ER Team
04:18 PM
Yeoj: Hi, Doc Pat! Anong oras ka po darating?
Hello! Darating saan?
Yeoj: May duty po kayo. Start na po ng shift niyo ngayon.
Wait wait.
Off duty ako ngayon.
Wala rin akong approved na emergency calls sa week na 'to, paano ko nagkaroon ng duty?
Yeoj: Doc, ikaw po ang ER doctor ng night shift this week?
Saturday pa lang ah? Bukas pa start ng shifting din. Tsaka may pupuntahan akong dinner sa Tuesday night.
Val: Doc Pat, sorry, ako po yung naka-leave ng Tuesday night. Pero naka-post na po kahapon pa 'tong schedule. Kaya rin po ako nag-leave ng Tuesday kasi po sabi sa memo sa amin, kayo daw po ang sasalo sa shifts namin?
Seryoso ba yan?
Pero bakit may shift ako ngayon? Alanganin sa shifting. At off duty nga ako.
Nanggigigil ako. Alam ko na kung sino may kagagawan nito!
Val: Sino po?
Si Daez!
Lintek talaga yung lalaking yun. Inuubos ang bait ko.
Yeoj: Doc Pat, baka iba na yan.
Heh! Tumigil ka, Yeoj. Hindi ako ER Doctor, paano ko mag-aassist sa shift?
Naii-stress ako! Anong oras shift ko?
Val: 4 pm to 12 mn po shift niyo.
Yeoj: Gusto niyo po bang pa-extend na lang namin shift ni Doctor Lao?
No. Papasok na ko. Kayo naman kasama ko sa shift, di ba?
Val: Yes doc
Pwede bang i-assist niyo ko sa kung saan man o anuman yung kailangan ko gawin sa ER?
Sorry, wala talaga kong background sa Emergency Patients. Hindi ko field to. Alam niyo naman di ba?
Yeoj: Walang problema, Doc Pat. Ingat po! Pwede rin pong wag muna kayo dumeretso sa ER.
Val: Wala nga tayong ER doctor?
Yeoj: Nandyan ka naman. Ako papunta na rin, pero pupunta muna kong Surgery Dept.
Val: Anong gagawin mo doon?
Yeoj: Abangan ko dumating si Doc Pat. Baka sugurin si Dr. Daez eh.
Sira ulo ka. HAHAHAHA!
Seen by Valerie Buenaventura, Yeoj Villanova, Nessy Patrizia Reyes