STORY 26

1 0 0
                                    

"Babi! Penge payb bili lang ako ng stick-o" rinig kong sabi ni Candice.

"Kabibili ko lang ng tatlong garapon kagabi ah" kunot noong saad ko at napanguso naman siya.

"Payb lang naman kasi!" nakanguso niyang sabi.

"Lamon ka nalang nang lamon, Candice" naiiling kong sabi at ibinalik sa computer ang atensyon.

"Eh kaysa  ikaw lamunin ko"

Wtf? Natigilan ako at nilingon siya.

"W-What did you say?"

"Ayt! Babi naman eh, payb lang kasi!" parang batang sabi niya at lumapit sa'kin saka kinapa ang bulsa ko.

I hissed. Fvck! " Babi ako na, baka kung ano pa ang makapa mo jan eh" sabi ko at dumukot ng barya sa bulsa ng suot kong short.

"Yey! I'll be back Babi!" masayang sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Napaka isip-bata talaga ng girlfriend ko na 'yon. Simpleng pagkain lang masaya na s'ya.

"Babi gutom na'ko"

Nasapo ko nalamang ang sariling noo.

"Kakakain lang natin ah"

"Eh sa nagugutom ako eh" naka pout n'yang sabi.

I pinched her cheeks. "Bili muna tayo ng grocery ta's kakain ulet tayo, okay ba 'yon?"

"Hindi. Gusto ko ng ice cream Babi" parang batang sabi niya.

"Mang go-grocery muna tayo"

"Ayaw!"

Nahilot ko nalamang ang sintido ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao rito.

I don't have a choice, baka iiyak pa 'to.

"Okay fine! Ice cream muna bago grocery" sabi ko at nagliwanag naman ang mukha niya.

Napailing nalang ako nang hinila n'ya ako papasok sa ice cream shop.

"Just choose what you want" saad ko.

"Babi I want this, and this, and this one, and that one" nakangiti n'yang sabi.

"Yung lang?"

"Ahmm and this, and this one...yun lang" she said while grinning from ear to ear.

"How much Miss?" tanong ko sa babae.

"897 pesos po sir"

"Paki serve nalang 'yun lahat sa table namin" sabi ko at inabot ang bayad.

"Ang cute po ng kapatid n'yo sir" nakangiting sabi ng kahera.

"A-ah she's my girlfriend" nakangiti kong sabi.

"Ah sorry po sir akala ko kasi kapatid n'yo" naiilang na sabi ng kahera.

Nginitian ko nalang siya at hinila na si Candice paupo sa table namin.

"Sapakin ko mukha nun eh" rinig kong bulong n'ya.

Natawa nalang ako sa inasta niya.

Napatitig lang ako sa kanya at pinipicturan siya habang kumakain ng ice cream. So damn cute!

---

Kararating ko lang galing sa pag ba-basketball at nadatnan ko si Candice na nakaupo sa tabi ng ref.

Agad na nagliwanag ang mukha niya nang makita ako.

"Babi, magluluto ka na?" parang batang tanong n'ya.

"Babi I'm tired, order nalang tayo sa fast food" sagot ko.

"Eh mas gusto ko 'yong luto mo"

"Eh pagod ako e, masarap naman 'yong sa fast food ah...yun nalang kainin natin" saad ko.

"Gutom na'ko eh! Tsaka mas masarap naman luto mo...sige na babi please ipagluto mo na ako ang sarap-sarap kasi ng mga luto mo." nakanguso niyang sabi.

"Mas masarap naman ako." bulong ko.

"Alangan naman ikaw ang kainin ko?"

Wtf! Narinig n'ya pala.

"I'll be glad if you'll do that" nakangisi kong sabi.

"Babi naman eh!" naiiyak n'yang saad habang nagpapadyak.

Isip bata ampt!

"Okay okay! Magluluto na'ko ng makakain mo basta ba kainin mo rin ako pagkatapos" nakangisi kong sabi at kinindatan s'ya.

Kita ko ang pamumula ng pisngi niya kaya marahan ko 'tong pinisil.

"Babi,you know what?" nakangiti kong sabi.

"Hmm?"

"Mahal parin kita kahit lamon ka nang lamon. Sobrang Mahal parin kita kahit napakatakaw mo" natatawa kong sabi at hinalikan siya sa noo.

-ZynnnLy-

 ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now