"Aray ko putcha!"
Sinabunot ko si Jazelle dahil nagchat siya kay Billy! Pinakilala niya ang sarili niya kay Billy kaya 'yon, mag bayaw na raw sila! Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano.
Tinanong rin daw ni Jazelle kay Billy kung ano niya ako ang sagot ni Billy ay 'friends'. Nasaktan ako nung una but inintindi ko na lang baka ayaw lang akong mapahamak ni Billy. Akala niya siguro isusumbong ako ni Jazelle sa Mama ko. They became close too and sinabi ko na kay Billy na hindi naman niya ako ipapahamak
"Gago ang aga pa." Pinigilan ko siyang umuwi dahil wala pa siyang ilang oras dito e. "Ay putcha sino 'yan? Malabo nga paningin ko ulol!" Tinatanong ko kay Jazelle kung sino 'yung mga dumarating na babae. "Malabo pero kay Billy napaka linaw. Sila Tita Elly 'yan." Pumasok ako bigla sa loob nang sabihin 'yon ni Jazelle.
"Napano ka? Para kang nakakita ng multo." Nagulat rin ako kay Mama na nakatingin pala sa akin. "Nothing. I'll just drink water." Nilagpasan ko siya at pumunta ako sa kusina. "Jazelle, sino 'yung mga dumarating?" Muntik ko nang mabagsak ang baso nang itanong ni Mama kay Jazelle sina Tita Elly.
"Sila Tita Elly po, Tita." Lumabas na ako nang pumunta sa ibang bahay sina Tita Elly. "Alam mo kung hindi ko lang alam 'yung sainyo ni Billy, magtataka rin ako sa kinilos mo kanina." Nataranta lang naman kasi ako! Akala ko pupunta sila dito. Hindi naman ako kinakabahan ng ganito dati. Simula talaga no'ng nakausap ko si Billy, kinakabahan na ako everytime na may makita ako sa mga family niya.
"Uwi na ako, Ate. Parang uulan." Umuwi na si Jazelle dahil makulimlim ang panahon. Pumunta na ako sa kwarto at nahiga na lang dahil wala na akong magawa. Hihintayin ko na lang si Mama na tawagin ako.
From: Billy
Ginagawa mo nyan, love?To: Billy
Nakahiga lang, ikaw ba?From: Billy
Wala, iniisip ka..Ang baduy ng banat niya ngayon, ah. Buti na lang crush ko siya, kung hindi ghinost ko na siya. "Elle, kain na." Nagpaalam na ako kay Billy na kakain muna ako.
"I think you're inlove." Nabulunan ako nang sabihin ni Mama sa akin 'yon. Kaagad niyang inabot ang tubig sa akin. "Am I right?" Ano bang meron sa akin bakit nasasabi sa akin ni Mama 'yon? "Ha? Hindi ah. Kanino naman, duh." Masungit na sabi ko. "Just kidding, may pimple ka kasi." Hindi magandang joke, ma! Kinakabahan lang ako sa mga sinasabi niya. Dati naman akong nagkakaroon ng pimples, bakit ngayon nachambahan niya na inlove ako? Manghuhula yata si Mama.
"Mama!" Sigaw ko nang namatay ang ilaw habang nag huhugas ako ng mga plato. Nawalan ng kuryente dahil ang lalakas ng kulog at kidlat. "Ako na dyan, pumunta ka na sa kwarto." I used the flashlight and I went to my room.
From: Billy
Hanep, lakas ng ulan.To: Billy
Oo nga. Baka hindi ako makapag reply kaagad, love. Takot ako sa kidlat.Billy Buenaventura Mendoza sent a video.
Tinignan ko kaagad kung ano ang sinend niya sa akin. It was him na may
pinapatugtog sa phone niya. 'Baby, don't be scared.' iyon ang narinig kong lyrics mula sa kanta. Sinasabi niya sa akin na huwag akong matakot.To: Billy
Thank you, loveFrom: Billy
Alam mo, proud na proud ako sayo.You're worth it and enough, love.
I appreciate you, my love.
Waaah! Out of nowhere sinasabi niya sa akin 'to. I am so speechless. Naiiyak ako everytime na sinasabi niya sa akin 'yon. Unti-unti na akong nagtitiwala. Nagiging kampante na rin ako na hindi niya ako iiwan. I always pray na sana hindi siya magbago. So far, wala pa naman kaming napag aawayan.
BINABASA MO ANG
Maybe in a Parallel Universe
Teen FictionIn life, there's a person who will come and will let you feel the best. Like what happened to Adrielle, she felt the love and happiness that she's dreaming for her whole life because she met Billy. Happiness has a boundary. You can never be always h...