Chapter 39

10 2 1
                                    

"Happy birthday, anak!"

Bati ni Tito Jordan sa anak niyang si Ate Mara. Tama ang hinala ko na dito lang niya gagawin ang party niya. Buti na lang ay wala akong flight ngayon kaya nandito ako sa birthday ni Ate.

Nagsisidatingan na ang mga bisita niya at kumakain na iyong mga iba. May mga foreigner na bisita at iyong iba ay pilipino rin.

Nandito na rin si Aldrich. May dala pa siyang cake para kay Ate. Hindi naman nagbago ang trato ko sa kanya kahit na nililigawan na niya ako. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na tumigil na muna, dahil hindi naman ako pumayag na ligawan niya ako pero patuloy pa rin  siya sa gusto niya.

"Hi," sabi niya at pinisil pa ang kaliwang pisngi ko! Tumawa lang naman ako at nakipag kwentuhan na sa kanya. Medyo naiilang ako pero ayokong ipakita dahil baka masaktan siya.

Nang gabi na ay nag umpisa na ang inuman. Tumatagay rin naman ako pero hindi madalas. "Do you want to know what's my wish, Elle?" Tumabi sa akin si Ate Martha at medyo may tama na ang alak sa kanya kaya naman dumadaldal na siya.

"I wished that my will heal as soon as possible, because I can still feel the pain." Tinuro pa niya ang puso niya. Medyo maluha luha na rin. Ate Mara is a strong woman pero pagdating sa pag ibig ay parang mahina siya. I can't blame her because I think she experienced the worst kind of love.

"Do you still love him?" I asked.

"Yes? Uh, I don't know! I'm still crying whenever I think of him, does it means I still love him?" That was her answer.

"Maybe you're crying because of what he did. How can you keep loving the person who gave you a lot of pain?" Mabait siyang tao, alam ko iyon kahit hindi kami magkasamang lumaki. Katulad rin siya ni Kuya Kelly na maintindihin. Sayang lang dahil wala dito ngayon si Kuya.

Lumapit naman si Aldrich sa amin kaya kaagad pinunasan ni Ate ang mga luha niya. Akala ko ay hindi na niya napansin pero nagtanong pa siya. "What's happening here, guys?" Umiling lang si Ate at ngumiti nang pilit. Hindi na rin makapag lakad nang maayos si Aldrich dahil lasing na. Pinaupo lang siya ni Ate sa tabi ko. Saktong pag-upo niya ay mabilis rin niyang inilalapit ang mukha niya sa sarili ko. He was about to plant a kiss on me when I slapped him hard.

"Aldrich, what the hell?!" napasigaw ako ng disoras, at maging si Ate Mara ay nagulat din sa ginawa ko. Akala ko kanina ay nagbibiro lang siya pero kumukuha lang pala ng tyempo para makahalik sa akin. Akala niya siguro ay papatol ako. "Excuse me-"

"Putangina, Elle! Mahal kita, hindi mo ba ramdam iyon?" Aalis na sana ako sa pwesto nila pero hinila niya ako nang malakas kaya napaupo ulit ako. Sinubukan ko ulit tumayo pero this time, tinulak niya ako kaya nahulog ako sa sahig.

"What the fuck are you doing to my cousin-" Ate Mara is trying to stop Aldrich pero hindi niya magawa dahil inaalis lang niya ang kamay ni Ate kapag hinahawakan siya nito. She helped me to stand and she hugged me tightly. Umiiyak na ako ngayon dahil hindi gantong Aldrich ang nakilala ko noon. He's always protecting me before. I don't know what happened now. Siya mismo ang nanakit sa akin.

"Lasing ka na, umuwi ka na. Hindi ito ang tamang oras para pag usapan iyon." Sabi ko. Kinakalma ko pa rin ang sarili ko para wala akong masabing masama sa kanya. Ayoko rin na marinig kami nila Mama.

"Hindi ako uuwi hangga't hindi mo sinasabing mahal mo rin ako. Elle, you love me, right? Tell me!" Aniya.

Pinuntahan na kami ni Mama dahil narinig na ang sigawan. "Anong nangyayari dito?" Kaagad niyang tanong sa akin at mukhang nag aalala.

"Wala Ma, pasok ka na, ako na ang mag aayos rito." Sabi ko pero hindi siya nagpapigil sa akin at nilapitan pa talaga si Aldrich na umiiyak kanina pa. Ako na lang sana ang papasok sa bahay nang bigla na naman akong tawagin ng lasing na lalaking 'to!

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon