ER Team
05:40 PM
Yeoj: Doc Pat!
Yeoj: Sino si Aeiou Xtyn Velasco?
Yeoj: Patingin naman kami picture.
Friend ko. Bakit?
Bakit gusto mo makita picture?
Yeoj: Magkakilala kayo ng girlfriend ni Dr. Daez?
Ha? Hindi ah. May boyfriend yun si Aeiou.
Yeoj: Si Dr. Daez?
Pero hindi si Arrow.
Hindi nga!
Val: Ang tsismoso mo talaga, Yeoj!
Yeoj: Hala! Bakit, hindi ba kayo nagtataka? Tinawag na love.
O ano naman?
Tsaka paki mo ba sa love life nila?
Yeoj: Syempre, Team ARPAT kami!
Val: HAHAHAHAHAHAHA!
Anong ARPAT ka dyan? Ew.
Yeoj: Wag ka na magselos doon sa Aeiou, doc Pat! Sure kami mas maganda ka doon.
Hoy! HAHAHAHAHAHAHA
Yeoj: Ay maganda ba yun?
Val: Yeoj! Kahit maganda siya, dapat solid ka sa ArPat mo!
Yeoj: OO NAMAN! Di bale, Doc Pat, kahit mas maganda siya. Kahit mas sexy siya. Kahit mas lamang siya, ikaw pa rin manok namin.
Pota ka! HAHAHAHAHA!
Anong manok ka dyan?
Mukha ba kong manok sayo?
Yeoj: Hindi. Hahahaha! Patingin na kasi ng picture ni Aeiou, Doc Pat.
Val: Bakit ba gusto mo makita?
Yeoj: Titignan ko lang kung anong tipo ni Dr. Daez.
Yeoj: Bakit pala hindi mo alam na magkakilala sila?
Baka kasi magkaiba ng circle of friends?
Tsaka wala naman issue kung magkakilala sila.
Pero tigilan mo issue sa relasyon nila kasi may boyfriend yun si Aeiou.
Yeoj: May boyfriend pero tinatawag ng ibang lalaki na love?
Yeoj: Kung ako boyfriend nun, di ako papayag?
Pakialam mo ba sa kanila?
Malay mo sobrang close lang talaga nila.
Val: Oo nga. Baka sobrang palagay loob nila sa isa't-isa kaya ganon tawag ni Dr. Daez.
Val: Pero wala pa rin tayong pakialam sa relasyon nila.
Val: Napakatsismoso mo, Yeoj! Nilibre lang tayo ni Dr. Daez, nakikialam ka na sa love life niya?
Yeoj: Iniisip ko lang naman si Doc Pat.
Yeoj: Tamo, tinatago niya tuloy selos niya.
Hoy! Hindi ako nagseselos. Hahahaha! Sira ka.
Close kami ni Aeiou.
Yeoj: Itanong mo na, Doc Pat! Kung ano meron sa kanila.
Val: @Yeoj Villanova hoy nakakahiya pagka-tsismoso mo. HAHAHAHAHAHA
Yeoj: Curious lang!
Sige na.
Matigil ka lang sa kaka-issue dyan.
Message ko mamaya. Itatanong ko.
Wag sana ko mag-mukhang tsismosa. HAHAHAHA!
Yeoj: Go, Doc Pat! Para sa love life.
Val: Para sa love life!
Mga lintek kayo! HAHAHAHAHA
Seen. 05:55 pm