and she asked me kung bakit ang dali lang ibalik sa akin ang lahat. She's still in pain, I can see it. Akala niya siguro ay totoo na nandiri ako sa kanya. Ang hindi niya alam ay nasaktan rin ako, kaya ko nagawa lahat ng iyon. I admit na napaka sama ko noon para gawin sa kanya iyon.

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon