63

371 20 17
                                    

Nessy Patrizia Reyes

09:53 PM

Nessy Patrizia: Hindi ka ba nabibigla lang, Arrow Daez?

Nessy Patrizia: Masama ba pakiramdam mo?

Nessy Patrizia: Nahanginan ka ba?

Ganyan ka ba kiligin, panget?

Nessy Patrizia: Ang kapal ng mukha mo.

Nessy Patrizia: Hindi ako kinikilig no.

Weh? Di nga?

Nessy Patrizia: Tumigil ka nga.

Nessy Patrizia: Bakit ba nambibigla ka?

Nessy Patrizia: Ano bang nakain mo o pumasok sa utak mo bakit ka ganyan?

Easy.

Kalma lang! Ako lang to.

Nessy Patrizia: Akala ko ba di mo ko type?

Hindi nga.

Nessy Patrizia: Pota ka!

Nessy Patrizia: Gulo mo ah.

Hindi nga kita type, Patrizia.

Nessy Patrizia: Oo na! Pota ka.

Nessy Patrizia: Kailangan paulit-ulit.

Hindi kita type.

Naiinis ako sayo.

Nabibwisit ako kasi hindi ko mabasa kung intimidated ka sa akin o ano.

Ayaw ko sayo.

Nessy Patrizia: Tangina! Oo na nga, di ba.

Nessy Patrizia: Hindi na nga ako naniniwala.

Nessy Patrizia: Pero di naman kailangan ulit-ulitin kasi medyo nakaka-insulto na.

Hindi kita gusto pero gusto ko lagi kang nakikita.

Gusto ko lagi kang kasama.

Kapag nakikita kitang tumatawa, gusto ko ako nagpapatawa sayo.

Gusto ko laging makita ang mga ngiti mo. Pero dapat ako dahilan kung bakit ka ngumingiti.

Gusto kitang mapasaya.

Nessy Patrizia: Putangina ka, Daez! Ano ba talaga? Okay ka pa ba?

Nung sinabi ni Arch na babawiin ka niya sakin, natakot ako.

Hindi ka naman kanya, kaso hindi ka rin naman sa akin.

Natatakot akong may gawin siyang masama sayo.

Gusto kitang protektahan.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula to.

Ang alam ko hindi ikaw yung tipo ko, hindi ikaw yung gusto ko, pero yung nararamdaman ko taliwas sa alam ko.

Ang alam ko lang ayaw kitang maagaw ng iba.

Nessy Patrizia: Hindi ko alam, Daez.

Nessy Patrizia: Anong gusto mong gawin ko?

Nessy Patrizia: Anong gusto mong sabihin ko?

Wala.

Hindi naman ako nagtatanong eh.

Sinasabi ko lang naman sayo yung nararamdaman ko.

Mas okay na din to. Kaysa malaman mo pa sa ibang tao.

Seen. 10:04 pm

Patrizia.

Kung naiilang ka sa sinabi ko, gusto mo ba ng space?

Nessy Patrizia: Ha? Anong space?

Nessy Patrizia: Baliw ka ba, nandito ko sa office mo.

Alam ko.

Baka kasi ayaw mo kong makita, pwede naman ako lumabas.

Nessy Patrizia: Hindi, okay lang.

Gusto mo bang pumunta kay Tyn?

Nessy Patrizia: Hindi na.

O di kaya kay Niqi?

Nessy Patrizia: Niqi?!

Nessy Patrizia: Nandito si Niqi.

Yes, siya nagamit ng office ni Ollie.

Gusto mo bang ihatid kita sa kanya?

Nessy Patrizia: Pwede?

Oo naman.

Para makapag-isip isip ka din.

Nessy Patrizia: Yes, please.

Nessy Patrizia: Thank you.


Seen. 10:16 pm



Arrow Nikolas, Can I Fix You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon