IN ANOTHER LIFE, I WOULD BE YOUR GIRL
"Happy 3 months of love, baby" bungad ni Clyde sa'kin nang makarating ako sa cafeteria.
"Happy 3 months of love sa'tin" saad ko at hinalikan siya sa pisngi.
"How's the major?"
"Ayon, nakaka stress" nakabusangot kong saad.
He pinched my cheeks. "Date tayo? Celebrate tayo sa labas?"
"Susunduin ako ni Dad ngayon eh"
"Ah, gano'n ba? So next time nalang?"
"Nope. We'll celebrate tonight, magagawan ko naman ng paraan"
Our relationship is private, in short kaming dalawa lang ni Clyde ang nakakaalam. Ayaw ni Dad na nakikipagrelas'yon ako lalo na't malapit na akong gumraduate ng college.
"Venice, Sa'n ka galing kagabi? Wala ka sa kwarto mo" tanong ni Dad.
"A-ah lumabas po ako D-Dad"
"Lumabas ka ng gabi? Pa'no kung may nangyaring masama sa'yo?"
"Victor calm down, nakauwi naman ng maayos ang anak mo" sabat ni Mommy.
"Natuto ng tumakas ang batang 'to! Ayusin mo nga ang sarili mo Venice, graduating kana"
"O-opo Dad"
Pinigilan ko ang hindi maluha. I want to tell them so bad about my relationship with Clyde. I want us to become official.
"Pinagalitan ka ba ng Dad mo?" tanong ni Clyde.
"Oo, pero wala lang 'yon... sanay na ako" nakangiti kong sabi.
"I'm sorry Ven"
"Nah, you don't have to say it. Gan'yan kita kamahal, i can break Dad's rule for you"
"Damn, i am so lucky to have you baby" saad niya at ginawaran ako ng halik.
Tumayo siya para bumili ng makakain namin. Nag review nalang din ako habang inaantay siya. Biglang nag vibrate ang phone niya kaya tiningnan ko 'to.
A message form unknown number.
[Clyde, I miss you so much]
May kung ano ang kumurot sa puso ko nang mabasa ang message na 'yon.
[Clyde, can we talk? I miss you so much babe]
Nilapag ko na ang phone niya nang makitang paparating na siya. I blinked multiple times para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.
Oh God please. Please, tell me he didn't cheated on me, I can't lose him.
"Here's your favorite" nakangiti niyang saad habang nilalapag sa harap ko ang paborito kong lasagna.
"T-Thanks, let's eat"
Napakagat labi ako para pigilan ang sariling 'wag magsalita. Nakatitig lang ako sa kan'ya habang kumakain. Gusto kong maiyak sa iniisip ko, i want to confront him.
"Baby, what's wrong?" tanong niya nang mapansin ako.
"C-Clyde? You are not cheating right?"
"Anong pinagsasabi mo?" confusion filled him.
"I've read the message from unknown numb---"
Hindi ko natapos ang sasabihin nang inopen niya na ang cellphone niya.
"Ven, I'm sorry"
Biglang kumirot ang puso ko.
"Ven, let me explain. This is Aicka, my ex girlfriend. Gusto niyang makipagbalikan kaya niya ako kinukulit, but no... don't worry baby, i have you now and i love you so much alam mo 'yan." Saad niya at sinapo ang kamay ko.