12

558 24 3
                                    

Arrow Nikolas Daez

09:33 AM


Arrow Nikolas: Pat

Arrow Nikolas: Nakausap ko na secretary mo.

Arrow Nikolas: Ang clinic mo lang daw today, hanggang 1 pm.

Seen. 09:39 am


Wow, Pat?! First name basis tayo?

Arrow Nikolas: Tss.

Close tayo?

Teka!!!

Pinakialaman mo na naman schedule ko?

Arrow Nikolas: Ha? Hindi ah.

Eh bakit hanggang 1 pm lang? Nagsabi na nga ako na mauna na kayo.

Arrow Nikolas: Sabay-sabay nga tayong aalis.

Okay, kahit sabay sabay tayong aalis. Ang sabi ko sa inyo kagabi alas-dos clinic kong pinakalate.

Arrow Nikolas: Dra. Nessy Patrizia

Arrow Nikolas: Buti pa mga patients natin aware.

Anong aware?

Arrow Nikolas: Naka-half day ang clinic mo today pati sa Thursday.

Bakit nga?

Arrow Nikolas: May announcement ng list of names ng doctors na magpa-participate sa Medical Mission.

Arrow Nikolas: Ang mga for consultation lang sa patients mo, lahat ng nagpa-schedule today. Mga tumawag para sa schedule. Wala kang walk-in patients.

Arrow Nikolas: Tsaka lahat naman ng doctors ngayon naka-schedule for Medical Mission kaya wala talagang excuse.

Arrow Nikolas: May mga leave din na available sa lahat ng doctors sa ospital ngayon.

Paano kapag may emergency patients?

Arrow Nikolas: Hindi naman lahat nasa mission. May mga nauna na nakapag-leave last week. Sila yung mga may hospital duties this week. Kaya rin marami ang hindi in-approve last week, kasi ngayong week iga-grant yung leaves.

Arrow Nikolas: Priority yung mga nasa mission. Pansin mo, wala kayong leave nung nakaraan? Ganyan kasi ginagawa yearly dito sa ADMC.

Alam mo...

Nagdududa ako sa kabaitan mo ngayon?

May sakit ka 'no?

Arrow Nikolas: Tss. Judgmental!

Arrow Nikolas: Sa lahat ng psychiatrist, ikaw yung puro panghuhusga.

Hoy! Excuse me.

Sayo lang ako ganito.

Arrow Nikolas: Dapat na ba kong kiligin?

Ew! Tumigil ka nga.

Kinikilabutan ako sayo.

Arrow Nikolas: O sige na, mag-ready ka na. Mag-alas 10 na. May patient ka na na magpapa-consult in any minute.

Pati ba naman oras ng first patient ko, alam mo? 🤨

Arrow Nikolas: Hala! Assuming?

Arrow Nikolas: May clinic din ako. 10-4 lagi consultation ko.

Arrow Nikolas: Asa ka!

Bwisit ka!

Arrow Nikolas: HAHAHAHAHA

😮

Nag-HAHAHAHAHA ka?

May sakit ka?

Arrow Nikolas: Ano ba, Patrizia!

Malapit na yata end of the world.

Tinataasan ako ng balahibo sayo.

Arrow Nikolas: Sus! Kunyari pa. Kinikilig ka sakin 'no? 🤪

Yuck!


Seen. 09:52 am

Arrow Nikolas, Can I Fix You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon