9

589 22 7
                                    


ADMC Med. Mission — QC

05:16 PM

Hailey Marquez added Arrow Nikolas Daez and 3 others to the group.

Hailey: Team Leader - Dra. Valerie Buenaventura

Hailey: Dr. Yeoj Villanova, medical technician of the day.

Hailey: Dra. Nessy Patrizia Reyes, Health Assistant

Hailey: Dr. Arrow Nikolas Daez, Assistant Doctor on standby.

Hailey: Magandang hapon po, mga doc! Magkakaroon po tayo ng Medical Mission bukas, alas-tres ng hapon, para sa mga informal settlers sa lungsod ng Quezon. Bilang parte ng nalalapit na anibersaryo ng Antonio Daez Medical Center.

Hailey: Taon-taon ay nagpupulong ang magagaling na doktor ng ADMC para sa tulong medical na paraan upang alalahanin ang ating sinumpaang tungkulin sa bayan.

Seen by everyone except Nessy Patrizia Reyes

Hailey: Tayo po sa ADMC ay grinupo sa apat na doctor na pupunta sa ilang barangay sa iba't-ibang napiling lugar para maipatupad ang proyektong Medical Mission para makatulong sa ating mamamayan.

Hailey: Dra. Buenaventura, kayo po ang inatasang mamuno sa grupong ito dahil po kayo ay may sapat na kaalaman sa medisina na kailangan natin lalo na sa ganitong proyekto.

Hailey: Dra. Reyes, kayo naman po ang mag-aasiste kay Dra. Buenaventura bilang ang inyong kaalaman at eksperto ay makakatulong sa ibang departamento.

Hailey: Dr. Daez, kayo po ang magsisilbing gabay at kaagapay nila Dra. Reyes. Ang inyong kaalaman sa pag-oopera ang susi sa kung anumang emergency na kinakailangan sa gaganapin na medical mission.

Hailey: Ang kaalaman naman ni Dr. Villanova sa mga gamot ang makatutulong sa mga tao para malaman kung tama ba ang iniinom nilang gamot at kung makabubuti iyon sa kanilang kalusugan.

Seen by everyone except Valerie Buenaventura

Hailey: Kayo rin po at ang pag-aaral niyo po bilang laboratory scientist ang maaari niyong magamit sa pagkuha ng dugo at ibang tests na makakatulong sa panggagamot ng mga kasama niyo pong doktor.

Hailey: May inihanda rin po kaming grupo ng mga volunteers na makakatulong sa inyo sa misyong pang-medikal.

Seen by everyone except Yeoj Villanova

Hailey: Maraming salamat po sa hindi pagsingit habang ako'y nagpapaliwanag. Ako po ay aalis na dito upang mabigyan kayo ng pagkakataong makilala ang isa't-isa at makapaghanda para bukas.

Hailey Marquez leave the group.

Valerie: Good Afternoon po! Hindi po ako magiging leader, tayo po ay isang grupo dito. Kung may suggestion po kayo, sabihin niyo lang po dito para po mapag-usapan nating lahat.

Val, may clinic ako bukas. Mag-cut na lang ako ng patient hanggang 2 pm. Okay lang kahit mauna na kayo kung saan yung medical mission. Susunod na lang ako.

Valerie: Wala pong problema, Doc Pat. ☺️

Arrow: Hindi na, hihintayin na natin siya.

Ha?

Bakit?

Yeoj: Ayaw mo ba Doc Pat?

Hindi naman sa ganon.

Baka maka-abala lang kasi sa inyo.

Arrow: Hindi, hintayin ka na namin.

Arrow: Wag na rin kayo magdala sasakyan. Ako na maghahatid sa inyo.

Valerie: Thanks Doc

Yeoj: Thanks Doc Daez

Thank you!

Seen. 06:25 pm

Arrow Nikolas, Can I Fix You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon