Arrow Nikolas Daez
08:22 PM
Nessy Patrizia: Bakit kanina ka pa tahimik dyan?
Nessy Patrizia: Napagod ka sa shift mo?
Hindi.
Wala naman akong clinic ng maaga, puro night shift ako ngayon kasi ER lang ako.
Nessy Patrizia: Eh bakit ang tahimik mo?
Nessy Patrizia: Ayos ka lang ba?
Hindi.
Nessy Patrizia: Bakit? Anong problema?
Hindi ako makatabi sayo.
Nessy Patrizia: POTA!
Nessy Patrizia: Yan lang pino-problema mo pa?
Nessy Patrizia: Bakit di ka lumipat dito?
Okay lang ba sayo?
Kilala ko mga yan. Lalo na si Zeke at Apol.
Hindi ka titigilan ng pang-aasar ng mga yan pag tumabi ako sayo.
Ayaw ko lang na hindi ka maging kumportable lalo na nandito lahat ng mga kaibigan natin.
Nessy Patrizia: Okay lang.
Nessy Patrizia: Tsaka kaya naman tayo nandito para kay Gian, di ba?
Oo nga.
Isa pa yan.
Nessy Patrizia: Anong isa pa yan?
Si Gian.
Nessy Patrizia: Anong meron?
Nung makita ko si Gian kanina, di ko maiwasang mainggit kay Dax.
Nessy Patrizia: Ha? Ano ka ba, bakit ka mai-inggit?
Panget, nauna tayo kay Dax at Gianna. Nauna pa tayo kay Niqi at Gray. Kung hindi dahil sa desisyon ko 6 months ago, baka kasal na tayo at manganganak ka na rin.
Nessy Patrizia: Diyos ko naman, Daez.
Nessy Patrizia: Kanya-kanyang phase yan.
Nessy Patrizia: Tsaka hindi naman ako nagmamadali.
Ako ang nagmamadali.
Natatakot akong hindi ka mabigyan ng anak.
Nessy Patrizia: Saan naman nanggaling yan? Hahahaha!
Nessy Patrizia: May issues ka ba? Infertility ganun?
Wala 'no?
Gusto mo i-try pa natin?!
Nessy Patrizia: Huy! Parang tanga to.
Bakit namumula ka?
Nessy Patrizia: Heh! Tigilan mo ko.
Tara. Ipapakita ko sayong kaya kitang bigyan ng anak kahit sampu pa!
Nessy Patrizia: Nampota ka!
Nessy Patrizia: Hahahaha. Lintek ka! Feeling ko nangangapal na mukha ki sa sobrang hiya.
Bakit ka mahihiya, wala pa nga tayong ginagawa?
Nessy Patrizia: Aba, at talagang may gusto kang gawin ah?
Baka makalusot lang naman.
Ilulusot ko talaga.
Nessy Patrizia: HAHAHAHA! Bwisit.
Nessy Patrizia: Mukhang okay ka na ngayon.
Hindi pa rin.
I still want to have a baby
With you
Only you.
Nessy Patrizia: Tsaka na natin pag-usapan yan.
I want us to have a baby soon.
Para hindi ka mahirapan sa pagbubuntis tsaka panganganak.
Nessy Patrizia: Arrow!!!
Okay, okay.
Nakatingin na sa atin sila Apol.
Mukhang nakakahalata na.
Let's talk about this some other time.
Nessy Patrizia: Bwisit.
Seen. 09:35 pm