"Sammy! Na try mo na mag Lucid dream?" nakangiting tanong ni Kaizer sa'kin.
"wala akong balak e try." tipid kong sagot.
"Ay! Try naten! Alam ko na ang step"
"Kai, please lang 'wag kang makiuso sa kanila, porket uso 'yang Lucid dream na 'yan e t-try mo rin?" naiiling kong sabi.
Napanguso naman siya. " wala naman sigurong mawawala eh"
I just rolled my eyes at nagpasiunang pumasok ng room.
"Sam, susubukan ko mamaya...ayaw mo?" pangungulit niya nanaman sa akin.
"Kaizer, please lang! Don't try it... 'di mo alam kung magigising ka pa ba o hindi n'yan" naiinis kong sabi.
"Mag-aalarm naman ako." sabi niya.
"Ewan ko sa'yo"
Hindi ko nalang siya pinansin. So damn stubborn!
"Sammy!" tawag n'ya sa'kin.
"What?"
"Na try ko kagabi! Grabe ang cool! I met a girl na naglulucid dream din, her name is Yanie" nakangiti niyang kwento sa'kin, kita ko sa mata niya ang kislap ng kasiyahan .
"Buti nagising ka pa" natatawa kong sabi.
"Syempre nag alarm naman ako! 'Di ka ba magtatanong kung ano ang nangyari?" naka pout niyang sabi.
I rolled my eyes. " O tapos anong nangyari?" i asked.
Malawak siyang ngumiti. "Namasyal kami ni Yanie, grabe ang kulit niya! Tsaka tawa ako nang tawa sa mga kwento niya... tapos pareho pala kami ng hobby, we have a lot of similarities! Nakakatuwa"
"Looks like you found some new friend huh?" biro ko.
"Syempre ikaw parin naman ang bestfriend ko! Try mo nalang din kasi, malay mo magtagpo tayo ro'n"
"Nah, I don't want to...mahirap na baka---
"Good morning class!" boses ni Prof. na pumutol sa pag-uusap namin.
"Sammy ano 'yon? Anong mahirap na baka?" bulong niya sa'kin.
"No talking! No murmuring! Keep quiet!" sigaw ni prof. at nagsimulang magsulat sa pisara.
Senenyasan ko naman si Kaizer na mamaya nalang.
---
I got this weird feeling right now, bakit walang Kaizer ang nagpakita sa'kin? 'Di man lang siya pumasok? Ano nanaman kaya ang rason ng mokong na 'yon.
It's currently 4:00pm at uwian na namin, wala parin si Kaizer kahit ni anino niya. Himala atang nag absent ah.
'Di talaga ako mapapanatag 'pag hindi ko siya makikita kahit isang araw lang. I decided to visit their house.
Nagtaka ako kung bakit napakaraming tao sa bahay nila. May okasyon ba? Bakit hindi man lang nag invite ang lokong 'yon?
Pumasok ako ng bahay nila at agad akong niyakap ng mama ni Kaizer.
"Tita si Kaizer po?" tanong ko.
Nagulat ako nang humagulhol ang Mama ni Kaizer.
"Tita bakit po?" takang tanong ko.
"Wala na si Kaizer, Sam... iniwan niya na tayo" umiiyak na saad ni Tita.
Nanlamig ako sa sinabi niya.
"Tita, you're just kidding right? 'Wag nga kayong mag joke ng gan'yan" natatawa kong sabi kahit na nanginginig na ang tuhod ko.
Iginiya niya ako papasok sa may sala nila. Natutop ko ang sariling bibig nang makita ang puting kabaong na may larawan ni Kaizer sa ibabaw.