Nessy Patrizia Reyes
10:18 AM
Nessy Patrizia Reyes called you.
10:18 am
CALL BACKNessy Patrizia: Hoy lintek ka! Sagot.
Seen. 10:37 am
10:38 AM
Pakakasalan nga kita.
Nessy Patrizia: Gago ka!
Nessy Patrizia: Akala ko ba may clinic ka ng alas-9? 🙄
Nessy Patrizia: Sinungaling ka.
Chine-check mo na schedule ko, hindi pa nga tayo kasal?
Nessy Patrizia: Wow naman talaga.
Nessy Patrizia: Saan ka humuhugot ng kapal ng mukha?
Bakit ba?
Bakit mo inaalam schedule ko? Pwede mo namang itanong na lang sakin, kanino ka pa ba nagtatanong?
Hindi naman kita lolokohin, hindi ko itatago sayo kung nasaan ako.
Nessy Patrizia: Ganyan ka lang kasi nahuli kita.
Hindi ah.
Kanino mo nalaman na wala akong consultations ngayon?
Nessy Patrizia: kay Aeiou
Ah, kay love.
Bakit kay love ka pa nagtatanong pwede naman na sakin ka na magtanong?
Nessy Patrizia: Hindi ko tinanong. Okay?
O bakit niya sinabing wala akong consultations ngayon?
Nessy Patrizia: Hindi nga siya nagsabi. Sabi niya lang nasa HQ ka.
Ah. Oo.
Cancelled kasi yung naka-schedule ko ngayong umaga. Tapos tinanong ko kung nag-meeting na sila, sabi niya hindi pa pero pa-start na. Nagpahintay na ko.
Nessy Patrizia: Ewan ko sayo.
Bakit na naman ba?
Nessy Patrizia: Lintek ka! Paano mo nasabi na gumising akong hubad sa kama mo eh kauuwi ko nga lang galing Cebu?
O tapos?
Nessy Patrizia: O tapos mo mukha mo
Nessy Patrizia: Isang linggo ko nasa Cebu, sabi mo may nangyari sa atin. Ni hindi pa nga ako nakakarating sa bahay mo.
Ah, hindi pa ba?
Akala ko nakarating ka na eh.
So, panaginip lang pala yun? Sayang. Sana totoo na lang.
Nessy Patrizia: Bastos ka!
Nessy Patrizia: Manyak!
Hahahaha. Naniwala ka dun?
Malay ko bang seseryosohin mo?
Nessy Patrizia: Bwisit ka!
Nessy Patrizia: Akala ko totoo na.
Gusto mo ba?
Nessy Patrizia: Na ano?
Gusto mo bang totohanin natin?
Nessy Patrizia: Ang?
Yung akala mo may nangyari satin.
Gawin na natin para di mo na lang siya akala.
Nessy Patrizia: Gagu! Hahahaha.
Subok lang naman.
Baka makalusot. Hehe
Nessy Patrizia: Pakibalik yung demonyong Arrow.
Ayaw.
Mas masaya pala to.
Nessy Patrizia: Bwisit ka, aatakihin ako sayo.
Okay lang yan.
Kapag inatake ka, ako magc-CPR sayo.
Nessy Patrizia: Nampota!
Nasa meeting ako.
Tinatanong nila bakit ngiti ako ng ngiti. Wala naman daw nakakatawa sa usapan.
Nessy Patrizia: Pota ka! Bat di mo sinabi agad?
Hala!
Sinabi daw ni Niqi at Tyn na may meeting kami. Wag ka magpanggap.
Kunyari ka pa gustong-gusto mo lang ako makausap eh.
Nessy Patrizia: Kapal naman talaga ng mukha.
Pagtapos ng meeting namin, pag-usapan na natin kasal natin.
Nessy Patrizia: Namoka!
Seen. 10:55 pm