STORY 22

0 0 0
                                    

"Jessa, peram nga muna saglet ng cp mo" sabi ni Lily.

"Baket?" kunot noong tanong ko.

"Papa share it lang ako ng music"

"Balik mo agad ah" sabi ko at inabot sa kan'ya ang cp ko.

"Oo mabilis lang toh" nakangiting sabi niya at bumalik na sa upuan niya.

Nag focus na ulit ako sa binabasang libro.

"Whaaa! Anjan na siya!"

"Tangina ang gwapo talaga ni Kenzo!"

"Ughh Kenzo Mylabs!"

"Shettt ang hot niya talaga!"

"Whaa Kenzo ba't ang gwapo mo?"

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang tilian ng mga estudyante sa labas, Nakita ko si Kenzo Angeles na papasok ng room.

Kahit kailan talaga lagi nalang late, tsk para lang makakuha ng atensyon ng mga estudyante. Ehdi siya na ang campus crush, snob naman tsk.

"Uy Jessa anjan na yung crush mo" sabi ni Daisy.

Wala akong mata bhe? Wala? Sarap tirisin.

"Tsk. crush ko nga napaka sunget naman,hindi man lang namamansin" sabi ko at binalik nalang sa libro ang atensyon .

"Sus, okay lang yan atleast naging kaklase natin siya ngayon" tudyo niya pa.

Napailing nalang ako habang nililingon si Kenzo na parang hari na nakaupo sa trono niya.

Classmate nga kami pero hindi naman namamansin, wala rin.

"Jesssssaaaaa!!" narindi ako sa sigaw ni Lily mula sa likuran.

Kunot noo ko siyang nilingon. Abnormal talaga ang babaeng toh!

"Ikaw pala si Kendra Writes! Gaga ka!" sigaw niya sabay tili.

Nasapo ko nalang ang sariling noo. Akala ko ba mag papashare it lang siya? Hayup na babaeng toh!

"Gaga ka! Para akong buang kakachat kay Kendra Writes ,tas ikaw lang pala yun?"

"Kalma, hindi mo naman kailangang ipagsigawan ang rp name ko, hayup ka" mahina kong sabi habang tinitingnan ang mga kaklase naming nasa amin na ang atensyon.

Natutop niya ang kanyang bibig at nag peace sign.

"Akala ko ba mag papashare it ka lang?" tanong ko sabay hablot ng cp ko.

"Oo nga, tas nakita kong online si Kendra so ayon chinat ko siya tas pag tingin ko sa cp mo nag pop up dun yung chat ko" nakabungisngis niyang sabi.

Inirapan ko lang siya. Napakawalang hiya talaga ng babaeng toh, kung 'di ko lang 'to bestfriend kanina ko pa toh nasapak.

"Napakagaga mo talaga Jessa! Ako tong parang tangang kwento nang kwento sayo tungkol sa mga stories na gawa ni Kendra tapos ikaw lang pala yun?"

Natawa nalang ako sa nakabusangot niyang mukha. Abnormal talaga!

"Jes? Hindi ka nag recess?" rinig kong tanong ni Daisy.

"Hindi, 'di naman ako nagugutom" saad ko.

Nagulat ako nang may naglapag ng tatlong chuckie sa desk ko. Wtf?

Nag angat ako ng tingin at nakita ang gwapong mukha ni Kenzo.

I blinked multiple times, baka namamalikmata lang ako.

"Drink it" his baritone voice filled my ears.

Napataas ang isa kong kilay. Bakit alam niya na favorite ko ang chuckie?

"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko.

"Serving my wife." inosenteng sabi niya.

Parang huminto ang paghinga ko sa narinig.

Agad akong tumayo at tumalikod para 'di niya makita ang pamumula ng pisngi ko. Damn it!

Natigilan ako nang hawakan niya ako sa pulsuhan at pilit na pinaharap sa kanya.

I rolled my eyes. Ano bang nakain ng tukmol na'to at napagtripan niya ako? For how many months na magkaklase kami ngayon n'ya lang ako pinansin.

"Jessa, drink this chuckie. Binili ko pa 'to sa canteen at nakipag agawan pa ako dun  sa grade 7 tas babalewalain mo lang?"

Napanganga ako sa sinabi niya.

"Why are you doing this?" tanong ko at pilit tinatago ang kilig.

"Because..." napaatras ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"You."  

Atras.

"Are."    

Atras.

"My." 

Nakagat ko ang pang ibabang labi nang wala na akong maatrasan, naramdaman ko na ang chalkboard na tumatama sa aking likuran.

"Wife."  rinig kong saad niya at nagulat nalang ako nang kinorner niya ako gamit ang dalawa niyang kamay.

Napalunok ako nang mag sink in sa akin ang sinabi niya. Wth?

"I'm happy to see you wifey" he said then wink.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng endearment na 'yun.

"Nice meeting you Kendra Writes, I am Mike Callahan...your husband in RPW." Sabi niya sabay kindat sa akin.

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. How come? Akala ko ba taga Cavite siya? Si Mike Callahan na ka rs ko sa Rpw ay si Kenzo Angeles na crush ko? What the heck?

"And now na nakilala na kita, wala ka ng kawala sa akin. Hindi ako papayag na hanggang RPW lang tayo wifey, i love you so much at ginawa ko ang lahat---nagtiis ako, nagpaka cold at hindi namamansin ng mga estudyante sa school na 'to coz damn! I don't want to break my promises. Gusto ko ikaw lang, ayoko ng tumingin pa sa iba kasi kontento na ako sayo kahit sa RPW lang tayo nagkakilala ay sobrang espesyal ka na sa akin"

"Kenzo---" di ko na napigilan ang mga luha ko.

"Yes wifey? I love you so much that I want to kiss you right now" he said in a husky tone.

Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Ilang dangkal nalang ang pagitan ng aming mga mukha.

Napapikit ako nang mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin.

I was about to feel his soft lips when---

"Good morning class! Get one whole sheet of paper,mag lolong quiz ako...oh kayong dalawa! Bakit anjan pa kayo? Dun! Bumalik na kayo sa upuan niyo!" saad ni Ma'am.

Buset! Nahihiyang bumalik ako sa upuan habang rinig na rinig ko ang bulungan,tawanan,tilian at pagsipol ng mga depungal kong kaklase.

"Okay number one!!"

-ZynnnLy-

 ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now