FM Oliver Morris Q.OMQ: Hello! This is Ollie, the one and only.
Hi, Ollie. I'm Nessy! Haha.
OMQ: Kumusta naman, Nessy?
Okay lang naman. Gusto ko lang mag-chill.
OMQ: Stress na ba?
Yes! Sobrang stressful sa work. Alam mo yun, ni hindi ko namalayan yung mga araw.
Parang kailan lang, huli kong natandaan, September pa lang. Medical mission, tapos mga ilang weeks lang din yun, tanda ko, um-attend ako sa exhibit ng friend ko.
Tapos ngayon May na? Anong ginawa ko sa mahigit kalahating taon? Ni hindi ko naramdaman na tapos na ang Pasko.
OMQ: Aww
OMQ: Pahinga ka rin.
OMQ: Minsan sa buhay natin masyado na tayong nadadala sa mga bagay na nakasanayan na nating gawin. Dumarating tayo sa time na hindi na natin namamalayan, unti-unti na nagbabago lahat.
OMQ: Buhay natin, kapaligiran, mga relasyon.
OMQ: Sana kahit napapagod ka, huminto ka pa rin at mag-pahinga.
OMQ: Mahirap gumising na isang araw, ang dami na pala ng nawala sa iyo. Hindi mo napansin kasi masyado kang subsob sa ibang bagay. Masyado kang absorbed sa mga dagok sa buhay na nakalimutan mong may mga bagay na mas mahalaga pa pala kaysa pinagkakaabalahan mo.
OMQ: Kung ano ang importante, yun ang bigyan mo ng atensyon.
OMQ: Mga relasyon mo at sarili mo.
OMQ: Ingatan mo yung sarili mo. Para kung napabayaan mo yung iba, hindi ka pa rin babagsak kasi matatag ang pundasyon mo sa sarili mo. Di bale na mapabayaan mo lahat, wag lang yung sarili mo.
OMQ: Kapag wala ng matitira sayo, sarili mo lang maiiwan sayo. Kaya sarili mo ang pinaka-importanteng bagay na dapat mong alagaan, ingatan at bigyan ng tamang atensyon.
🥺
Ang lalim naman.
Thank you!
Gusto kong maiyak sa sinabi mo, Ollie. Guilty ako.
Mas sanay akong mag-alaga ng ibang tao. Kaya ngayon naii-stress ako. Sa sobrang asikaso ko sa iba, hindi ko na alam kung paano ko aasikasuhin ang sarili ko.
Thank you! Kahit hindi mo ko kilala, napagaan mo yung loob ko.
Bakit parang alam mo pinagdadaanan ko? Masyadong deretso ang payo mo. Iisipin ko kilala mo na ko.
OMQ: Sabi mo kasi medical mission tapos wala ka na maalala.
OMQ: May kilala kasi akong ganyan din. Palagi niyang pinakikita sa iba na matatag at malakas siya. Hindi niya alam, kaming madalas na kasama niya, nakikita namin ang pagbabago sa kanya.
OMQ: Mukha lang kaming naniniwala sa kanya na okay siya kahit alam namin na hindi. Kaya gumagawa kami ng paraan para alagaan naman siya. In our own way, yung hindi magiging awkward ang pakiramdam niya, at the same time nakukuha niya yung enough care na hindi niya alam na kailangan pala niya.
Sana all.
Baka pwedeng ako rin. Hahahaha! Joke.
Thank you again, Ollie! It was nice chatting with you. You make me feel better.
And needed. Pakiramdam ko lumugmok na existence ko ng hindi ko namamalayan, then your words pulled me up back to where should I be staying.
Thank you so much!!!
OMQ: Anything for you.
OMQ: Kapag kailangan mo ulit ng magche-cheer sayo, always remember...
OMQ: Hindi mo kailangan magbukas ng Fix Me at hanapin ako.
OMQ: I will always cheer for you kahit nasaan ka pa.
OMQ: And I will ask you to trust and believe in yourself, too, in return. Kasi mawawalan ng sense ang paniniwala ko sayo kung di ka maniniwala sa sarili mo.
OMQ: Okay?
Okay!
Thank you ulit, Ollie.
Sana ma-meet kita in person. I hope you will find peace in your heart, too. Like what you did for me.
You disconnected the chat.