DARE
One week na akong nag r-rp at ganon parin, may nag chachat at bigla nalang aalis, may nagiging friends ako pero hindi nagtatagal.
It hurts me of course kasi akala ko na kapag pumasok ako sa mundong 'to ay makakatagpo ako ng mga totoong kaibigan, but I'm wrong...mabuti lang pala sila sa una at iiwan ka lang nila sa bandang huli.
That was my experience here in RPW, but I'm used to it. Nasanay narin ako kahit 1week pa lang ako sa mundong 'to.
Out of nowhere someone sends me a message request. I accept it at nireplayan siya.
It all started at 'Hi,kamusta', and end up in a deep conversation. Hindi na ako umaasa na mag e stay siya sa akin, ganon naman lahat eh...umaalis pag nag sawa na.
But I was wrong. Umabot ng dalawang buwan ang pag chachat namin, nag sesend din siya ng vm at lagi niya akong kinakantahan tuwing gabi. He's indeed sweet and caring, tas ang ganda pa ng boses niya.
['Aliyah, kain kana...alam kong tinatamad ka nanaman'] basa ko dun sa chat niya.
[opo, mamaya na! ka chat pa kita eh...charot!'] I replied.
['Kumain kana kasi, magkakasakit ka na naman n'yan eh!'] he replied
['Opo, kakain na']
See? He cares about me but sad to say na wala kaming label. HAHA!
Nagpatuloy pa ang gano'ng gawain namin, i admit it na iba siya sa mga rp'ers na nakilala ko. Hindi niya pa ako iniiwan, kaya naging kampante ako sa kanya.
Until one day he confessed.
['Aliyah, may sasabihin sana ako...wag kang magalit ah']
['Ano ba 'yon Drew?'] I replied.
Andrew is his rp name.
['ahm, I think I'm falling inlove with you... 'di ko alam pero iba kasi ang feeling ko kapag ikaw yung kausap ko, hinahanap-hanap ko lagi yung mga pang-aasar at pangungulit mo...Aliyah I think I'm inlove with you']
Natameme ako habang nakatitig sa chat niya. My heart is beating so fast. Alam niya rin kaya na matagal ko narin siyang gusto?
['Aliyah, please don't leave me...ayokong mawala ka, wag mokong iwan please'] he chatted.
['Drew, I think we have a mutual feelings...gusto rin kita noon pa'] I replied while gritted my teeth.
Di ko pa nagagawang mag confess ng gan'to sa isang lalaki.
['Damn! Totoo ba 'yan? Aliyah ang saya ko...di ka nagjojoke? Wala ng bawian 'yan ah']
['Totoo nga 'yan, abnoy to 'di pa maniwala']
['Damn! Di ko alam pero kinikilig ako!, so can I court you?']
Pumayag akong ligawan niya ako, mas naging sweet pa siya sa akin at lagi niya na akong tinatawagan. Hinaharana niya ako tuwing gabi at chinicheer up tuwing malungkot ako.
Umabot ng isang buwan ang pangliligaw niya bago ko siya sinagot.
Masaya kami sa isa't-isa, lagi kaming nag aasaran and such thing that couples do, pero sa chat lang ang lahat ng iyon. Hindi naman ako nag eexpect nang kung ano until sabi niya na gusto niya akong makita. Kinabahan ako dun syempre.
"Jas, ang swerte mo sa boyfriend mo inggit ako!" nakangusong sabi ni Faye.
She's my bestfriend in realworld and also in rpw. Magaling siyang sumulat ng mga tula kaya nga sikat na sikat siya.
"Sus, Rpw lang naman yun" sagot ko.
"Pero baka puntahan ka niya at magpakilala siya sayo...aaackkk sana all!"
"Sabi niya nga eh, pero kinakabahan ako HAHAH"
"Sus! Patulan mo na tutal malapit na ang anniversary niyo diba?"
Natawa nalang ako sa inasta niya, number one supporter talaga siya sa relasyon namin...ginagawan niya pa nga kami ng tula eh. Kay sobrang lab na lab ko 'tong bestfriend ko.
March 21,2021. First anniversary namin ni Andrew,gumising ako ng maaga para e greet siya at gawan ng long sweet message. Ginawan ko rin siya ng video at kung ano-ano pa.
Ilang oras na akong nag hihintay sa reply niya pero wala parin. Mga gan'tong oras gising na siya pero bakit 'di parin siya active.
Hinintay ko lang ng ilang minuto hanggang sa nag active na siya. Napapangiti ako habang nag tatype ng message sa kanya.
['Baby ang tagal mong gumising ah...happy anniversary sa atin I love youuuuu'] chat ko sa kanya.
Napangiti ako nang makitang typing na agad siya.
['Aliyah...'] he replied.
Wtf? Kinabahan ako kasi di niya na ako tinatawag sa endearment namin. May nagawa ba ako kagabi? Wala naman ah, maayos namin kami kagabi bago kami natulog.
['Aliyah I'm sorry...hindi talaga kita gusto, hindi talaga ako nainlove sayo, dare lang sa akin ang lahat nang 'yun...sorry talaga'] basa ko dun sa chat niya.
Para akong nawalan ng lakas sa nabasa. Damn! Sobrang sakit! Tangina! For fvcking 1year dare lang pala ang lahat ng yun?
['S-sino ang nag dare sayo?'] i replied while my hands are trembling.
['si Mitch Writes']
Bumuhos ang luha ko nang makita ang reply niya. Si Mitch Writes? Si Faye? Ang bestfriend ko? What the hell?
['Sorry talaga Aliyah...']
Ang sakit! Sobrang sakit tangina, yung akala mong bestfriend mo na suportado sa relasyon niyo, yung bestfriend mo na tinuring mong kapatid! Siya pala ang may pakana ng lahat. Siya pala ang nag dare kay Andrew na paibigin ako.
Hindi ko na pinansin ang mga message ni Andrew. I decided to leave RPW, pero bago yun nakita ko ang bagong post ni Andrew na nakatag si Faye or I say Mitch Writes.
Andrew Collins is with Mitch Writes
'DARE COMPLETED,MISSION COMPLETED'
115 reacts 75 comments
-ZynnnLy-