29

502 19 7
                                    


FM Arrow Nikolas D.

AND: Niko.

Nessy.

AND: ynespatrizue?

Yes?

AND: Hindi ko pa nakakalimutan na babawi ako sayo.

Buti naman.

HAHAHAHAHA!

AND: Kumusta ka naman?

Ito, medyo okay na. Thank you kay color na nakausap ko 2 weeks ago.

AND: Color?

Grrr - ay!

AND: Ah! Haha.

AND: So, sino kinausap mong iba at binanggit na pangalan?

Si color nga.

AND: Paano mo na-discover na bawal magbanggit ng iba?

Oh lee ☺️

AND: Nakausap mo?

No. Siya yung binanggit ko.

AND: Hmm

Oo nga!

Super thankful kasi ako kay Oh lee.

Almost May, hindi ko matandaan exact date basta around last week siya ng April, nag-open ako ng Fix Me.

Stress na stress na kasi ako. Hindi ko namalayan paglipas ng mga araw. Nagulat na lang ako, May na.

Ni hindi ko naramdaman ang Pasko. Bagong taon. Valentine's Day. Holy week?!

Lahat yan, ano mang relasyon meron ang isang tao, mahalaga lahat yan sa Pilipinas. Pero ni isa sa mga yan wala akong naramdaman?

Lumipas lahat yan ng hindi ko namamalayan. Hindi ko alam kung tawag ng tungkulin o ano, pero nung panahong yan, nung nakausap ko si Ollie, pakiramdam ko nawawala na ko.

Hindi ko alam kung nasaang punto na ako ng buhay ko.

Naliligaw ba ko o sa sobrang dedicated ko nawala ko na talaga ang sarili ko?

Oh lee helped me go back to my senses. May mga sinabi siyang bagay na hindi ko alam na kailangan ko pala noon pa. Dahil sa kanya, unti-unti akong nakakabalik sa dati. Unti unti ko nahanap ulit yung sarili ko.

May 31 ng gabi, nagbukas ulit ako dito. Si Color naman nakausap ko. Sinabi kong thankful ako kay Oh lee, pasabi na lang.

Then, pinayuhan rin ako ni color. 🥺 Akala ko kapag inisip ko na sarili ko, okay na. Kailangan pala mas i-priority ko rin siya kaysa sa ibang tao. Si color naman nagturo sakin nito.

Tama naman sila. Paano ko matutulungan yung iba kung ako na mismo yung nawawala? Natulungan nila kong buhatin uli yung sarili ko.

Never kong naramdaman na mahalaga ko. Sila yung mga unang nagparamdam sa akin nun. Kaya sobrang thankful ako sa kanila. Hindi nila ko kilala pero naramdaman ko yung genuine care nila para sa akin.

AND: Patrizia, una sa lahat, mahalaga ka. Wag na wag mong iisipin na hindi ka mahalaga. Kung ang mga materyal na bagay nga iniingatan kasi mahalaga, ikaw pa kaya?

AND: Gusto ko ring humingi ng sorry.

AND: Nakalimutan kong dapat akong maging sensitive sa mga bagay bagay na nasa paligid ko. Maging sa mga salitang binibitawan ko. Nakalimutan kong mas masakit nga pala ang epekto ng salita kaysa sa pisikal na pananakit sa kapwa.

AND: Naalala ko na naman yung mga nasabi ko sayo noong una tayong magkausap.

Huy? Okay na yun.

Oo, medyo off. Naiinis pa rin ako minsan kapag naaalala ko pero may pinagdadaanan ka noon di ba?

AND: Still, hindi enough reason yun para magsabi ako ng masasakit na salita sa iba. I'm really sorry, Patrizia.

Wait nga.

Bakit Patrizia tawag mo sa akin?

AND: ynespatrizue kasi username mo. In-assume ko lang, actually.

Tama ka naman.

Pangalan ko nga Patrizia.

Weird lang kasi. 😂 Isang tao lang kasi tumatawag sa akin ng ganyan.

AND: Talaga?

AND: May naaalala rin ako habang iniisip ko pangalan mo eh.

AND: Yun pa pala, kailangan ko rin pala mag-sorry sa kanya.

AND: Magka-pangalan pa talaga yung mga babaeng nasasaktan ko.

Aww. May galit ka ba sa amin?

Hahahahaha!

AND: Let's meet?

Hala! Speed naman po.

AND: Please? Babawi ako remember.

AND: Kahit coffee lang? Dinner? Anything you want.

Nah! Okay na to.

Awkward ako sa personal. Haha!

Tsaka hindi na naman kailangan yung mga yun.

Sapat na yung alam mo kung saan ka nagkamali at willing kang ayusin at itama ang lahat ng pagkakamaling yun.

AND: You have a good heart, Patrizia.

AND: I wish I had it, too.

Ha?

What do you mean?

FM Arrow Nikolas Daez disconnected the chat.

Arrow Nikolas, Can I Fix You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon