"Hey Shaine! Grabeh ang ganda nung story na pinost mo kagabi. Napaiyak mo ako!" bungad sa'kin ni Rachelle.
" 'Di ka ba talaga magsasawang purihin ako?" natatawa kong tanong.
"Of course not! Dapat lang na pinupuri ka, ang galing mo kaya! saka number one fan mo ako no"
"Okay, okay thanks" naiiling kong sabi at umupo na sa p'westo ko.
"Good morning class! For your last and final requirement in Filipino, ay kailangan n'yong gumawa ng short story or spoken poetry. Submission on Friday" rinig kong sabi ni Ma'am.
Sabay-sabay namang umangal ang mga kaklase ko sa sinabi ni Ma'am.
" 'Wag kayong aangal-angal kaysa wala kayong grado. I'll give my remaining time para makapag-isip kayo ng isusulat n'yo" sabi ni Ma'am at lumabas ng room.
"Ayts! Ano ba 'yan!" rinig kong reklamo ni Rachelle na nagsimula nang magsulat sa likod ng notebook niya.
"Uy Rachelle patulong kami sa grammar ah"
"Oo nga pati sa spellings"
"Check mo rin 'yung akin ah"
"Bakit sa'kin kayo magpapatulong?" tanong ni Rachelle na halatang naiirita.
"Eh kasi ikaw 'yung top 1 namin e, tsaka ikaw yung classroom president namin" sagot ng isa kong kaklase.
"Oh e anong connect n'un? Kay Shaine kayo magpatulong magaling 'yan magsulat pramis!" turo n'ya sa'kin.
"Eh ikaw yung top 1 namin eh"
Napailing nalang ako at hindi na sila pinansin.
"Jana, Marie, Ronald,and Shaine, you must pay your GPTA before this month end" rinig kong sabi ng adviser namin.
Napayuko nalang ako at inayos na ang mga gamit ko.
"Pa, kailangan na raw magbayad ng GPTA" saad ko nang makarating sa bahay.
"Naku nak, wala ng pera si Papa eh. Bumili kasi ako ng bagong cellphone ng kapatid mo"
"Ah ganon po ba? Sige po naiintindihan ko po" saad ko at pumasok ng kwarto.
'Di ko maitago ang inggit sa kapatid ko. N'ong ako nagsabi na magpabili ng bagong cellphone hindi nila tinupad pero 'yung kapatid ko binilhan agad. It's okay I'm used to it. Sanay na ako na laging mag-adjust at umintindi. Lagi kong tinatatak sa isipan ko na kapatid ko muna bago ako.
"Shaine! Paki check nga 'tong ginawa kong story kung okay ba" saad ni Rachelle sa'kin.
Binasa ko naman ang gawa n'ya.
"Okay naman, ang ganda nga eh" nakangiti kong sabi.
"Eh! Pero hindi kasing ganda n'ung sa'yo. Nakagawa kana ba? Pabasa nga!" saad niya.
" 'Di ko pa natapos eh. Mamaya ata matatapos na'to"
"Yiee! Pabasa ako ah bago mo ipasa" sabi niya at tumango naman ako.
"Chelle! Pwedeng ikaw na magpasa nito kay Ma'am, aabsent kasi muna ako bukas para maghanap ng trabaho para may pambayad ako sa GPTA" saad ko at inabot sa kan'ya ang papel na may story ko.
"Sure, sure. Sige ingat ka ah"
---
"Ms. Shaine Mendoza! At ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit magkapareho kayo ng ipinasang akda ni Ms. Rachelle? Pangalan lang 'yung napalitan pero parehong-pareho talaga 'yung plot n'yo" saad ni Ma'am.
Kinabahan ako at nilingon si Rachelle na agad na nag-iwas ng tingin.
"Ma'am baka nagkakamali lang po kayo---"
"Yaks! How dare you to copy Rachelle's work?" putol sa'kin ng kaklase ko.
"Mahiya ka naman Shaine! Top 1 'yang kinopyahan mo"
"Palibhasa kasi 'di marunong gumawa"
"Ma'am story ko po talaga 'yun, pinaabot ko lang kay Rachelle kasi absent ako n'ung isang araw, diba Rachelle?" naluluha kong saad at nilingon si Rachelle.
"So do you mean? Kinopya ni Rachelle 'yung gawa mo? Wow! Si Rachelle na top 1 sa klase at classroom president kinopya ang gawa mo?" natatawang sabi ni Ma'am na sinang-ayunan naman ng mga kaklase ko.
"So pathetic"
"Nangarap ka pa bitch"
"Ang sabihin 'di marunong gumawa kaya nangopya nalang"
"Ma'am bakit n'yo po pinapaboran si Rachelle? Bakit hindi n'yo siya tanungin?" tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
"Napaka impossible naman kasi Ms. Shaine na kopyahin ni Ms. Rachelle ang akda mo. Sorry but you are failed to my subject"
Natahimik nalang ako at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Kahit anong gawin ko alam kong hindi sila maniniwala sa'kin. Kahit e-explain ko pa ang side ko for sure pagtatawanan lang nila ako. So I choose to keep silent at hayaan sila.
'Pag favoritism talaga ang pag-uusapan.
Wala akong kalaban-laban.
Tatahimik nalang sa dulo.
Kasi alam kong talo na ako.-ZynnnLy-