Arrow Nikolas Daez11:55 PM
Arrow Nikolas: Patrizia?
Arrow Nikolas: Gising ka pa?
Seen. 11:59 pm
Oo.
Bakit?
Arrow Nikolas: Feeling ko kasi may kasalanan ako sayo.
Hindi yan feeling lang, Arrow.
Marami ka talagang kasalanan sakin 🙄🙄🙄
Arrow Nikolas: HAHAHAHAHA
Arrow Nikolas: Patrizia, una sa lahat, gusto kong mag-sorry sa pangingialam ng schedule mo last year.
Arrow Nikolas: Bigla kang nagkaroon ng ER duties dahil sa akin. Sorry kung masyado akong petty pagdating sayo.
Sa wakas, nag-explain na rin.
Arrow Nikolas: Patatapusin mo ba ko o sasagot ka ng sasagot dyan? 🙄
Ay sorry sorry
Sige na
Tuloy mo na explanation mo. Tagal ko hinintay nyan 😂
Arrow Nikolas: Tss.
Arrow Nikolas: Wala na ko sa mood.
My God! Magso-sorry ka na lang, kailangan nasa mood ka pa?
Arrow Nikolas: Syempre, paano ko magso-sorry kung di ko alam kung ano hinihingan ko ng kapatawaran?
Arrow Nikolas: Akala ko pa naman matalino ka.
Wow 🙄
Nagsimula na naman siyang manghamak ng kapwa.
Explain mo na lang yung sa ER duties ko. Dyan ka magsimula.
Arrow Nikolas: Okay.
Arrow Nikolas: I know it's petty, but I find you intimidating.
Ha?!
Ako?
Paano?!
Arrow Nikolas: Kada chat ko ba magrereply ka?
Arrow Nikolas: Atat na atat ka bang maka-chat ako? 😏
Arrow Nikolas: Easy ka lang. Ako lang to.
Alam mo ikaw
Nanggigigil talaga ko sayo
Arrow Nikolas: Paano yung gigil panget? 😘
HOY!!!
Ano yan?
Wrong emoji ba yan?!
Arrow Nikolas: Paano kung hindi 😏
Ang landi landi mo!
Arrow Nikolas: HAHAHAHAHAHA
Arrow Nikolas: Hindi mo ba kaya?
Tse!
Matutulog na nga ako.
Kung ayaw mo mag-explain sige lang
Take your time. No pressure! ☺️
Arrow Nikolas: You sounds like my girlfriend.
Ay wow!
Arrow Nikolas: Kaso you are not.
Bwisit!
Arrow Nikolas: HAHAHAHAHAHA
Arrow Nikolas: Thank you, Patrizia! For not forcing me to explain it to you now. Bigla kasi akong na-pressure. I don't think I can tell you my reasons now.
Okay lang. Naiintindihan kita.
Matulog ka na.
Arrow Nikolas: Good night panget.
Good night
Panget ka din 😒
Arrow Nikolas: Uy tinawag na rin niya kong panget.
Panget mo!
Tsaka anong call sign, call sign ka pang nalalaman? Baka nakakalimutan mo, masyado na tayong matanda para sa call sign call sign na yan.
Arrow Nikolas: Sorry
Sorry na naman?
Arrow Nikolas: hindi ko kasi naranasan yan noon eh
Bakit ka nagso-sorry?
Shit! I'm sorry.
Hindi nga, di mo naranasan?
Arrow Nikolas: Ngayon ikaw nagso-sorry? HAHAHAHAHA
Arrow Nikolas: Yeah, I never experienced anything like that. I never had friends either. I only had Tyn then.
Tyn? Si Aeiou?
Arrow Nikolas: Yes. She is all I have growing up.
Arrow Nikolas: Next time na natin pag-usapan 😏 antok na ko panget eh
Hay
Nambibitin! 😒
Arrow Nikolas: Sa ibang bagay hindi kita bibitinin.
Yuck! Kadiri ka.
Arrow Nikolas: Pagkain?
Ew, Daez!
Arrow Nikolas: Alam mo, ang sama na yata ng naiisip mo. 😏 Tulog mo na yan.
Ako pa daw nag-iisip ng masama. 🙄
Sige na nga. Kwento mo sakin yan ha?
Arrow Nikolas: Yes.
Arrow Nikolas: Next time
Arrow Nikolas: When I'm ready
Yes, when you are ready.
Good night, Arrow.
Arrow Nikolas: 😘
Hoy!
Creepy ng emoji mo. 🥺
Seen. 12:45 am