STORY 18: KINSE

1 0 0
                                    

KINSE

"Doc, Mrs. Siarez is here for her check up"

"Doc, Manganganak na po ang asawa ko"

"Doc, How's my twins?"

"Doc, sumasakit lagi ang tiyan ko"

"Doc, please save my daughter"

"Thank you for the advice Doc."

Life of an Ob-gyne Doctor, after 15 years of hardwork...finally I have my very own clinic now. Tiring but enjoyable, lalo na't successful ang panganganak ng mga pasyente.

I really love my job, marami na akong napaanak and I'm overwhelmed that all of those are successful. Parami nang parami rin ang pumupunta sa clinic ko para mag pa check up at manghingi ng advice sa pagbubuntis.

"Doc, how's my wife and son?"

"The labor was successful, you don't have to be worried, ililipat na maya-maya ang asawa mo sa private room" sagot ko.

"You really are amazing Doc! Nailigtas mo ang bata at si Mrs. Alvarez" pumapalakpak na sabi ni Mina, my allied.

"Thanks Mina, by the way mauna na ako, bibisita pa ako sa San Pablo National"

"Okay Doc, Have a good day!"

Besides for being an ob-gyne Doctor, lagi akong bumibisita sa mga public and private schools for the orientation.

I've always orienting every students about pre-marital sex. Lagi kong sinasabi at pinapaalala sa lahat ng estudyante na "never engage in pre-marital sex", " never try sexual intercourse unless you're married".

Lagi ko silang sinasabihan ng tama at mali. I don't want to saw some teenagers who got pregnant at the very young age.

Ayokong matulad sila sa akin na maagang nabuntis.

"I'm home!" bungad ko nang makapasok ako ng bahay.

"Hi Mom!" bati ng anak kong si Emelyn.

"Hi baby, how's your day?"

"Nothing's change, gan'on parin" saad niya habang nasa cellphone ang atens'yon.

I kissed her temple.

"Matutulog muna ako nak, pagod si Mommy ngayong araw eh"

"Mom, I have something to tell you" rinig kong saad niya.

"Pwede bukas na anak, pagod na pagod si Mommy eh, promise babawi ako"

She just nodded at binalik ang atens'yon sa cellphone niya.

Wala akong pinagdadamot sa anak ko, I give everything what she needs and wants, of course siya nalang ang natitira kong pamilya. I gave birth to her 15 years ago at the age of 15, at first sobrang hirap lalo na't inabandona kami ng ama niya, it hurts me a lot.

Mahirap magpalaki ng anak na mag isa. But in the end, natanggap ko na at nasanay narin ako. Ginawa ko ang lahat para mabigyan siya ng masaganang buhay.

I got busy these few weeks, lalo na't maraming nag-iinvite sa akin na mga schools, parami rin nang parami ang mga pasyente ko.

I got home and noticed that Emelyn was not around. Hindi pa ba siya umuuwi?  Anong oras na?

I called her a hundred times now but she didn't pick up. Nagsimula na akong mag-alala.

I called her friends.

"Hello Tita, kasama ko po si Emelyn...we're attending a birthday party, ihahatid po namin siya mamaya"

I let out a deep breath and calm myself.

NAGISING ako at dumeretso sa kusina para magluto ng agahan namin ni Emelyn.

Nanlamig ako nang mabasa ang nakasulat sa sticky note na nakadikit sa ref.

Dali-dali akong, pumasok sa kwarto ni Emelyn at nag uunahang tumulo ang aking mga luha nang makitang halos wala ng laman ang closet niya.

Tinawagan ko ang mga kaibigan niya pero ni isa sa kanila ay walang sumagot.

Nag aalala na ako, Emelyn where the hell are you? Anong dahilan bakit ka naglayas?

SIYAM na buwan na ang nakalipas pero wala parin akong balita kay Emelyn. Hindi parin siya bumabalik. Halos mamatay na ako sa kakahanap sa kanya but still she's nowhere to find. Nagpatulong narin ako sa mga police at nag hire ng detective pero hindi pa rin siya nakikita hanggang ngayon.

Halos gabi-gabi akong umiiyak at tinatanong ang sarili ko kung saan ako nag kulang.

9 months naging miserable ang buhay ko, lagi ko siyang iniisip kung asan ba siya, kung kumakain ba siya ng maayos, kung maayos ba ang tinutulugan niya. Napapraning nako kakaisip kung anong sitwasyon ng anak ko.

I really don't know the reason why she left. Wala akong nakikitang rason.

"Doc, may bago pong dating na pasyente...ka apelyido niyo po" bungad sakin ni Mina.

I arched a brow. Ka apelyido ko?

Dali-dali kong sinuot ang mask at gloves ko tsaka pumasok sa labor room.

Nanghina at nanlamig ang buo kong katawan nang makita ang pamilyar na bulto ng dalaga.

Nag uunahang tumulo ang luha ko nang dumako ang tingin ko sa tiyan niya.

So this is the reason why she left? She's damn pregnant at wala akong kaalam-alam. My daughter is pregnant---no, she's now giving a birth for pete's sake!

My knees are trembling when I walk towards her. I stared at her pale face.

"Baby why? Why didn't you tell me?"

"I'm sorry Mom..." nanghihina niyang saad

"Doc kailangan niya ng mailabas ang bata---"

I let out a deep breath and stared at her again.

Hindi ako makapaniwala na ang pasyente ko ay ang pinakamamahal kong anak, I didn't expect this to happen. 9 months ko siyang hindi nakita pero ito ang bubungad  sa akin?

The labor was successful... the baby was normal, pero hindi ang kalagayan niya. Dinala agad siya sa ER matapos manganak. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko parin tanggap ang nangyayari.

I'm in the nursery, watching my granddaughter when they announced the death of Emelyn.

Gumuho ang mundo ko sa narinig. They explain everything to me...hindi kinaya ng katawan niya ang panganganak, mahinang-mahina ang resistinsya niya at maraming dugo ang nawala sa kan'ya.

Sinisi ko ang sarili sa nangyari, naging pabaya akong ina. Halos lahat ng mga kabataan ay pinagsabihan ko tungkol sa pre-marital sex at teenage pregnancy, ginabayan ko sila sa tamang landas pero hindi ko man lang nagawa sa anak ko!

I failed as a Mother.

I gave birth to her at the age of fifteen.
She also gave birth to her daughter named Fifthyn at the age of fifteen.
But, she died after giving a birth at the age of fifteen.

-ZynnnLy-

 ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now