ER Team
09:20 AM
Huy!
Nakausap ko na si Mia. 🥺
Nag-sorry kasi ako sa kanya, tinanong ko siya kung napagtaasan ko siya ng boses.
Hindi naman daw pero hanggang mamayang lunch lang daw clinic ko. Yung mga importante na naka-schedule lang naman daw ang na-priority niya.
Hindi pa rin nasagot si Arrow sa messages ko.
Pero nasabi na sakin ni Mia kung bakit ako ang nandito.
Nag-iwan daw ng message sa kanya si Arrow ng alas-dos ng madaling araw. May emergency daw. Hindi makakapasok. Tumawag daw agad sana si Mia sa kanya pagkabasa ni Mia. Buti na lang, around 4 am daw nagising si Mia kaya natawagan niya agad.
Hindi raw siya sigurado pero parang iba raw ang tono ng boses ni Arrow. Sabi daw ni Arrow, yung mga important patient na lang i-schedule. Tapos ako raw ang papasukin sa clinic niya.
Nung tinanong ko si Mia kung bakit, ang sabi ni Mia wala namang binigay na paliwanag si Arrow. Basta daw sa akin niya lang ipagkakatiwala yung mga pasyente at opisina niya.
Seen by Yeoj Villanova
Yeoj: Wala kayong napag-usapan tungkol sa pagpunta mo sa office niya ngayon, doc?
Yeoj: Baka po kasi nakaligtaan niyo lang pero nabanggit ni Dr. Daez.
Wala talaga sa pagkakaalam ko.
Kasi kakatawag lang sa akin ni Mia nung 6 am. Pasensya na nga daw at sobrang aga niya tumawag. Maaga kasi mag-oopen clinic ni Arrow ngayon.
Yeoj: Baka emergency lang talaga, doc. Hintayin mo na lang paliwanag ni Dr. Daez.
Ano pa nga ba ang magagawa ko?
01:04 PM
Val: Hi, doc Pat! Kababasa ko lang po ng chats niyo.
Val: Alam niyo po ba na wala pong kaibigan sa department niya si Dr. Daez. May bali-balita rin pong hindi po siya nagtitiwala agad sa ibang tao.
Val: Bale, opinyon ko lang po ito ha? Tingin ko po pinagkakatiwalaan talaga kayo ni Dr. Daez para sa inyo po ipa-consult mga important patients niya. Alam niya po kasing magaling kayo at hindi niyo siya bibiguin.
Val: Bale, ako lang po ang may sabi nyan ha? Sa tingin ko lang naman po, base po sa kwentong narinig ko tsaka sa sinabi niyo po.
Yeoj: Ay naalala mo yung mga night duties natin tapos si Dr. Daez kasama natin? Wala siyang ibang kausap 'no?
Val: Di ba? Pero kapag kasama naman natin siya, okay naman. Tsaka ang bait ni Dr. Daez di ba?
Yeoj: Oo, bago pa yung medical mission last year mabait na talaga siya sa atin eh.
Val: Baka naniniwala lang talaga si Dr. Daez sa kakayahan mo doc Pat. Alam mo yun, ayaw niya lang siguro talaga ipahalata sayo kung bakit ganun ka niya i-trato.
Yeoj: Tsaka sila may-ari ng ADMC, doc. Baka umiiwas lang si Dr. Daez sa isyu kasi baka sabihin may favoritism yung management.
Seen. 01:25 pm
Wala na kong night duty mamaya.
Kasama ko si Arrow ngayon. Nagkausap na din kami.
Yeoj: Bati na kayo, doc?
Yeoj: Sabi na LQ lang eh.
Val: Kamusta po si Dr. Daez? Ano daw po nangyari?
Nag-sorry siya. Nagka-emergency lang.
Nandito kami sa East Wing ngayon.
Na-aksidente yung kaibigan niya.
DOA kaninang madaling araw. Kanina pa silang madaling araw lahat nandito.
Nanlulumo ako guys. Balitaan ko na lang kayo mamaya. Tulungan ko muna sila dito.
Val: Aww. 🥺 okay doc
Yeoj: Condolence po.
Yeoj: Ingat kayo doc
Thanks
Seen by Valerie Buenaventura, Yeoj Villanova