STORY 27: HAVING YOU NEAR ME

0 0 0
                                    

HAVING YOU NEAR ME

"Hoy! Dianne walisan mo nga muna yung bakuran, ang kakalat ng mga tuyong dahon eh" utos ni Mama saken.

Ampt! Kaasar naman eh, may pinapanood pa ako!

"Dianne ano ba, ipapakain ko 'yang selpon mo sa'yo sige!" rinig kong sigaw ni Mama.

"Oo nah! Magwawalis na" sigaw ko at lumabas ng bahay para mag walis.

'I came to you and never ask to much, wondering what you would say---'

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang kanta.

'Hoping you'd understand it's not a role I usually play---'

Kingina sino bang nagpapatugtog n'yan!

'Don't speak too much of what's been going on---"

Dumako ang tingin ko sa bahay nina Lucas at nakita ko siyang nakaupo sa bench habang may speaker sa tabi niya at nakatuon ang atens'yon sa selpon niya.

Kingina ang gwapo talaga ng crush ko! Ughhh!

"Psst!" tawag ko sa kanya, na miss ko rin siyang harutin eh. Enebe!

"Pssstt!" tawag ko ulet pero 'di man lang nag-angat ng tingin.

Tsk! Apaka sunget!

Tingnan natin kung 'di mo ako papansinin.

"I want youuu...Having u near mehhh... Holding u near meee, I want you to stayyyy andd neverr go awayyyyy" sabay ko dun sa kantang pinapatugtog niya.

Shet nagmumukha na 'kong  tanga rito HAHAH. E imagine ko nalang na nasa the voice ako, tas kailangan kong mapalingon si Crush ughh!

"I'll love you tonight, it feels so rightttt, feellll so righttt..."

Putek di pa rin siya lumilingon!

Inangat ko ang walis at ginawang mic. Para feel na feel ko yung kanta.

"You know how deep our love could be... tonight we'll touch until it's time to go----"

Leche ansaket na ng lalamunan ko! Crush wala ka bang balak pansinin ako.

Mas nilakasan ko pa ang pagkanta para lang mag angat siya ng tingin.

Shemss! Ang kapal talaga ng mukha ko HAHAH!

"I wanttt youuuu... having you near  meehhh!  Holding you nearr mehh , I want you to stayyyy and neverrr gooo aw----"

Natigil ako sa pagkanta nang pinatay niya ang speaker at nakakunot noong tumingin sa'kin! Ughh shett sa wakas napansin niya rin ako!

"Huy crush---" di ko  natapos ang sasabihin nang binitbit niya ang speaker at pumasok sa bahay nila.

Ayt bad! Apaka sunget talaga!

Tsk! Sumakit pa lalamunan ko dun haeop!

Nagpatuloy nalang ako  sa pagwawalis at pumasok na ng bahay pagkatapos.

Ansaket ng puso ko awtts! Apakawalang hiya talaga ni krass!

"Mamshiee! Tapos na'kong magwalis!" sigaw ko at pumasok ng kwarto.

Kinuha ko ang cp ko at pinagpatuloy ang pinapanood ko kanina.

Nagulat ako nang mag pop up ang message ni Crush.

Luhh? Eto na ba yun? Mag sosorry na ba siya? Aamin na ba siya? Sasabihin niya ba na mahal niya rin  ako? Aackkk!

Dali-dali ko yung binuksan.

['Ang ganda pala ng boses mo Dianne noh?] basa ko dun sa chat ni Lucas

Aackkk pinupuri niya ba ako?  Enebe crush!

I was about to reply him when I saw his new message.

['Ang ganda ng boses mo...boses kambing HAHAH']

Tangina! Mapanaket!

-ZynnnLy-

 ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now