CURFEW pt.2
Nag e scroll ako sa newsfeed ko nang mag pop up ang message ni Jovan mylabs. Tsk. Akala ko ba naliligo pa siya?
Chinat niya pala agad ako kagabi...Aacckk mainggit kayo please!
Agad kong binuksan ang message niya.
['Kumain kana ba Hon?'] basa ko dun sa chat niya. Shettt pa fall ampt!
['Opo,tapos na po...ikaw ba kumain na?'] I replied.
['Tapos na rin, nabusog kaba ?'] he replied.
['Oo,pero mas mabubusog ako kapag ikaw kinain ko...ay charooottt HAHAHA'] I replied.
Dapat laging may charot para di mapagkamalang maharot HAHAHA, napakalandi ko talaga.
Ilang minuto na pero 'di parin siya nag rereply...kinikilig pa ata ang asawa ko.
"Ashley! May naghahanap sa'yo!" rinig kong sigaw ni Mama.
Ampt! Sino naman kaya?
Dali-dali kong kinuha ang tuwalyang nakapulupot sa ulo ko at sinuklay ang mahaba kong buhok, tsaka lumabas ng kwarto.
"Ma,sino raw po ang naghahan---Jovan?!"
Gulat akong napatingin sa lalakeng naka upo sa sala kaharap si Mama. Jusko po!
Dumako ang tingin niya sa akin at malawak na ngumiti.
"GoodMorning Honey" nakangiting bati niya.
Ngumiti rin ako habang sinusulyapan si Mama, takte!
"Morning din,hehe" Yawa! ang awkward.
"Tita,pwede mahiram saglit ang prinsesa niyo?" biglang saad ni Jovan.
"Oh sige hiramin mo na at pwede ring wag mo ng isauli, tamad naman 'yan dito sa bahay eh" sagot ni Mama na ikinagulat ko at ikinatawa ni Jovan.
Takte! Si Mama talaga pinapahiya pa ako. Di naman ako tamad ah, slight lang.
Lumapit si Jovan sa akin at hinawakan ako sa kamay. Aacckk takte maugat mga braso niya sis!
"Sige po Tita, babalik po kami mamaya" saad ni Jovan at tumango naman si Mama.
"Ma---"
"Pagbigyan mo na boypren mo,nahiya kapa" putol ni Mama sa sasabihin ko.
Boypren? Eh wala pa ngang kami!
Hinila na ako ni Jovan palabas ng bahay at nagtungo sa naka park niyang scooter.
"Hoy Jovan sa'n mo ba ako dadalhin?" tanong ko at nagpumiglas sa pagkakahawak niya.
"Sekretong malupet" sagot niya sabay kindat. Shet!
"Sa'n mo nga ako dadalhin?" tanong ko ulet.
"Sa bahay"
Wtf?
"Ano?"
"Gusto ka raw makilala ni Mommy eh" sagot niya.
Taena! Ayoko nakakahiya!
"Ayoko Nga..." kinakabahan kong saad.
"Gusto raw makilala ni Mommy ang FUTURE ASAWA ko" saad niya emphasizing the word 'Future Asawa'
"Ah eh...takte pano niya nalaman? Sinabi mo ba?" I asked nervously.
Jusko nag jojoke lang naman ako eh.
"Siya yung ka chat mo kanina habang naliligo ako...at nakita niya yung nickname na 'asawa ko' "
Putek kahiya! Yan napapala ng mahaharot eh. Ba't ko ba kasi sinet yung nickname niya?