STORY 23

0 0 0
                                    

Buset na buhay toh ang boring! Kanina pa ako nakahilata dito at walang ginawa kundi mag scroll-scroll sa newsfeed ko, tsk puro tungkol sa April fools ang nakikita ko ah.

'APRIL 01,2020. I DARE YOU TO CONFESS TO YOUR CRUSH'  basa ko dun sa post na dumaan sa nf ko.

Ma try nga toh. Tutal April Fools naman, pagtripan ko nga si Raven mylabs. HAHAHAHAHA!

Agad kong inopen ang messenger ko at napangiti nang makita siyang active. Hmm? Lagot ka sakin ngayon. BWAHAHAHA.

['Crussshhhhhhhh!!!'] message ko sa kanya.

Wala pang isang minuto ay nag reply agad siya.

['What?'] he replied.

Sunget ampt!

['May sasabihin ako'] I replied.

['Ano?']

['Kasi ano kasi eh...di ko alam,nagising nalang ako kaninang umaga at na realize ko na sobrang lab pala kitaaaaa']  nakabungisngis ako habang inaantay ang reply niya.

['Tapos?'] he replied.

Peste!

['Tapos ano, pinapapunta ka nila Mama dito gusto raw nila makilala mapapangasawa ko'] I replied.

Malakas ang tawa ko habang inaantay ang reply niya. HAHAHA.

Antagal naman mag reply ng hayup! Nag iisip pa ata. Napanguso nalang ako nang makita ang  active 2 minutes ago.  Tsk.

['Huy! Raven joke lang yun! HAPPY APRIL FOOLS DAY! Nyahahaha'] message ko sa kanya at bumalik na sa pag e scroll.

"Ate, pinapatawag ka ni Mama sa labas" sabi nung bunso namin.

"Baket raw? May iuutos na naman siya?" nakabusangot kong tanong.

"Di ko alam." sagot niya at lumabas ng kwarto ko.

Tsk. Si Mama naman eh!

"Mamshie, anong iuutos mo?" sigaw ko nang makalabas ng kwarto.

Wala akong narinig na sagot kaya nagtungo ako ng sala.

"Mamshie ano kas--- Raven!?" gulat kong sabi nang makita ko siyang nakaupo sa sala.

Wtf? Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Piste! Medyo nailang ako sa suot ko...naka oversized t-shirt lang ako at naka cycling amputek! Tas wala pa akong suot na bra.

"A-anong g-ginagawa mo rito?" uutal-utal kong tanong habang sinusulyapan si Mama na nakakunot na ang noo.

"Sabi mo pinapapunta ako ng Mama mo dahil gusto niyang makilala ang mapapangasawa mo." seryoso nyang sabi habang si Mama ay nakatitig na sakin.

Napakamot ako sa batok at naiilang na ngumiti.

"Ah kasi, ano HAPPY APRIL FOOLS! HAHAH joke lang kasi yun" natatawa kong sabi.

Natigilan ako sa pagtawa nang makitang seryoso parin ang mukha niya. Okay this is awkward!

"I don't take jokes Macey, hindi uso sa akin ang April Fools na 'yan kaya panindigan mo ang sinabi mo" seryoso niyang sabi.

Ampt! Sabing joke lang yun eh.

"Sandali...sandali! Ano ba ang nangyayari?" sabat ni Mama.

"Sabi kasi ng anak niyo Tita, Mahal niya raw po ako at gusto mo raw akong makilala" nakangusong saad niya kay Mama.

Nasapo ko nalang ang sariling noo. Ano ba tong ginawa kong gulo.

"Ah ganon ba? Sige pag usapan natin yan...halika kain muna tayo, Macey! Pagsilbihan mo 'tong mapapangasawa mo!" sabi ni Mama at nagpasiunang pumasok ng kusina.

Natawa si Raven sa inasta ni Mama. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pagsilbihan mo raw ako." saad niya habang nakatitig sa dibdib ko.

Ambuset! Dali-dali ko namang tinakpan iyon.

He chuckled. " Nice body huh?" saad niya at pinasadahan ulit ako ng tingin.

Ampt! Juskoo po ano tong ginawa kong kalokohan?


-ZynnnLy-

 ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now