When I was in Grade 1
"Ma, may Family day po kami... kailangan andun ang Papa at mama"
"O sige anak pupunta ako, pero 'di makakapunta Papa mo."
When I was in Grade 2
"Ma, may meeting po kami dapat andun daw po ang Papa."
"Anak, ako nalang ang pupunta ha."
When I was in Grade 3
"Ma, pinapatawag po raw kayo dalawa ni Papa sa principal office."
"May kaaway ka nanaman? O sige pupunta ako bukas"
When I was in Grade 4
"Mama, binubully po ako ng kaklase ko kasi wala raw po akong Papa." naiiyak kong sabi.
"Hayaan mo na sila anak, andito naman si Mama eh."
When I was in Grade 5
"Hala! Zoey bakit walang picture ng Papa mo?" tanong nila sa akin habang tinitingnan ang gawa kong Family tree.
"Wala kasi siyang Papa!" natatawang sabi ni Cris.
Nagtawanan silang lahat kasi ako lang naman ang naiiba. Ako lang naman ang walang picture ng Papa sa family tree.
"Oh anak bakit ka umiiyak?" tanong ni Mama sa akin.
"Mama, kasi ang liit ng grade ko sa English...hindi raw kompleto ang Family tree ko sabi ni teacher"
"Ayos lang 'yan nak, ang mahalaga andito si Mama."
When I was in Grade 6
"Zoey, pupunta Parents mo sa graduation?" tanong ni Kira.
"Walang pupunta sa kan'ya! Wala naman siyang Papa HAHAHA"
Rinig ko ang mga tawanan nila. Ang sakit sobra.
When I was in Grade 7
"Hindi ka ba pinalaki ng maayos ng mga magulang mo? Palibhasa wala kang ama!" sermon sa akin ng Teacher namin sa ESP.
Hindi kasi ako nag pasa ng mga projects tungkol sa pamilya-pamilya na 'yan.
When I was in Grade 8
Lumuwas ng Maynila si Mama para mag trabaho.
"Zoey card day natin bukas excited na ako!" nakangiting saad ni Kira.
I just shrugged.
"Wala bang pupunta sa'yo?" tanong niya.
"Wala" tipid kong sagot.
"Si Mommy nalang kukuha ng Card mo" nakangiti niyang sabi.
When I was in Grade 9
Dun na ako nagsimulang mainggit. Yes, naiinggit ako noon pero anjan naman lagi si Mama sa tabi ko kaya nawawala agad ang inggit ko.
"Zoey, picturan mo kami" nakangiting sabi ni Kira habang inaabot sa akin ang camera.
Kinunan ko ng litrato ang masaya at buo nilang Pamilya. Kakainggit HAHA.
Sunday nun kaya nagsimba ako, halos lahat ng nasa simbahan ay may kompleto at masayang Pamilya. Habang ako nasa gilid lang nag iisa.
Hindi ko talaga maiwasang mainggit sa mga kaklase at mga kaibigan ko na may mga supportive na Papa. Diba sana all.
When I was in Grade 10.
Umuwi na si Mama galing Maynila.
Sobrang saya ko kasi bumalik na ulit siya, may mag aalaga na ulit sa akin, may magtatanggol na ulit sa akin.
ESP time nun at pinakwento kami isa-isa ng Guro namin tungkol sa Pamilya namin.
Kinabahan ako nang mabunot ang pangalan ko para mag k'wento sa harap.
"Wala naman 'yang ikukwento, wala siyang Papa remember?" rinig kong sabi nila sabay tawanan.
Shet di naman masakit.
"Class quite!" suway ng guro namin.
Tumikhim ako para maagaw ang atens'yon nila.
"Yes I admit it, wala akong Papa...hindi ko pa nakikita ang Papa ko, sobrang sakit nun diba? Fifteen years na 'di ko parin siya nakikita. Wala eh ganito ang buhay ko, ganito ang buhay namin at wala na kayong pakialam dun. Ang swerte n'yo nga kasi may buo at masaya kayong pamilya samantalang ako eto, umaasa parin na balang araw ay mabubuo ulet kami. Sobrang sakit kasi simula Grade1 nilalait n'yo na ako kesyo wala akong Ama, di kompleto ang pamilya ko...oo tanggap ko yun. Pero sana naman alam niyo ang pakiramdam ng walang ama, respeto naman sa nararamdaman ko." sabi ko na nagpatahimik sa buong klase.
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang magbadyang tumulo ang mga luha ko.
Ang sakit!
Isang gabi 'di ko na napigilang magtanong. Hindi ko pa kasi natatanong 'to noon.
"Ma, sino ba talaga ang Papa ko? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin?" tanong ko kay Mama habang nagliligpit ng kinainan namin.
"Anak, ang mahalaga andito si Mama." nakangiti niyang sabi.
"Ma! 'Yan nalang yung laging sinasabi n'yo eh, ang mahalaga anjan ka. Ang tanong ko lang naman kung bakit hindi nagpapakita si Papa, may Papa ba ako?buhay pa ba ang Papa ko? Kasi Ma, sobrang sakit na...sobrang sakit na! Naiinggit ako sa mga classmates ko kasi sila may Papa, may kompleto at buong Pamilya samantalang ako wala! Ma, nakakainggit sila, yung tipong may Papa sila na poprotekta sa kanila, yung may mapapagsabihan sila. Mama sobrang sakit, kasi fifteen na ako tas 'di ko man lang nakikilala ang Papa ko."
"Anak, hindi na mahalaga na makilala mo pa siya. Iniwan niya na tayo, wag mo na siyang hanapin." kalmadong sabi ni Mama.
"Pero Ma! Kailangan ko rin ng pagmamahal ng isang Ama! Yung pagmamahal na hindi ko pa nararanasan. Kailangan ko rin ng Papa!" hindi ko na napigilang sumigaw,dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"Hindi pa ba ako sapat nak? Hindi pa ba ako sapat ha! Hindi paba sapat ang sakripisyo ko sa'yo? Hindi pa ba ako sapat? Hindi pa ba sapat yung pagmamahal na binigay ko, yung pagmamahal na pinaparamdam ko sa inyo? Hindi pa ba sapat ang lahat ng yun? Bakit maghahanap ka pa sa taong impossibleng makikita mo pa. Nak, ginagawa ko naman ang lahat ah, ginagawa ko ang lahat para iparamdam sa'yo ang pagmamahal ko bilang isang Ina. Nak? Di pa ba sapat si Mama? Huwag mo ng hanapin ang Papa mo please, masaya na siya sa piling ng iba. Andito naman ako ah, Anak ako nalang please, ako nalang."
Natigilan ako nang makita ang mga luha ni Mama. I didn't expect it. Pinagsisihan ko tuloy kung ba't nagtanong pa ako.
Mas masakit pa rin pala ang makitang umiiyak ang Mama mo.
"Zoey, nahihirapan din naman ako pero never kong naisipang sumuko. Kasi mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo. Sorry anak kasi hindi ko mabibigay ang gusto mo, ang hirap eh. Hilingin mo lang sa akin lahat huwag lang yung tungkol sa Papa mo, kasi Anak nasasaktan din ako."
Natahimik ako at niyakap ng mahigpit si Mama.
"Nak, andito naman si Mama eh, huwag kanang maghanap pa ng mas higit kay Mama ah."
"Sorry Ma."
Hindi ko na napigilang umiyak.
And the realization hit me. 'Di ko na kailangan ng Papa kasi kay Mama palang kompleto na ako. Simula ngayon hindi ko na papansinin ang mga taong nangungutya sa akin. Si Mama nalang ang pagtuunan ko ng pansin.
-ZynnnLy-