THE SECRET BEHIND THOSE LOVELY FACE
"Oh ayan! Iiyak-iyak ka, how many times do I have to tell you na itigil mo na 'yang pantasya mo kay Jeff. Bestie, wala ka ng pag-asa... ayaw nga sa'yo nung tao 'wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo okay? You're just hurting yourself for pete's sake!" sermon ni Cynthia sa akin.
"Masama bang magmahal? Nagmamahal lang naman ako ah" hagulhol kong saad.
"Hindi naman kasi masama ang magmahal, pero kasi sinasaktan mo na ang sarili mo. Nagmumukha ka ng tanga. Bes, tigil na ha... itigil mo na 'yan"
Binaon ko ang mukha sa unan at doon umiyak nang umiyak. Ramdam ko parin ang sakit at kahihiyan na ginawa ni Jeff kahapon. Pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao at sinira niya ang binili kong gift para sa kan'ya.
Sobrang sakit no'n, pinag-ipunan ko pa ang pambili do'n tapos hindi niya lang na appreciate.
"Hoy! 'Wag ka ngang umiyak nang umiyak d'yan, nagsasayang ka lang ng luha. Get up and fix yourself, ipakita mo sa kan'ya na 'di siya kawalan" saad ni Cynthia.
Tumayo ako at inayos ang sarili.
I smiled at the mirror and let out a deep sigh.
"Tama, hindi siya kawalan"
Thankful ako dahil may bestfriend akong tulad ni Cynthia. Maliban kay Mama, siya lang 'yong taong laging and'yan at tanggap ako.
"Bes, ito isukat mo" rinig kong sabi ni Cynthia at inabot sa'kin ang napiling damit.
Nasa boutique kami namimili ng mga damit. Sumama nalang ako kay Cynthia kaysa naman mag kulong ako sa kwarto at umiyak.
Papasok na sana ako ng dressing room nang mahagip ng paningin ko si Jeff na may kasamang magandang babae.
They're look so happy together. Pinasadahan ko ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa, and my insecurities swallowed me big time.
Sobrang ganda n'ya, she has a fair white and flawless skin, a long beautiful brown hair, and an angelic face. Napapalingon sa kan'ya ang mga taong dumadaan, looks like they saw a goddess.
Nakaka insecure siya lalo na't nasa kan'ya na ang lahat, even the man i loved.
"Bes, 'wag kang papa-apekto. Remember hindi siya kawalan" rinig kong sabi ni Cynthia.
Pilit lang akong ngumiti at pumasok na ng dressing room. Pa'nong hindi ako maapektuhan, eh nilalamon ako ng insecurities ko.
Kaya ba ayaw niya sa'kin kasi gano'n ang tipo niya?
--
I got my first boyfriend when I was in Grade 12 and we broke up after our second sem. Hindi nag work ang relationship namin, beside ginagamit at pineperahan n'ya lang naman ako.
"Wake up Mic! No man would ever dream to have you in their life. Yes, i admit it you are smart and rich at 'yon kang ang habol ko--- 'yon lang ang habol namin sa'yo. Stop dreaming that someone will love you endlessly, you suck!"
Nakatatak parin sa'kin ang huling sinabi ni Daryl bago siya nakipaghiwalay sa'kin.
I cried a lot that day and I asked myself, "am I not worth to be loved?"
As I enter college, I built a new version of me. I want to face the world for who i am.
I buy makeups, skin care, and luxurious dresses. I even changed my style... I changed myself.
Malaki ang pinagbago ko with the help of my best friend, Cynthia. As I stared at myself in the mirror I was fascinated with my reflection.
This is the real me. This is who I wanted to be.