RAINY DAYS
"Umuulan nanaman" sambit ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
Dumampi ang napakalamig na hangin sa aking balat, kasabay nito ay ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
Napamulagta ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.
Yakap na nagdadala ng kaginhawaan.
"Diba sabi ko magdala ka lagi ng jacket para 'di ka lamigin" a familiar voice filled my ears.
I blinked multiple times at nilingon siya. A tear escapes from my eye when I saw his familiar face. Hindi parin nagbabago ang ngiti niya...nakaukit parin sa mukha niya ang napakatamis niyang ngiti.
"N-Noah" I muttered.
He's just grinning from ear to ear at kumalas sa pagkakayakap niya sa'kin.
"Noah why are you---" natigil ako sa pagsasalita nang maglakad siya palayo sa akin.
Dali-dali akong tumayo at sinundan siya.
"Noah where the hell are you going? Umuulan sa labas"
Hindi siya lumingon sa gawi ko bagkus ay nagpatuloy siya sa paglalakad.
I sighed. Kahit kailan talaga napakatigas ng ulo ng lalakeng toh!
"Noah!" sigaw ko nang patuloy parin siya sa paglalakad.
Nababasa na siya ng ulan.
Damn him for being so damn stubborn!
Dali-dali ko siyang sinundan... sinasawalang bahala ang mga patak ng ulan na dumadampi sa aking balat.
"Noah, malamig dito sa labas, lets go inside, papagalitan tayo ni Mommy neto eh!"
Still no answer from him. Nilahad niya ang kanyang dalawang kamay habang tumitingala sa kalangitan at ninanamnam ang bawat patak ng ulan.
"Noah, hindi na tayo bata para maglaro sa ilalim ng ulan kaya umuwi na tayo"
Hindi parin siya sumasagot. Basang-basa na kami ng ulan for pete's sake!
Napasapo nalang ako sa sariling noo nang maglakad ulit siya.
"Noah...umuwi na kasi tayo"
"I'm just enjoying the raindrops Kath, wag ka ngang epal" natatawang sabi niya.
Tsk. Napaka isip bata talaga ket kailan.
Sinusundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa isang pamilyar na kalsada.
Nanginginig na ako sa sobrang lamig, damn it! Napatingala ako sa madilim na kalangitan nang mas lalong lumakas ang ulan kasabay ng malakas na kulog at kidlat.
"Kath, sumilong muna tayo dun" sabi niya sabay turo sa waiting shed.
Tsk. Buti naman naisipan niya.
Patakbo siyang tumawid sa kalsada hindi alintana ang paparating na sasakyan.
"Noah---"
I stilled breathtakingly when I saw his body covered with blood.
Nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit sa kanya. Humalo ang dugo niya sa tubig ulan na nasa kalsada.
"N-Noah---" garalgal ang boses na saad ko.
Hinaplos niya ang pisngi ko habang may malawak na ngiti sa mga labi.
"K-Kath, please d-don't c-cry... I hate to s-see you crying, p-please don't c-cry"
"Wag ka ngang magbiro jan---" naiiyak kong saad at hinawakan ang kamay niyang nakahaplos sa pisngi ko.
"Papahinga m-muna ako, Kath" garalgal na saad niya.
Kasabay nang pagbitaw niya sa aking pagkakahawak ay ang pagpikit ng dalawa niyang mata.
"NOAH!"
"Ms. Seyer?"
Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Ma'am Mariano na nakakunot ang noong nakatingin sakin. Napansin kong nasa akin ang atens'yon ng mga kaklase ko.
I cleared my throat." I'm sorry Ma'am" nakayuko kong sabi.
Nakakunot parin ang noo niya tsaka bumalik na sa pag didiscuss.
"You are having a nightmare huh?" biglang bulong ni Josh mula sa likuran.
"Who's Noah?" dagdag pa niya.
Hindi ko siya pinansin at nag kunwareng nakinig sa discussion ni Ma'am.
"Are you okay? Mahimbing kasi yung tulog mo kaya 'di nalang kita ginising nung dumating si Ma'am" bulong ni Jean, seat mate ko.
I nodded. "Ayos lang"
Biglang nag vibrate ang phone ko.
Palihim ko 'tong binuksan.
A tear escapes from my eye when I saw the notification from my calendar.
It's Noah's 5th death anniversary today.
He is my childhood bestfriend.
I met him in rainy day.
We became friends in rainy day.
We played under the rain.
We used to love rainy days.But, what hurts me a lot?
He also died on rainy day.
-ZynnnLy-