CURFEW
"Ashley, bilhan mo nga ng gatas yung kapatid mo." utos ni Mama sa'kin at nilapag ang pera sa centre table.
"Opo Ma." sagot ko habang nasa cellphone ang atens'yon, iniistalk ko kasi si Crush.
Kingina kegwapo-gwapo ng asawa ko... 'di talaga ako mag sasawang titigan mga pictures niya.
"Ashley, nakabili ka na ba ng gatas?" rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina.
"Naku lagot!"
Dali-dali kong kinuha ang pera at lumabas ng bahay. Ba't 'di ko namalayan ang oras? Kasalanan talaga toh ni Jovan eh! Nakalimutan ko tuloy utos ni Mama kaka stalk sa kanya.
Nagtungo ako sa tindahan nina Aleng Ybeth pero sarado na. Juskoo sa'n ako bibili nito? Paniguradong makagalitan ako ni Mama.
Tiningnan ko ang oras sa cp ko, it's currently 7:40 pm.
Letse baka maabutan ako ng curfew 'pag sa Mini Mart pako bibili. Bahala na.
Mabilis akong tumakbo papuntang MiniMart, mga ilang kilometro rin ang layo mula sa bahay namin.
Hinihingal na pumasok ako ng MiniMart at agad na kumuha ng isang lata ng gatas.
Magbabayad na sana ako sa counter nang makita ko si Jovan. Putek ba't andito siya? Shemayy napaka gwapo niya talaga at sobrang hot pa!
Nawala siya sa paningin ko kaya agad ko siyang sinundan at nakita sa station ng mga gatas. Uwuu bibili rin siya ng gatas para sa anak namin este sa kapatid niya.
Nagkunwareng namimili rin ako ng gatas ket may bitbit na ako.
Wala lang ba't ba! Gusto ko sabay kaming magbayad sa counter, yieee apakaharot ko talaga taena.
Natapos na siyang pumili ng gatas at inilapag iyon sa counter para babayaran, sumunod naman ako at inilapag din yung akin.
Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyong nag aantay ng sukli niya. Shems! Napakagwapo talaga ng future husband ko, ughhh!
Nauna na siyang lumabas nang matanggap niya ang sukli, hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin!
Napaka sunget talaga! Pero ays lang lab ko parin siya.
Napanguso ako habang lumalabas ng MiniMart, tsk di niya man lang ako inantay! ay char napaka assumera ko talaga.
Naglalakad nako pabalik sa amin nang makita ko ang mga barangay tanod na nagroronda.
Shet! Napatingin ako sa oras ng selpon ko at mahinang napamura nang makitang 8:01pm na.
Jusko curfew na pala! Jusmeyoomarimar na 'yan!
Nagdadasal ako na sana may pampasaherong motor pa pero wala na, tsaka kahit meron naman eh di parin pwedeng sumakay kasi nga pinagbabawal na ang backride unless mag-asawa kayo.
Jusko naman, ano na gagawin ko nito? Ba't kasi naabutan ako ng curfew eh!
Nabuhayan ako ng loob nang makita si Jovan mylabs.
Taena kakapalan ko na ang mukha ko. Bahala na.
"Huy Crush! Pahatid naman sa bahay oh" sigaw ko.
Lumingon siya sa akin. Shemss ang gwapo niya talaga ket anong anggulo.
Kinunotan niya lang ako ng noo tsaka pinaandar ang scooter niya at pinaharurot palayo saken.
Awtss! Apaka bad ng haeop.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ket alam kong makakasalubong ko ang mga tanod. Shemay yari talaga ako nito.
"Bakit nasa labas kapa? Di mo ba alam kung anong oras na!" pagalit na sabi ng tanod.
Sabi ko nga curfew na.
"Ahh...ehh kasi ano... may binili lang ak---"
"Pasensya na boss, bumili lang ng gatas yung asawa ko para sa baby namin" sabat ng baritonong boses mula sa likuran.
Gulat akong napalingon at nakita ko si Jovan na naglalakad palapit sa amin. Wtf!
"Pakisabihan dito sa Misis mo na huwag ng lalabas ng gabi...sumunod dapat sa curfew"
"Opo pasensya na po, naubos ko kasi gatas niya kanina kaya wala siyang mapadede sa baby namin" saad niya at tumingin sa ano ko... tsaka hinapit ako sa beywang.
Juskoo! Apaka wayld ng asawa ko, ay joke HAHAH.
Napatango-tango naman ang mga tanod.
"Honey lets go, gagawa pa tayo ng baby este nag aantay na pala si baby sa bahay." sabi niya at giniya ako sa pasakay sa scooter niya.
Putek! Di ko alam gagawin...kikiligin ba ako o ano! For sure kasing pula na ng kamatis 'tong mukha ko.
Jovan naman eh! Kenekeleg ako tanginaa!
"Kumapit ka" rinig kong sabi niya sabay hawak sa kamay ko at pinulupot sa beywang niya. Shet! Apaka bango niya!
Nagulat ako nang huminto ang scooter niya sa tapat ng bahay namin. Luh? Pa'no niya nalaman na dito bahay namin?
"Ah...thank you for the ride" sambit ko nang makababa sa scooter niya.
"No problem...I'll ride you next time." sabi niya sabay kindat sakin saka humarurot palayo.
Wtf! Ano raw? He'll ride me next time...
"Whaaaaa Mama ikakasal na ako!"
-ZynnnLy-