“Lintek naman talaga.” napamura na lang ako ng hindi na ako makabalik sa pagtulog. Maaga pa nang magising ako, natatanaw ko pa sa bintana ko ang madilim na kalangitan. Inis na inis akong bumangon, hindi ko na pinag-aksayahan na ayusin ang higaan ko. Dali dali akong pumasok sa banyo.
“Saan nga ba ko pupunta?” Napaisip akong bigla. May lakad yata ako kaya maaga ko nagising? “May travel ba kami? Bakit alanganin naman yata? July?”
Bigla kong naalala si Gianna. Ah, oo nga pala. Magpupunta ako kay Gianna.
There is something about that girl that makes me feel warm. Tuwing naiisip ko si Gianna, wala akong ibang nararamdaman kung hindi saya. Is it possible to feel happy with just a mere thought of that person?
Her presence gives me the warmth I needed noong hindi kami magkasundo ng mga kaibigan ko. Thinking about them makes me feel both sad and angry. Malungkot dahil sila ang pamilya ko dito sa Pilipinas. Sila ang madalas kong kasama. Sila ang kasabay kong kumain. Sila lahat ang karamay ko araw-araw pero sila mismo ang pumipigil sa aking mapalapit kay Gianna.
They are all aware about my feelings for her. Hindi ko mapigilang makaramdam ng galit. They never complain nor include themselves
with my past relationships. Pero kay Gianna, they all grow some balls and go against me. Not just one or
two. Not three either, but all of them. Lahat sila ayaw sa akin para kay Gianna.I admit, I am sexually attracted to her. I even say that to her. And yet, she doesn’t feel offended. Or so I
thought. Ano nga ba ang totoo? Okay lang ba talaga sa kanya ang nararamdaman ko o ayaw niya lang
mapahiya ako kaya hindi niya masabi sa akin ang totoo? Hindi ko na alam kung anong totoo sa hindi. Ang alam ko lang, hindi pwedeng dayain ang nararamdaman. At totoo ako sa nararamdaman ko. Kahit hindi ko pa masabi kung ano talaga yon.---
The most beautiful morning face I’ve seen in my entire existence is hers. Gusto kong matawa sa itsura niya na makita ako sa harapan ng bahay niya.
At 25, she is living her life independently. Ah, such a strong
woman. It’s rare to meet someone who lives alone and it comes with a passion like Gianna’s. Painting. Whenever I meet someone who's into the arts, I always feel overwhelmed. How great can they be? Expressing their feelings through arts is one thing I admire the most. Why not? Isa yon sa bagay na sana kaya kong gawin.My parents love paintings. Lumaki kami na bawat sulok ng bahay namin may nakasabit na painting. What do I expect? My father is French. I grew up in France and was raised by a Filipina mother.
Looking at Gianna now makes me remember my mother. The most beautiful woman that ever existed! And I know, someday kung sino man ang mapapangasawa ko, she will get jealous of how beautiful my mother is. Kahit si Gianna pa yon.
Gianna is beautiful. Long wavy brown hair, a perfect set of monolid eyes that compliments her pointed nose and lips. Lips. That sinfully seductive lips. Ang liit ng labi niya pero bagay na bagay sa hugis puso na mukha niya. Her face is also small. She is small, lalo na kapag malapit siya sa akin. Pakiramdam ko mababasag siya sa mga kamay ko kapag hinawakan ko siya. Kung hindi ko pa alam kung gaano katapang ang babaeng ito, iisipin mo na siya yong tipo ng babae na kailangan lagi mong protektahan.
Looks can really be deceiving. Behind that fragile face and body, you will be surprised at how brave this woman is.
What the fuck is wrong with me? This level of admiration is in a whole new different level, way more than a simple one. I am too early for this. I barely know this girl. Epekto ba to ng kagustuhan kong may mangyari sa aming dalawa? Oo, naiisip ko ang bagay na yon. Surprisingly, hindi ako nagmamadali. Hindi ko gustong madaliin ang mga bagay na yon.