ER Team
04:25 PM
Yeoj: Sorry na doc Pat 😭
Yeoj: Hindi ko naman po alam na magte-trend yung picture niyong crop
Yeoj: Sobrang famous niyo naman ni Dr. Daez ang dami agad comments
Yeoj: Cropped na yung picture, alam pa rin na kayo.
Val: Hindi ka nakakatulong Yeoj
Yeoj: Ginaganyan mo na ko, Valerie?
Val: Bakit? Sinabihan na kita na wag mo silang picturan.
Val: Pero nag-picture ka pa rin
Yeoj: Doc Pat, kausapin mo naman si Dr. Daez. Magfa-file daw siya ng disciplinary action para sa akin. 😭
Seen. 04:47 PM
Oh talaga?
Buti naman.
Yeoj: Grabe doc Pat
Yeoj: Kinalimutan mo na mga pinagsamahan natin?
Ewan ko sayo
Chismoso ka talaga! Yan napapala mo.
Yeoj: Bakit kasi kayo nagho-holding hands?
Muntik na ko madapa
FYI
Natisod lang ako, inalalayan niya ko.
Val: Hala! Kumusta ka na doc?
Okay lang naman.
Yeoj: Kung aksidente pala yun, bakit kasi ganun reaksyon niyong dalawa?
Paano mo kaming gusto mag-react?
Late na nga namin nakita di ba?
Yeoj: Bakit di niyo sinabi sa comment na aksidente yun?
Yeoj: Kahit sino kaya iba iisipin doon sa picture.
Dahil nga naka-crop.
Yeoj: Mas gusto niyo bang buong picture?
Yeoj!
Val: Napakakulit ni Yeoj, grabe. 😪
Yeoj: Grabe naman din. Picture lang disciplinary action agad.
Ano ba kasi sinabi mo kay Arrow?
Yeoj: Naglalakad kami ni Val doon sa nilakaran niyo.
Val: Dinamay mo pa ko?
Val: Bwisit ka!
HAHAHAHAHA! Nandamay pa.
Wait lang. Off limits ang employee sa part na yun ng ospital ah?
Val: Hala, di nga?
Val: Doc Pat, baka bigyan din ako disciplinary action ni Dr. Daez. 😭
Val: Bwisit ka talaga Yeoj
So, alam mo na Yeoj?
Hindi ka bibigyan ng D. A. dahil sa picture. Kung hindi dahil sa pinuntahan mong chismoso ka.
Yeoj: Ang daya naman.
Yeoj: off limits sa amin pero ikaw nandun?
Val: Magkasama sila ni Dr. Daez, tange.
Yeoj: Favoritism.
Heh!
Tumigil ka na.
Baka padagdagan ko pa D. A. mo pag di ka tumigil. 🙄
Yeoj: Joke nga lang kasi doc Pat 😭😭😭
Seen. 05:16 pm