Chapter 34

17 3 0
                                    

"Sige na, baka ma-late kayo."

Sinarado na ni Mama ang gate dahil may lakad kami ng mga kaibigan ko. Hindi pa naman ito ang huling pagkikita kita namin dahil may despedida party pa naman next week.

Sabi nila ay kasama nila ang mga boyfriend nila, kaya kasama ko ngayon si Kuya Kelly dahil sila na ni Selene. Ako lang ang walang kasamang jowa!

"Bakit hindi mo sinama si Billy?" Pagpasok ko sa kotse ko, iyon ang narinig ko sa kanya! Gusto ko tuloy siyang paalisin sa sasakyan ko.

Saktong walang flight si Martha kaya ngayon nila naisipang magkita kami at ipapakilala din ng mga kaibigan ko 'yung kani-kanilang boyfriend.

"Jowa ko 'yon? Kamag anak ko siya, Kuya." Pabiro kong sinabi pero deep inside, nasasaktan ako.

It was around 8pm nang makarating kami sa restaurant dahil natagalan kami sa biyahe. Nadatnan namin doon si Martha at ang boyfriend niya, 'yung greatest love niya. Nag hiwalay sila noong Senior High School kami pero sila ulit ngayon.

Hindi na ako nagulat na siya ang ipapakilala ni Martha dahil nasabi na niya sa akin ito. Ewan ko lang kung sino ang mga jowa nila Ally, Jane at Ynna. Minsan ko na lang kasi silang makausap.

"Siya ba 'yung jowa ni Selene?" Tanong sa akin ni Martha habang nakatingin kay Kuya Kelly. Tumango ako bilang kasagutan ko sa kanya. Si Kuya Kelly naman ay hindi mapakali, hindi naman nangangagat ang mga kaibigan ko!

Napatingin ako sa entrance nang makita ko nang dumadating sila Ally at Jane. Oh, 'yung mga ex din nila noong Senior High School kami! I'm so happy for them. They had a right time, sana all.

"Kilala niyo naman na 'yung jowa ko." Sinabi ni Ally at umupo na sa tabi ng boyfriend niya. Ganoon din ang ginawa no Jane.

Sumunod na dumating si Ynna at Selene. Biglang lumawak ang ngiti ni Kuya Kelly at sinalubong si Selene sa pintuan. Kasama na rin ni Yanna ang.. Hala! 'Yung ex niya rin!?

Hindi na ako nailang sa mga jowa ng mga kaibigan ko dahil kakilala ko na sila dati at pinsan ko naman iyong kay Selene.

"Oh, wala pa bang magkakasal sa inyo?" Biro ko habang hinihintay namin ang inorder naming pagkain.

"Kapag umuwi ka na ulit dito." Sagot ni Ally at tumingin sa jowa niya. Ang sweet nilang lahat! Parang mag o-op ako dito, aba!

"Ah, sige. Pag dating ko doon, uuwi na kaagad ako para masaksihan ko ang kasal niyo." Sabi ko kaya nagtawanan silang lahat.

Dumating na ang mga pagkain kaya tumigil na muna kasi sa pagkukwentuhan at kumain na kami. "Ako nang magbabayad sa bill." Last na dinner na namin ito kasama ang kanilang mga jowa kaya ako na ang sasagot sa gastos.

Natapos kami at nagkwentuhan na naman sila. Kitang kita ako ang saya ng bawat isa. Masaya rin ako para sa kanila pero hindi ko pa rin maiiwasan na mainggit. Naiinggit ako dahil sana ako rin, sana kami rin ni Billy.. Sana may tamang oras rin para sa amin, pero wala, e.

Mabuti pa sila, naayos nila iyong dating sumira sa relasyon nila. Pwera lang kay Selene dahil wala naman siyang ex noong Senior High School kami.  Samantalang kami ni Billy, gustohin man naming ayusin, kaso para saan pa.

Sabagay, hindi naman siguro matatapos ang sa amin ni Billy kung hindi ko siya kamag anak. Akala ko siya na 'yung first and last ko.

Bumalik ang lahat ng sakit nang makita kong napag iiwanan na ako. Ano bang meron kay Billy na hindi ko makita sa mga nanliligaw sa akin? Kailan ko kaya makakayanang palitan na si Billy?

Maya-maya pa ay nagyaya na silang umuwi na dahil 10pm na rin naman. "Kuya, ihatid mo na si Selene. Magcommute ka na lang pauwi." Sabi ko kay Kuya Kelly bago kami lumabas ng restaurant.

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon