Nessy Patrizia Reyes
09:26 PM
Panget sure ka bang sa office pa tayo?
Baka gusto mo na umuwi ha?
Nessy Patrizia: Hindi, okay lang.
Nessy Patrizia: Wala naman akong pasok bukas.
Ako rin, walang pasok.
Oo na, wala kang pake.
Nessy Patrizia: Hahahaha! Baliw.
Nessy Patrizia: Bakit ba nagcha-chat ka pwede mo naman ako kausapin? Magkatabi lang tayo.
Nakikita tayo ng mga agents namin.
Nessy Patrizia: O ano naman?
Alam nila hindi ako nakikipag-usap sa iba.
Nessy Patrizia: HAHAHAHAHA! Pati ba sila pinakitaan mo ng demonic side mo?
Hindi ah.
Nessy Patrizia: O bakit ayaw mo makita nilang nag-uusap tayo?
Kasi alam nila na maraming nahabol sa akin.
Nessy Patrizia: Ay napakayabang. Gwapo ka?
Kapag nagsalita ako sa labas ng opisina ko, nananaboy lang ako ng mga nasunod sakin.
Ayaw kong makita nilang nag-uusap tayo.
Nessy Patrizia: Labo mo. Ang labo pa ng paliwanag.
Panget
Minessage kasi ako ni Arch
Nessy Patrizia: Ako din
Panget, ayaw kong masaktan ka dahil sa akin.
Masyado na yatang malalim galit sa akin ni Arch. Ayokong madamay ka sa gulo.
Nessy Patrizia: Okay lang ako
Nessy Patrizia: Nagulat lang ako, yung huli naming pinag-usapan, sabi niya nasa office mo daw ako.
Kailan to?
Nessy Patrizia: One hour ago siguro?
Magkausap na tayo nun?
Nessy Patrizia: Hindi, mga ilang minutes pa bago tayo nag-usap.
Ah, bago kita na-chat?
Bago yung tungkol kanila Apol?
Nessy Patrizia: Oo. Nung nag-post si Apol ng picture kahit hindi tayo yung magka-chat 😂
Nessy Patrizia: Si Arch ba ka-chat mo nun?
Oo.
Nauna niya ko kausapin kaysa sayo di ba?
Nessy Patrizia: Siguro?
Nessy Patrizia: Anong gagawin natin? Gusto kong tulungan si Arch pero hindi ko alam kung paano.
Hindi ko rin alam, panget.
Nessy Patrizia: Ge thanks
Nessy Patrizia: Ang laking tulong nyan ah
May sasabihin ako sayo
Nessy Patrizia: Ano yun?
Gusto kita.
Gusto kita, Nessy Patrizia.
Seen. 09:49 pm