'Kuya, ang galing mo pong sumulat!'
'Napakagaling naman ng idol ko'
'Kuya, ang galing nyo po!'
'Notice me kuya!'
'Kuya,idol na idol po kita'
'Kuya ang galing nyo pong kumanta'
'Damn dude! You're blessed for being so damn talented'
'Ang galing mag gitara, kainggit'
'Apaka husay naman this boy'
'Magaling na ngang magsulat magaling pang kumanta at maggitara'
'Sana all!'
'Kuya pakasal na tayo!'
'Kuya ikaw ang ideal man ko!'
Ito lagi ang nakikita kong mga comments tuwing mag popost ako ng mga tula,kwento,at kanta. I'm indeed famous and I don't know why. Yah i admit it na magaganda naman yung mga akda ko, I can't believe it na maraming sumusuporta sa akin even though they haven't seen my face yet.
One time, I uploaded a song cover in Facebook. I'm confident because they can't see my face, only the silhouette of mine. Nagulat ako nang mag viral yung video ko at mas dumami pa ang naging supporters ko. I was happy that time of course.
So I decided to create a tiktok account at doon ko ina-upload yung mga kina cover kong kanta. But still nakatago parin yung mukha ko, tanging gitara lang at kamay ko ang makikita sa mga video na ina upload ko.
Araw-araw din akong nag popost ng mga kwento at tula sa facebook. Nag eenjoy ako sa ginagawa ko,of course maraming sumusuporta sa akin at marami akong na iinspire na mga tao.
"Rye! Pag nakita ng mga supporters mo 'yang pagmumukha mo HAHAHA ewan ko lang" natatawang sabi ni Luke
"Oo nga Rye, pag nag face reveal ka paniguradong isa-isang mag sialisan mga supporters mo HAHAH"segunda ni Roy
"Wala naman akong balak mag face reveal eh HAHAH" natatawa ko ring sabi but deep inside sobrang sakit na.
Yung tipong mga kabarkada mo pa ang mag dodown sayo.
Isang taon ko naring ginagawa ito. Magsusulat ng kwento at tula sa umaga, mag a upload ng song cover sa gabi. Naging famous ako sa tiktok at halos umabot na sa 4 million yung followers ko, marami na ring nanonood ng video ko na mga taga ibang bansa.
'He's indeed talented, my ghad!'
' I'm having a goosebumps every time I hear his voice'
'I hope he will notice and one day he will become a famous singer'
'Ang ganda talaga ng boses ng crush ko'
'Ang galing pa mag gitara'
'He's really an amazing but why we can't see his face?'
'Beautiful voice but please don't keep hiding in the dark'
'We want to see your face boy'
'For sure you're handsome'
Napapangiti ako habang binabasa ang mga comment nila. Nararamdaman ko ang pagmamahal nila sa akin. Pero patuloy parin kaya nila akong susuportahan kapag nag face reveal ako?
I let out a deep sigh. " Ma, pano kaya pag mag face reveal na ako?"tanong ko kay Mama na alam lahat ang ginagawa ko at number one supporter ko .
"Okay lang anak, natatakot kaba? Gwapo ka naman para sa akin ah"