61

361 16 8
                                    

Arch Nikolai Daez

07:11 PM

Arch Nikolai: Kumusta mahal kong kakambal?

Arch Nikolai: Mukhang nag-eenjoy ka sa buhay mo ngayon ah?

Arch Nikolai: Anong pakiramdam na mabuhay bilang magnanakaw?

Arch Nikolai: Masaya ba?

Arch Nikolai: Masaya bang mabuhay kasama ng mga inagaw mo sa akin?

Seen. 07:14 pm

Arch, ano na naman ba to?

Arch Nikolai: Hindi pa tayo tapos, Arrow.

Arch Nikolai: Magpakasaya ka na sa buhay mo. Enjoy-in mo na habang hinahayaan ko pa sila sa piling mo.

Arch Nikolai: Isang araw, magigising ka na lang na lahat wala na yan sayo.

Arch Nikolai: Walang matitira sayo. Wala akong ititira sayo.

Arch Nikolai: Babawiin ko lahat ng kinuha mo sa akin.

Wala akong kinukuha sayo.

Wala akong ninakaw sayo. Wala akong inagaw sayo.

Arch naman

Ano bang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganito?

Arch Nikolai: Hindi ka na nakuntento. Inagaw mo na nga sakin ang babaeng mahal ko, pati best friend ko kinuha mo?

Hindi ko inagaw sayo si Tyn. Hindi naman naging sayo si Tyn.

At hindi rin siya sa akin.

Arch, pwede ba wag na natin idamay si Patrizia dito.

Arch Nikolai: Oo, hindi nga sa atin si Aeiou. Pero ikaw, lagi mo siyang kasama. Ikaw lagi niyang kasama at kausap. Ako? Kailangan ko pa magtago sa Singapore para lang makuha atensyon niya?

Kagagaling niyo lang ng Singapore, di ba? Okay naman tayo nung umuwi kayo.

Arch Nikolai: Oo, magkasama nga kami sa Singapore. Pero nandoon si Xavi. Lagi niyang katabi si Xavi. Nakayakap, nakaakbay, naka-angkla mga braso o di kaya nagho-holding hands? Sila ni Xavi.

Okay naman kayo ni Xavi hanggang sa makauwi kayo dito sa Pilipinas? Tsaka bakit napasok si Patrizia sa usapan? Anong koneksyon ni Patrizia sa galit mo sa akin at kay Xavi?

Bakit kailangan pa niyang madamay dito?

Arch Nikolai: Akala lang ni Xavi na okay kami. Hindi ko gusto na magkasama sila. Mas maganda nga siguro na hindi na siya sinama ni Aeiou pagpunta sa akin para nasolo ko si Aeiou.

Arch Nikolai: Hindi sana madadamay si Pat, kung hindi mo siya kinuha sa akin.

Bakit iiwan ni Xavi si Tyn sayo? Nakalimutan mo na ba yung ginawa mo? You harassed her. You are forcing her to like you back. Hindi mo masisisi si Xavi kung gusto niya protektahan si Tyn sayo. They are always together. Isa pa, nandoon siya nung hinarass mo si Tyn.

Hindi ko kinuha si Patrizia sayo. Wala kaming ginagawang masama.

Arch Nikolai: Inagaw mo siya sakin!

Hindi siya sayo.

Hindi kayo ni Patrizia.

Utang na loob, Arch. Wag na natin sila idamay dito. Masyado na tayong maraming taong nasasaktan.

Arch Nikolai: Gusto mo ba si Nessy?

Arch ano ba to?

Arch Nikolai: Gusto mo ba si Nessy?

Paano kung sabihin kong oo.

Anong gagawin mo?

Arch Nikolai: Kukunin ko siya sayo.

Arch Nikolai: Hindi mo siya gusto. Ginagawa mo lang to para saktan ako.

Hindi ko to ginagawa para saktan ka.

Hindi ako papayag na madamay siya sa kahibangan mo. Itigil mo na to Arch.

Arch Nikolai: Damay na siya dito!

Gusto ko si Nessy. Masaya ka na?

Hindi ako papayag na saktan mo siya tulad ng ginawa mo sa akin at kay Tyn.

Arch Nikolai: Babawiin ko silang lahat sayo, Arrow.

Arch Nikolai: Ipapakita ko sayo na ako ang pipiliin ni Pat at hindi ikaw.

Sinisiguro ko sayo na hindi ko sasaktan si Patrizia.

Malaman ko lang na nasaktan siya dahil sayo, hinding-hindi ako papayag na makita mo kahit pa buhok lang niya.

Arch Nikolai: Tignan natin, Arrow.

Arch Nikolai: Tignan natin kung hanggang saan mo kayang maagaw sa akin si Pat.

Seen. 07:59 pm

Arrow Nikolas, Can I Fix You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon