ER Team08:30 PM
YEOJ!!!
BWISIT KA!!!
NAKAHALATA SI AEIOU 😠
INAASAR AKO KAY ARROW
Yeoj: Ay ibig sabihin hindi talaga siya yung gf ni Dr. Daez?
Hindi nga kasi!
Nakakahiya. Nasabi ko rin yung ARPAT! 🥺🥺🥺
Yeoj: Sorry hahahaha
Yeoj: At least alam na natin na wala silang relasyon talaga.
Val: Ikaw lang naman nag-iisip na meron 😂
Yeoj: Ako lang ba?
Oo!
Yeoj: Pero aminin mo, Doc. Na-curious ka din naman.
Hindi 'no.
Matagal na kami magkakilala ni Aeiou.
Val: Anong sabi nung kaibigan mo, doc Pat?
Sabihin ko daw kay Doc Chis, walang sila.
Sweetheart tawag sa kanya ni Dax
At hindi niya rin yun boyfriend
Wag ka daw ma-issue
Yeoj: Doc Chis?
CHIS-moso
HAHAHAHAHAHA
Val: OMG HAHAHAHAHA
Val: Matalino yung friend mo doc 'no?
Yeoj: Wow 🙄
Val: Totoo naman. Isipin mo, di ka niya kilala ng personal pero alam niyang chismoso ka?
Val: Matatalinong tao lang makakaisip nun 😂😂😂
Yeoj: 🙄🙄🙄
Yeoj: Hindi yan maganda
Maganda siya
HAHAHAHAHA!
Yeoj: Hindi na nga
Yeoj: Sabi ko 🙄
Tinawag ka lang chismoso hindi na maganda
Tama naman siya eh 😂😂😂
Val: Hahahahahaha
Yeoj: Tuwang-tuwa kayong dalawa? 🙄
OO
Val: OO
Yeoj: Wow 🙄🙄🙄
HAHAHAHAHA
Nakalimutan ko kahihiyan ko dahil doon.
Yeoj: Bakit ka mahihiya siya nga yung nagpapatawag ng love at sweetheart sa ibang lalaki.
Yeoj: Lalaki na di niya boyfriend 🙄
Pake mo ba?
Yeoj: Hindi dapat kasi ganun
Val: Wala naman masama doon
Val: Ang masama, yung mga katulad mong marurumi ang isip.
Val: Doctor ka, bakit parang ang kitid ng pang-unawa mo?
Yeoj: Wow! Kilala mo ko pero pinagtatanggol mo yun?
Val: Hindi porke di ko siya kilala, huhusgahan ko na siya. Mas dapat nga na hindi ko siya husgahan di ba.
Val: At hindi porke may tawag lang na sweet yung ibang tao sa kanya, tapos hindi naman niya boyfriend, masama na yun.
Hindi porke di mo kaugali, masama ng tao.
Mas masama ka pa sa kanila kasi wala naman silang ginagawang masama pero kung ano-ano sinasabi mo sa kanya.
Yeoj: Sinabihan niya ko na chismoso ako.
Val: At pinag-isipan mo siya ng masama dahil tinawag siyang love ni Dr. Daez.
Val: Nagagalit ka pa sa kanya ngayon dahil sa tinawag kang chismoso? Sino bang nauna?
Tama!
Kung ano-ano nga iniisip mo sa kanya dahil lang sa tawag ni Arrow sa kanya.
Kung gusto mong ma-trato ng tama, trumato ka rin ng ibang tao sa tamang pamamaraan.
Hindi yung nagsasabi ka ng masamang salita tapos gusto mo pakitaan ka ng maganda.
Mali yun.
Yeoj: Nasermunan pa ko.
Yeoj: Sige, hindi na.
ARPAT din daw siya
Val: OMG hahahahaha
Val: May presidente na ng fanclub ng ARPAT. 😂
Yeoj: Ako president 🙄
Yeoj: Sabihin niyo vice lang siya.
HAHAHAHAHA
BWISIT!
Seen. 09:42 pm