Arch Nikolai Daez
07:02 PM
Chie!
May tatanong ako sayo.
Seen. 07:11 pm
Arch Nikolai: Sorry Pat
Arch Nikolai: Busy kanina
Arch Nikolai: Wassup?
Hmm
Nakausap ko kasi si Aeiou
Arch Nikolai: 😍😍😍
Arch Nikolai: Binuild-up mo ba ko bes?
Hindi
HAHAHAHAHA
Arch Nikolai: Akala ko pa naman good news
Hala!
Akala ko ba you can have any girls? Daming nagkakagusto sayo di ba?
Arch Nikolai: Dami nga, hindi naman siya isa sa kanila. 😃
Aww
Sorry bes
Baka di talaga kayo para sa isa't-isa.
Arch Nikolai: Tapos ano, para siya kay Kuya?
Arch Nikolai: Lahat na lang ba si kuya makakakuha?
Arch Nikolai: Atensyon ni daddy, magandang propesyon, magandang career, magandang buhay at future, magandang girlfriend?
Arch Nikolai: Tangina bes, kailan ko naman makukuha yung para sa akin?
Arch Nikolai: Magandang girlfriend na nga, babaeng mahal ko pa? Wag naman ganun.
Sorry 🥺
Hindi ko alam sasabihin ko.
Arch Nikolai: Okay lang.
Arch Nikolai: Siguro ganun talaga kapag kambal. Laging pinagkukumpara.
Arch Nikolai: How unfortunate of me to be the loser one?
Chie, hindi ka loser, okay?
Siguro magaling lang talaga kuya mo.
Baka kailangan mo lang mag-effort to prove yourself. Hindi naman kayo pareho ng galing. Magkapatid man kayo, magkasabay man kayong pinanganak, marami man kayong pagkakatulad, pero tandaan mo magkaibang tao pa rin kayo.
Hindi mo kailangan ma-inggit sa kuya mo dahil lang mas successful na siya sayo or mas marami siyang achievement kumpara sayo. Hindi to laban ng mas magaling.
Ang importante dito magawa mo kung ano yung gusto mo. At masaya ka sa ginagawa mo.
Arch Nikolai: Matagal ko na siyang gusto eh. Pero si kuya lang lagi niya pinapansin. Si kuya lang lagi niya iniintindi. Si kuya lang inaasikaso niya.
Arch Nikolai: Mas gusto niya ba si kuya kasi doctor si kuya? Mas magiging maganda future niya kung si kuya pipiliin niya?
Chie, hanggang ngayon di ko kilala kuya mo kaya hindi ko alam sasabihin ko. Pero gusto kong malaman mong nandito lang ako para sayo. Wag mo isipin na mag-isa ka dahil nandun siya sa kuya mo.
Arch Nikolai: Kilala mo si kuya.
Arch Nikolai: Sinadya kong di kayo ipakilala sa isa't-isa. Baka kasi pati ikaw agawin niya sakin, Pat.
Ha? Kilala ko kuya mo?
Sino?
Arch Nikolai: Lagi nga kayo magkasama di ba?
Arch Nikolai: Dr. Daez
Arch Nikolai: Arrow Nikolas Daez
Seen. 08:05 pm