"Erin, maayos ba ang tulog mo kagabi?" tanong ko sa kakambal ko."Oo naman, ikaw?"
"Nah, i have this weird feeling that someone staring at me" nakanguso kong sabi.
Humagalpak naman siya ng tawa.
"You're just imagining things Irine, kakanood mo 'yan ng mga horror movies eh"
Napanguso naman ako at nagpatuloy na sa pagkain.
"Yaya, dalhan mo ng breakfast si Myra sa kwarto n'ya" rinig kong sabi ni Tito Jake.
"Eh Tito baka bababa lang 'yon si Mama" saad ni Erin.
"She's not feeling well" tipid na sagot ni Tito.
Bumahid naman ang pag-alala sa mukha ni Erin.
"Bilisan n'yo na jan, malalate na kayo" saad ni Tito.
Nakikitira na siya sa amin mula n'ong namatay si Dad. Sabi niya hinabilin kami ni Dad sa kan'ya, that's why we trust him.
---
"Irine, drink your milk now" rinig kong sabi ni Erin habang inaabot sa'kin ang baso ng gatas.
I laughed at her. " Himala at ikaw ang nagbigay sa'kin ah, thanks"
Sanay kasi ako na si Yaya ang magdadala ng gatas ko t'wing gabi.
I yawned after I drink the milk. "Goodnight twiny, antok na'ko" saad ko at inilapag sa side table ang eye glasses ko.
NAPABALIKWAS ako nang marinig ang tunog ng alarm clock. Wtf? 'Di naman ako nag-aalarm ah. I roamed around and to realize na nasa kwarto ako ni Erin, why the heck am I here?
Dali-dali akong lumabas at nadatnan ko si Erin na nag b-breakfast.
"Erin, ba't nasa kwarto mo ako? Di naman ako do'n natulog kagabi ah" nagtataka kong tanong.
"Kumain kana" saad niya na hindi pinapansin ang tanong ko.
Pinalibot ko ang paningin sa kusina.
"Sa'n si Yaya? Si Tito? Si Mama okay na ba?" sunod-sunod kong tanong.
Hindi n'ya ako sinagot sa halip ay nagpatuloy lang siya sa pagkain.
SUMAPIT ang gabi at dinalhan n'ya nanaman ako ng gatas, then when I woke up in the morning nasa kwarto n'ya nanaman ako.
Tapos 'pag tanungin ko s'ya hindi siya sasagot.
Napansin ko rin na nagiging tahimik siya lalo, madalang kung magsalita.
Na we-weirduhan na'ko sa mga ikinikilos niya. Until I decided not to sleep, just for this night.
NAKARINIG ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko. I know it's her.
"Come in" saad ko.
Pumasok siya at binigay sa'kin ang dalang gatas.
"Drinki it Irine" saad niya.
"Later, tatapusin ko muna 'to" saad ko habang nasa laptop ang atens'yon.
"Drink it before 11:00 pm, gotta go...goodnight" saad niya at hinalikan ako sa noo.
"Goodnight"
Nang makalabas s'ya ng kwarto ay dali-dali kong tinapon ang gatas at nagpanggap na tulog. I know she put something on that milk para maka tulog agad ako.
Minutes passed by, narinig ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Hindi ako gumalaw at nagpanggap lang na tulog.
I heard the footsteps coming towards me. Tahimik lang ako at inantay ang susunod n'yang gagawin.
Nagulat ako nang buhatin n'ya ako palabas ng kwarto. Nanatili lang akong walang imik. Yeah I admit it, she's strong enough that she could carry me.
Pinahiga niya ako ng maayos sa kama niya at dali-daling siyang lumabas ng kwarto niya.
Nag-antay lang akong ng ilang minuto bago bumangon at lumabas ng kwarto ni Erin.
Nakita kong nakabukas ang pinto ng kwarto ko na katapat lamang ng kwarto ni Erin, dahan-dahan akong sumilip doon.
Nanlamig ako sa kinatatayuan nang marinig ang impit na sigaw ni Erin. 'Di ko siya makita dahil nakapatay ang lahat ng ilaw sa kwarto ko.Papasok na sana ako nang makaranig ako ng yabag at nakita ko ang bulto ng isang lalaki. Dali-dali akong nagtago sa malaking flower vase nang makitang lumabas ito.
Natutop ko ang sariling bibig nang makita si Tito Jake na pasan-pasan si Erin. Bumaba ang tingin ko sa sahig kung saan pumapatak ang napakaraming dugo mula sa katawan ni Erin. Nanginig ang kalamnan ko sa nasaksihan, what the fvck is this!
Sinundan ko si Tito Jake hanggang sa likod ng bahay. Bumuhos ang luha ko nang makitang nakahilata ang katawan ni Mama at Yaya sa damuhan, tinabi niya rin ang katawan ni Erin na ikinahagulhol ko. Tinutop ko ang bibig at pinilit hindi makalikha ng ingay. He murdered my family for pete's sake!
Nagsimula nang maghukay si Tito James habang pasipol-sipol at patawa-tawa.
"Isusunod ko rin si Erin sa inyo! HAHAH!" parang demonyo niyang sabi.
He's really a demon! Demonyo siya!
So napagkamalan niya si Erin na ako? Kaya pala ginagawa 'yon ni Erin sa'kin? Napakahayup mo Tito Jake!
Bumuhos ang luha ko nang magtagpo ang mata namin ni Erin. Hinang-hina na siya but she's still breathing! Pupuntahan ko na sana siya ngunit nakita ko ang pagmamakaawa sa mukha niya.
"Run" she mouthed.
"I can't leave you" i mouthed back.
"I love you Irine, please save yourself" she mouthed.
Bago pa ako mahuli ni Tito Jake ay tumakbo na'ko palabas ng bahay, palabas ng impyerno!
Bumuhos ang mga luha ko kasabay rin ng pagbuhos ng malakas na ulan.
Wala na si Mama at Yaya, wala na ang kakambal ko!
Ako dapat 'yun eh! Ako dapat ang nakaranas nun pero niligtas ako ni Erin mula sa hayup naming Tiyuhin.
My twin Sister sacrificed her life for me .
-ZynnnLy-