“Ilang weeks na po si patient, sir?” I snapped. Isinugod ko si Gianna sa ADMC agad agad matapos niyang himatayin. Pagpasok pa lang namin sa Emergency Room nilapitan na agad siya nung doctor habang kinakausap naman ako nung babaeng nurse na may suot na ID na may nakasulat na Intern.
Kailangan ko maging matatag kung hindi buhay ng mag-ina ko ang nakataya dito.
“36 weeks.” I can see how thorough the doctor is even though they're 20 steps away from me. What scares me most is what's in her mind is visible in her face as if it's ready for you to read it out loud. At sa nakikita ko, hindi maganda ang kondisyon ni Gianna. Wala akong alam sa medisina pero pakiramdam ko doktor rin ako habang nakatingin ako sa kanya. At kahit hindi dapat, I can see that she's worried. It's evident in her face.
“What are her vitals?” Hindi naman ganun katahimik sa ER pero pakiramdam ko kami lang ang tao dito. Wala akong naririnig maliban sa doktor at nurse na nagche-check sa mag-ina ko.
“Patient name is Rosel Gianna Frossard. 37.2° C, 160 over 100 and 70 BPM, Doc Val. Dinala siya ng asawa niya due to extreme abdominal pain and headache.”
“I see. Visible din ang hand and feet's swelling. Naitanong niyo ba kung may iba pang symptoms?”
“Sudden blurry vision po, Doc.”
“Nasaan yung guardian ni patient?” sabi nung doktor na Val daw ang pangalan. She ask the nurses to run for more tests and report to her as soon as possible. “Nasa labas po. Si Mr. Frossard po 'yong guardian. Kaibigan po ni Dr. Daez.”
“Mr. Frossard?” dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanya. Nakita ko ang biglaang panlalaki ng mga mata niya pagkakita sa akin. “Sir Dax? Uhm, sorry. Mr. Frossard, ano pong nangyari?”
~~~
Simula pa kagabi ng alas-onse, inirereklamo na ni Gianna sa akin na sumasakit ang ulo niya. Bigla niya lang 'yon naramdaman kaya naman nung nagpaalam pa siya sa aking itutulog niya na lang daw muna ang sakit ng ulo niya ay hindi ko na siya pinagtangkaang pigilan. Wala pang isang oras, narinig ko ang impit na daing niya habang sinasabi na nanlalabo ang paningin niya. Gusto ko na sana dalhin si Gianna sa ospital pero tumanggi siya at bumalik sa pagtulog.
Dali dali kong tinawagan si Tyn para sunduin si Gian sa amin. Hindi ko alam kung bakit, basta pakiramdam ko kailangan kong ipaalaga muna sa kanya ang anak ko.
Nang masundo si Gian ay binalikan ko si Gianna. Pinanonood ko lang ang payapa niyang paghinga habang natutulog. Hindi nagtagal, nakaramdam na rin ako ng antok.
Nagising ako ng biglang sumigaw si Gianna. Sumasakit daw ang tiyan niya. Tinanong ko kung mangnganak na siya pero mariin siyang humindi. Inireklamo niya rin ang pagsakit ng balakang niya na tingin ko ay normal lang naman dala ng pagbubuntis niya.
Napansin ko rin kasi na medyo malaki ang nadagdag sa timbang niya ngayon. Mapapansin rin ang pamamaga ng kamay at paa ni Gianna na para bang nabuhusan ito ng kumukulong tubig.
I can feel it in my heart. Something's wrong with my wife. Without a second thought, I carry my wife and now we're here at ADMC's ER.
~~~
“We will do some more tests kay Mrs. Frossard bago po natin siya mabigyan ng proper treatment. I want to be more careful po dahil buntis po si Ma'am. My initial diagnosis is she's having mild preeclampsia.”
“Sorry, doc. Ngayon ko lang narinig 'yong tungkol sa preeclampsia. Possible ba na ma-develop 'yan during pregnancy sa second child?”