I KILLED A CHEATER
"Pa, kailangan ng bayaran ang Hospital bills ni Mama" saad ko nang makapasok siya sa room ni Mama.
May inabot siya sa aking credit card at nilapag niya sa side table ang dala niya prutas.
"Ikaw na ang bahala rito, I have to go... may aasikasuhin pa ako" saad niya at dali-daling lumabas ng room.
I just rolled my eyes. Halos dalawang buwan na kami rito sa Hospital nagbabantay kay Mama, samantalang siya minsan lang bumibisita, ni hindi nga siya nagtatagal ng sampung minuto ay aalis na agad kesyo may aasikasuhin pa.
Last night I asked him if he truly loves my Mother, and he answered " oo naman, syempre kaya ko nga pinakasalan ang mama n'yo". Ni hindi nga niya magawang alagaan at bantayan 'mula no'ng na-comatose si Mama. Lagi niyang dinadahilan ang trabaho niya, like what the hell? Mas importante pa ba 'yon kaysa buhay ng asawa niya?, p'wede naman siyang mag temporary leave ah.
Habang pinupunasan ko ang kamay ni Mama ay biglang pumasok ang Doctor para e check ang kalagayan niya.
"How's my Mama, doc?"
She avoided my gaze and let out a deep breath.
"Mae, we need to talk in my office" tanging saad ng Doctor at nilisan ang k'warto ni Mama.
Binalot ako ng kaba at takot sa inasta ng Doctor. Dali-dali akong sumunod sa kan'ya at pumasok sa office n'ya.
My heart shattered in pain after we discussed about my Mother's health condition. Araw-araw humihina ang resistins'ya ng katawan niya at baka hindi na siya aabot ng isang linggo.
I bursts out my tears while calling my Father's number. I called him a hundred and thirty-five times now but still he's not answering.
Pumasok ako ng k'warto at niyakap ang nakababata kong kapatid. Pa'no nalang kami 'pag nawala si Mama? Pa'no si Gian, he's too young to experience this kind of pain. He needs a Mother to help him grow.
One week has passed by, and my father were nowhere to be found.
We're here in the morgue, staring at my Mother's cold and lifeless body. Pinigilan kong 'di maiyak sa harap ng inosente kong kapatid, wala siyang ka alam-alam sa nangyayari.
"Ate, is Mama sleeping there?" inosenteng tanong ni Gian habang tinuturo ang puting kabaong.
I hold my tears while hugging him from behind.
"Yes Gian, she's resting there" Forever.
"Mae?"
Agad akong binalot ng galit nang marinig ang pamilyar na boses.
"Papa!" masiglang bati ni Gian at tumakbo para yakapin si Papa.
"Bakit ngayon ka lang? Sa'n ka no'ng mga panahon na kailangan ka namin? Pa, isang linggo kang hindi nag paramdam!"
"I'm really sorry Mae, naging busy lang ako sa trabah---"
"Here we go again with your nonsense excuses! Pa, mas importante pa ba 'yang trabaho mo kaysa buhay ni Mama?" Hindi ko na napigilan na pagtaasan ng boses ang aking ama.
Napakababaw ng dahilan niya! 'Di niya ba maiwan-iwan ang trabaho niya?
"Mae, 'wag mo akong pagtaasan ng boses. Papa mo parin ako!" nanggagalaiti niyang sigaw.
Napabaling ang tingin ko sa babaeng umawat at nagpakalma kay Papa. Hindi ko alam pero mas lalo lang kumulo ang dugo ko.
"And who's that girl behind you?"