Chapter 6

31 7 0
                                    

"Ma, pwede ba akong pumunta sa bahay nila Elle? Birthday kase niya kahapon, 'di kami nakapunta."

Pagpapaalam ni Ally sa Mama niya nung hinatid namin sa bahay nila 'yung mga nakuha naming award kanina sa entrep week namin. Kakatapos lang ng entrep week namin kaninang lunch. Awarding naman kaninang hapon kaya mag gagabi na nung napag desisyonan nila na pumunta sa amin. Si Ynna lang ang hindi makakapunta, hindi daw siya pwedeng gabihin. While the rest of my friends, willing naman daw silang gabihin para makabawi daw sila sa akin.

"Magdadala ba ako ng wine?" Tanong ni Ally na maraming stock ng wine sa bahay nila. 'Di ko alam bar yata bahay nila. "Seriously? Iinom tayo? Hindi ba nakakalasing 'yan? Baka hindi na tayo makauwi? Pero sige para maexperience natin uminom." Ang daming tanong ni Selene pero payag naman pala. "Gago wine lang 'yan. Lima naman tayong iinom dyan, wala naman sigurong tama 'yan." Feeling ko tuloy ang expert ko uminom sa sagot ko sa kanya pero honestly ngayon lang talaga ako iinom tapos wine lang. Gosh! I'm super innocent! I wanna try to drink alcohol pero takot akong malasing.

"Hindi ka ba nyan mapapagalitan sa papa mo?" Tanong ko kay Martha habang naglalakad kami papuntang bahay. "Hindi naman siguro, nag paalam naman ako." Sobrang saya ko tuloy dahil pumunta sila kahit alam nila na gagabihin sila. Sobrang tahimik ni Jane, tatawa lang kapag may jokes kami tapos tatahimik na naman. I'm so blessed to have a friend like them. Iba iba sila ng ugali pero in a good way naman.

"Hi Tita!" Sigaw nilang lahat nang makita nila si Mama sa gate. "Hello. Pasok na kayo dito para maka kain na kayo baka gabihin kayo." Pinapasok na sila ni Mama. "Gagabihin po talaga kami, Tita. Para po makabawi kami kay Elle." Sagot ni Martha. "Ah gano'n ba. Alam niyo ba 'yung isa dyan kagabi umiiyak kasi daw hindi kayo nakapunta." Tawang tawa mga barkada ko habang kumakain kami dahil iniinis ako ni Mama. Ang saya nilang kasama. When I'm with them, I can't stop laughing.

"Guys, wait! walang tatawa challenge muna, masakit na 'yung tiyan ko kakatawa." Aba, Martha? Coming from her? Eh, mapirat lang nga 'yung papel tatawa 'tong bulilit na ito, e! "Okay. 1,2,3!" Jane was enjoying this moment. Naki bilang pa siya sa challenge ni Martha.

We stopped laughing, todo pigil kami. Nang magtinginan si Selene at Martha, natawa na si Selene. Kaya natawa na kami lahat. Isa rin 'to! 'Yung tipong 'pag kasama ko siya hindi ko maiinom 'yung bottled water ko dahil baka masamid ako. "Wala ang daya nagpapatawa si Martha, e!" Reklamo ni Ally kay Martha. Habang binibintang namin si Martha na nagpapatawa siya, hindi namin napansin si Selene na kanina pa tawa ng tawa. Halos hindi na siya makahinga sa tawa niya, baliw na yata tukayo ko.

Sa sobrang saya namin, hindi namin namalayan na malapit na pala mag gabi. Pumunta na kami sa terrace para inumin 'yung wine na dala ni Ally. Dahan dahan naming ininom 'yon, habang natatawa sa amin si Ally dahil inaamoy amoy muna namin. Parang softdrinks lang naman 'yung lasa. Kung 'di lang ako mapapagalitan ni Mama, inubos ko 'yung isang basong tinagay ni Ally sa akin, e.

"Elle, nag chat na sa akin 'yung kapatid ko uuwi na raw kami." Natatarantang sabi ni Martha. "Okay, sasabay na rin kami Martha. Call ko lang Tito ko papasundo na ako." Ally said. Ah, ba't ang bilis ng oras kapag masaya ako? "Sasabay na rin ako papuntang sakayan, Ally." Selene said. Hindi siya makakasabay pauwi kila Ally, Jane and Martha dahil ibang direksyon ang bahay nila. "No, Selene. Gabi na, I'll ask my Papa para ihatid ka na namin." Delikadong magcommute lalo na't gabi na,  malayo layo pa naman ang bahay ni Selene. "Oo nga, Selene. Delikado na ang panahon ngayon." Martha agreed. Nakikipag kulitan pa siya pero in the end, ako 'yung nasunod. Hahatid namin siya ni Papa sa bahay nila.

Nagpaalam na ang mga kaibigan ko kay Mama. Pinagpaalam rin nila ako para sa swimming namin bukas. Since may pera naman lahat kami dahil sa kinita namin sa entrep week. "Okay, bahala si Elle." Wow, ngayon ko lang narinig kay Mama 'yon. Maybe she granted what I wished yesterday, 'yung payagan na niya akong gumala. "Ingat kayo!" Sabi ni Mama sa mga kaibigan ko habang lumalabas na kami sa gate.

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon